You are on page 1of 2

Group 5

ANG TATLONG BIIK

Narrator: Noong unang panahon, May isang nanay na baboy na naninirahan kasama ang
kanyang tatlong anak.

Mother Pig: Mahal kung mga anak dahil malalaki na kayo, kailangan nyong tahakin ang sarili
nyong landas, hindi ko na kaya kayong itaguyod pa. Mag ingat kayo sa masamang lobo.

Narrator: Sabay-sabay silang umalis para magtayo ng sarili-sarili nilang bahay

Narrator: Ang unang biik ay nakahanap ng dayami.

Unang Biik: Gagawa ako ng bahay gawa sa dayami. Napakadali lang nito, hindi ako
pagpapawisan!

Narrator: Ang Unang biik ay natapos ng mabilis at pumasok sa kanyang bahay para
maghapunan. Samantala, sa kalsada nakakita naman ang pangalawang biik ng mga patpat.

Pangalawang Biik: Itatayo ko ang bahay ko gamit ang patpat. Ito ay masmatibay kaysa sa
dayami, kaya ko itong gawin ng mabilis at walang kahirap-hirap.

Narrator: Ang Pangalawang biik ay tapos rin ng mabilis at may oras pa para maghapunan.
Habang tapos na ang dalawang magkapatid ang pangatlong biik naman ay magsisimula pa
lamang dahil plinano nya muna ang gagawin nyang bahay.

Pangatlong Biik: Gagamit ako ng ladrilyo para gawin ang bahay ko.

Narrator: Buong araw nag trabaho ang pangatlong biik. Nung umaga ay pumunta ang una at
pangalawang biik sa bahay niya para maglaro.

Unang Biik: Ano ba yan! Hindi ka pa tapos sa bahay mo

Pangatlong Biik: Kahit matagal ko man gawin yung bahay ko sigurado naman ako na napaka
tibay ng aking bahay. Walang bagyo o sakuna na makakasira sa aking bahay.

Pangalawang Biik: Ano tingin mo marupok ang bahay naming

Narrator: Hindi niya pinansin ng pangungutya ng kanyang kapatid. Nagpatuloy parin si


Pangatlong Biik sa pagawa ng kanyang bahay at unti-unti natapos rin niya ang kanyang bahay ng
isang linggo.

Masayang nanirahan ang tatlong biik pero may isang lobo na gustong kaiinin sila. Pinuntuhan ng
lobo ang bahay ng unang biik: Munting biik, Munting biik ako ay iyong papasukin
Unang Biik: Hindi! Hindi! Kahit ano pa ang iyong sabihin ay hindi kita papapasukin.

Tusong Lobo: Kung gayon sa aking paghinga, ang iyong bahay aking sisirain!

Narrator: Ang tusong lobo ay huminga ng malalim at hinipan ang bahay na gawa sa dayami at
nasira ito! Ang munting biik ay tumakbo sa bahay ng kanyang kapatid sa gawa sa kahoy. Ang
tusong lobo ay sumunod sa kaniya.

Tusong Lobo: Munting biik, munting biik, ako ay isang papasukin!

Pangalawang Biik: Hindi! Hindi! Kahit ano pa ang iyong sabihin ay hindi kita papapasukin!

Tusong Lobo: Kung gayon sa aking paghinga, ang iyong bahay ay aking sisirain!

Narrator: Ang tusong lobo ay huminga ng malalim at hinipan ang bahay na gawa sa patpat at ito
ay nasira! Ang mga munting biik ay tumakbo papunta sa bahay ng kanilang kapatid. Maya-maya
ang tusong lobo ay kumatok sa pintuan. Gutom na gutom na siya!

Tusong Lobo Lobo: Mga biik, mga biik, ako ay papasukin niyo!

Pangatlong Biik: Hindi! Hindi kahit ano pa ang iyong sabihin ay hindi ka namin papapasukin!

Tusong Lobo: Kung gayon sa aking paghinga ay iyong bahay ay aking sisirain!

Narrator: Ang lobo ay huminga ng malalim at hinipan ang bahay na gawa sa bato, ngunit hindi
gumalaw kaya’t sinubukan niyang muli at siya ay nahilo. Ang tusong lobo ay umakyat papunta
sa chimney.

Tusong Lobo: Ako ay bababa sa chimney para kainin ka!

Ang Tatlong Biik: Sige lamang! Mayroon kaming surpresa para sa iyo!

Narrator: Ang tatlong biik ay naglagay ng napakainit na palayok ng tubig sa ilalim ng chimney.
Nang bumaba ang lobo sa chimney, siya ay nahulog sa mainit na tubig!

Tusong Lobo: Aray! Aray! Aray!

Narrator: Ang lobo ay tumakbo sa malayo, malayong-malayo hanggang sa kaya niya!

Ang Tatlong Biik: Yehey!! Ngayon ang tusong lobo ay hindi na tayo gagambalain muli!

Narrator: At ang tatlong biik ay tumira sa kanilang tirahan na gawa sa bato, happily ever after.

ALL: THE END

You might also like