You are on page 1of 2

Magandang araw sa inyong lahat!

Isang masaya at mapagpalang pagbati sa bawat isang nanonood at nakikinig sa akin ngayon!
Ako po si Trevor Erle, isang mag-aaral sa unang baitang.
Bibigyan ko kayo ng isang magandang kuwento.
Ngunit bago tayo magsimula ay may itatanong muna ako.
Nakakita na ba kayo ng Tigre?ng Leopardo?
Ano ang naramdaman ninyo noong nakakita kayo ng mga hayop na ito?
Saan sila makikita?
Ngayon, handa na ba kayong makinig?
Ang ating kuwento ay pinamagatang
Ang Tigre at Ang Leopardo
Halaw mula sa pabula ni Iso na muling isinalaysay ni Butch SA. Pastor

Nagugutom ang Tigre, habang naghahanap siya ng masisila ay nasalubong niya ang isang
Leopardo sa parang.
Nagugutom din ang Leopardo at naghahanap din ng pagkain.
“Leopardo aking kaibigan,”wika ng Tigre.
“Hindi ba mas mainam kung magkasama tayo maghahanap ng makakain? Mas madaling talunin
ang hayop na si Silang kung dalawa tayong sasalakay.”
“Tama ka kaibigang Tigre,”wika ni Leopardo.
Sa gubat nakakita ang Tigre at ang Leopardo ng isang kuneho na nanginginain. Pagkakita sa
dalawang mabangis na hayop, ang kawawang kuneho ay hinimatay sa takot.
Dinaig ng kasakiman ang Tigre at ang Leopardo.
Ninais ng bawat isa na maangkin ang kuneho para sa sarili.
“Akin ang kuneho, ako ang unang nakakita sa kaniya,”wika ng Leopardo.
Nag-umpisang mag-away ang Tigre at ang Leopardo.
Ipinaglaban ng bawat isa ang Karapatan sa walang malay na kuneho.
Samantala unti-unting binalikan ng malay ang kuneho.
Nang tuluyang mahimasmasan ay walang lingon na kumaripas siya nang takbo.
Iniwan ang nagpapambunong Tigre at Leopardo.
Tumigil lamang ang Tigre at Leopardo sa kanilang away nang nanlulupaypay na sila pareho
dahil sa pagod.
Noon lamang nila napansin na ang pinagaawayan nilang hayop na si Silang ay nakatakas
patungo sa kaligtasan.
Laking panghihinayang ni Tigre at Leopardo.
Napagkasunduan nila na hanapin ang kuneho.
“Kaibigang Tigre, tigilan na natin ang pag-aaway. Maari tayong magtulungan. Hanapin natin
ang kuneho,”wika ng Leopardo.
“Tama ka Kaibigang Leopardo, tayo na!, wika ng Tigre.
Sa kanilang paghahanap ay narinig nila ang boses ng kuneho sa damuhan.
Gutom na gutom ang itsura ng kuneho kasama ang ibang kuneho.
“Salamat sa inyo aking mga kaibigan! Napakarami nitong mga pagkain, saluhan ninyo akong
lahat. Kahit ako ay nagugutom ay gusto kong mabusog tayong lahat.”, wika ni Silang.
Sa likod ng damuhan, nasabi na lamang ng Tigre na,“Sana natuto tayong magtulungan at
maghati sa pagkain at hindi natin pinairal ang kasakiman.”
“Tama ka, gayahin natin si Silang na anuman ang gutom na kanyang naramdaman ay inuna niya
ang pagbibigay sa kapwa,”wika ng Leopardo.
Mula noon ay magkasama na ang Tigre at Leopardo sa paghahanap ng pagkain at palagi na
silang nagbibigayan.

You might also like