You are on page 1of 6

NARRATOR - DOMINIC

Martha - Kiesha
Tosong Lobo - Khai
Anak 1- Jhed
Anak 2- Dee
Anak 3- Mirelle
Anak 4- Miguel
Anak 5/ Kuneho - Jin
Anak 6- Anna
Anak7- Ariane

“Ang lobo at ang pitong batangKambing”


SCRIPT
Narrator: Noong unang panahon malapit sa masukal na gubat may isang bahay na
kung saan may nakatirang Isang kambing at pitong anak Nag papaligsahan ang
mga kambing kung sino ang pinaka malakas sa kanila ginaganap ang paligsahan sa
gitna ng gubat
Jin: Meron bang gustong humamon kay Grand Bully?
:at eto na ang humamon ang malakas at ang dakilang si Martha
All: Martha…..martha……martha
Jin: ”Pwesto……Handa…..Tira”sabay pito
Narrator: At nag simula na ang laban ng dalawang magkatunggali matatalo na ni
Grand Bully ang nanay na kambing malapit na syang mapalabas sa Ring
Jhed:Kaya mo yan nay kaya mo yan ipakita mo sa kanya ang lakas ng isang nanay
Narrator: nang marinig ang sinabi ng anak buong lakas nyang tinulak si Grand
Bully hanggang mapalabas na ito sa ring!
Lahat ng magkakapatid: yehey……Martha….yehey
Jin: “At ang nanalo lay si Martha” sabay puri kay Martha
Narrator: Pinalibutan si Martha ng kaniyang mga anak at niyakap ito
Dee: Ang galing mo nanay pinakita mo sa kanya ang lakas mo!
Narrator: Isang tosong lobo ang nagtatago sa halamanan at nanonood sa
paligsahan
Khai: Hmmm..ang daming batang kambing…….ang daming pagkain ito……
Sarap!
Kiesha:tayo na nga anak at umuwi na tayo at kailangan kopang mamalengke
Narrator: Umuwi na si Martha kasama ang kaniyang mga anak, naisip ng lobo na
sundan ito kung saan ito nakatira, habang naglalakad naramdaman ni Martha na
may sumusunod sa kanina pag talikod, wala naman napansin nya ang mga bakas
ng mga paa ng tosong lobo
Kiesha: Hmmmm…..Tosong lobo balang araw matuturuan rin kita ng leksyon
Narrator: Pagdating sa bahay kailangan ng umalis ni Martha para mamalengke
Kiesha: Dito muna kayo at mamalengke lang ako wag kayo magpapasok kung
sino-sino tandaan nyo may lumilibot dito na tosong lobo”Kulay itim,may
mahahabang kuko at napakalalim na boses” kapag may kumatok wag nyong
bubuksan ang pinto
:mag ingat kayo mga anak
Lahat ng batang kambing: paalam nanay
Narrator:umalis na si Martha para mamalengke at nakita sya ng lobo na nagtatago
sa puno
Khai: wag kang mag-alala Martha sige iwan mo ang mga anak mo at makain ko
sila ng isa isa ng buhay direkta sa aking tyan
Narrator:Dali daling nagpunta ang lobo sa bahay ng mga kambing para hindi
mahalata nagpanggap syang si Martha at kunwari naka balik na galling palengke
Khai: Nandito na ako mga anak buksan nyo ang pinto
Narrator: natigilan ang paglalaro ng mga batang kambing pero hindi nila
binuksan ang pinto
(Habang kumakatok)
Khai: mga anak buksan nyo ang pinto! marami akong nabili sa palengke buksan
nyo ang pinto
Narrator: Nang marinig nila ang malalim na boses naalala nila ang bilin ng
kanilang Nanay na si Martha
Mirelle :Kilala ka naming ikaw ang tosong lobo maalumanay at maamo ang boses
ni nanay hindi panget ng katulad sayo! Kaya umalis kana hinding hindi ka naming
papapasukin
Narrator: Galit na kumatok ng pinto ang tosong lobo sa pinto kahit taok na takot
ang mga batang kambing hindi parin nila binuksan ang pinto may naisip na paraan
ang tosong lobo pumunta siya sa malapit na panaderya para kumuha ng isang
Cake na punong puno ng Icying para kainin ito para maging matamis ang boses
nito
Khai: ahhh kaya ko nang gayahin ang boses ni inang kambing
Narrator: Paulit ulit ang ensayo ng lobo para gayahin ang boses ni Inang kambing
at agad syang bumalik sa bahay ng mga kambing
[At kumatok sa pinto]
Khai: Buksan nyo ang pinto nakita ko ang tosong loboi na kumakain ng isda sa
ilog akala nyo ako siguro yong tosong lobo
Narrator: Ngayon nag aalinlangan pa ang mga kambing kung bubuksan nila ang
pinto gaya naman ang boses ni Inang kambing
:Bubuksan na sana nila ang pinto ngunit ng sumilip ang Ika 6 na kambing
nakita nito ang mahahabang kuko ng lobo
Miguel : Teka hindi mahahaba ang kuko ng nanay namin! Umalis kana tosong
lobo hindi ka naming papapasukin!
Narrator: kaya sa kabila na ginawa ng lobo na makapasok sa bahay ng mga
kambing bigo pa rin sya sa kanyang plano naisipan nyang umakyat gamit ang
bintana na mataas sa kinatatayuan ya kaya kumuha sya ng mga bloke ng semento
at pinag patong patong ito saw akas naabot nya ang bintana at pwede na syang
pumasok sa bahay
Khai: Ha.ha.ha.ha..hoy mga anak ng inutil na kambing isa isa kuna kayong
kakainin
Jin : Hoy baliw na lobo akala mo sobrang talino mo itong bagay sayo!
Narrator: Pinag babato ng mga batang kambing ang tosong lobo sa bintana
tinamaan sya ng mangkok sa ulo at tuluyang nahulog sa kinatatayuan nya wala na
siyang naisip na gagawin para makapasok sa bahay ng mga batang kambing kaya
kumuha sya ng malaking troso at ginamit ito para sirain ang pinto ng bahay
Khai: Hindi na ako magpapanggap na nanay nyo! (Galit na sabi nito)
Anna : Um-umalis kana ditto!
Khai: Sisirain ko ang bahay nyo at makakain ko na rin kayo ha.ha.ha.ha.ha.ha
Narrator: Agad na hinarang ng mga batang kambing ang pintuan ng bahay at
tuluyan na ngang nasira ang troso ngunit hindi parin nabuksan ang pinto nakaisip
ulit ng ideyaang lobo kaya pumunta sya sa gilingan at kumuha ng isang sako ng
harina nilubog nya ang paa sa harina hanggang sa naging puti ang mga ito
:(agad siyang bumalik sa bahay ng mga kambing at kumatok sa pinto!)
Knock..Knock!Knock!
Khai: mga bata buksan nyo ang pinnntoo-o
Narrator: nag katinginan uli ang mga magkakapatid at wala sa kanila nagbukas ng
pinto
Ariane :Puti ang mga paa nya si nanay nayan buksan nyo na ang pinto
Narrator: At binuksan na nga nila ang pinto para sa kanilang nanay!....At laking
gulat ng mga batang kambing Ang malalaki at matatalim na pangil ng lobo ang
sumalubong sa kanila
Khai: sa wakas makakakain narin ako kakainin ko kayong lahat
Narrator: takot na nag si tago ang mga batang kambing isa sa ilalim ng lamesa
ang isa naman sa ilalim ng kama habang ang isa naman ay sa loob ng aparador
may isang nagtago sa pugon ang isa gumapang sa loob ng bariles habang ang
bunso ay nagtago sa loob ng orasan
Khai: Ha…ha….ha….ha….h.a gusto nyo bang maglaro ng tago taguan Bago ko
kayo kainin ?
Narrator: Isa isang kinuha ng lobo ang mga batang kambing sa kanilang
pinagtataguan at kinain ito ng buhay direkta sa tiyan tanging bunsong kambing
lamang ang nakaligtas dahil hindi na isip ng lobo na magkasya ang isang kambing
sa isang orasan!
Khai: Ohh….hoop! napakasarap naman ng kinain ko
Narrator: Agad na umalis ang lobo at nagpahinga sa isang puno bago dumating si
Martha…….Ilang saglit pa ay nakauwi na si Martha galing sa palengke malayo pa
lamang napansin nyang bukas ang pinto dali dali siyang pumunta sa bahay laking
gulat nya na sira sira ang mga gamit nagkalat ang mga damit napakagulo ng
kanilang bahay at nawawala ang kaniyang mga anak! Nanlumo si Martha at
umiyak ilang saglit pa bumukas ang isang orasan at nakita ang kaniyang bunsong
anak
Bunsong kambing: nanay nanay! [tumatakbo na ummiiyak]
Narrator: Niyakap niya ang kaniyang bunsong anak habang umiiyak
Kiesha: Oh….my….God anong nangyari dito nasaan na ang mga kapatid mo
Bunsong Kambing: Nakakakilabot po dumating po yong lobo tapos isa isa nyang
kinain ang mga kapatid ko
Kiesha: Diba sabi ko sa inyo wag nyo syang papapasukin at kumpirmahin nyo
muna kong nagpapanggap lang siya
Narrator: Kinuwento ng bunsong kambing ang buong nangyari at pinaliwanag
ang mga panlilinlang na ginawa ng tosong lobo
Kiesha: tahan na anak….Hayop kang lobo ka kinain mo ang mga anak
ko…..Ngayon ako na ang makakalaban mo …..Halika at hanapin natin sya!
Narrator: Umalis si Martha at ang kaniyang anak para hanapin ang lobo may
narinig siyang tunog mula sa malayo na para bang isang malakas na paghilik at
yun nga ang tosong lobo! May naisip si Martha kumuha ito ng sinulid karayom at
gunting para tahiin ang tiyan ng tosong lobo Hiniwa nya ang tiyan ng tosong lobo
gaya ng kaniyang inaasahan na buhay pa ang kanyang mga anak napatalon sa tuwa
ang bunsong kapatid nang Makita ang mga kapatid
Bunsong Kambing: Yehhhy!!!……Yehhhey…..!
Kiesha: Anak wag kang maingay baka magising ang tosong lobo
Narrator: at isa isang nagsilabasan ang mga batang kambing sa tiyan ng lobo! At
may naisip ang bunsong anak ng kambing na kumuha ng mga bato para ilagay sa
tiyan bago ito tahiin ulit……tinahi ng inang kambing ang tiyan na may nga bato.
(at umalis na??)
Khai: ang tagal namang matunaw ng mga batang kambing sa tiyan ko nauuhaw
tuloy ako
Narrator: naglakad sya at pumunta sa malapit na balon para uminom ng tubig
hirap nahirap siyang itaas ang mga paa nya ngunit pag yuko ng lobo para uminom
ng tubig bigla itong nahulog sa balon at doon nalunod at namatay.

ANG KATAPUSAN……… 😊

You might also like