You are on page 1of 4

BERONG BUMBERO (sequence)

Isang umaga sa baryo ng Sikap may isang bata na nagngangalang Darren. Siya ay
maagang nagising na tila masayang-masaya dahil araw ng Sabado. Walang pasok sa
eskwela kaya naman dali-dali niyang pinuntahan ang kanyang mga kaibigan na
naglalaro sa labas.

Darren: Nay! Maglalaro po muna ako sa labas.


Nanay: Sige, wag masyadong magpakalayo.

Sa labas ng bahay, kasama ni Darren ang kanyang kaibigan na sina Kris, Lina, at
John.
Darren: Tara tagu-taguan.
Kris: Iba na lang.
John: E ano?
Kris: Lutu-lutuan nalang.
Lina: Sige, para maiba naman. Intayin nyo ako, kukuha lang ako ng posporo sa aming
bahay.
Kris: Samahan mo ako Lina, maghahanap tayo ng mga lata at papel.

Habang nagsisindi sila ng apoy, tinawag sila ng nanay ni Darren.

Nanay: Bakit kayo naglalaro ng apoy? Sumama kayo sakin dahil may mga super hero
na parating.
Darren: Superhero! Si Batman? Si Superman?
Nanay: Yun lang ba ang kilala nyong superhero? Sumama kayo sa akin at ipapakita
ko sa inyo para makilala nyo sila.
Darren: Saan po ba?
Nanay: Sa covered court.
Darren: Tara! Bilisan natin para maabutan natin ang mga super hero.

Pagdating sa covered court, nakita nila ang tumpok-tumpok na tao. Nakita nila ang
taong katulad ng nakikita nila sa telebisyon.
Nanay: Sila ang mga tinutukoy ko na superhero. Wala silang kapangyarihang katulad
nina Batman at Superman, pero nagliligtas din sila ng mga buhay ng tao.

Bumbero 1: Magandang umaga sa inyo! Narito kami upang maghatid ng


impormasyon at paalala na maaari nyong gawin kapag may sunog.

Bumbero 1: Pero bago ang lahat, magpapakilala muna kami sa inyo. Alam kong
karamihan sa inyo ay nakikilala na kung sino ako. Para sa mga hindi pa, hayaan nyo
akong magpakilala sa inyo. Ako si Berong.

Berong: Nandito tayong lahat para malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin bago
at habang may sunog.

Berong Bumbero: Magsimula tayo sa kung paano nagsisimula ang sunog sa bahay.
Alam naman natin na maraming mga bagay sa ating mga bahay ang maaaring
pagmulan ng sunog. Una na diyan, kandila, kapag naiwan itong may sindi at hindi
sinasadyang matumba, malaki ang posibilidad na pagmulan ito ng apoy. Paalala sa
mga bata na huwag itong paglaruan ganun na rin ang mga posporo, lighter, at iba
pang pinagmumulan ng apoy.

Nanay ni Darren: Narinig niyo yung sinabi niya, wag kayong maglalaro ng apoy.
Maaari yung pagmulan ng sunog.

Berong Bumbero: Pangalawa, ang mga electronic appliances ay dapat huwag


iwanang nakasaksak kung hindi ito ginagamit. Maaari itong magdulot ng over heat.
Ganun rin ang gasul, dapat huwag hayaang bukas dahil maaari itong sumingaw.

Lina: Naku! Sasabihin ko ‘yun kay ate, palagi niyang iniiwanan ang kanyang charger
na nakasaksak.

Berong Bumbero: Ngayon naman, pag-uusapan naman natin kung anong mga dapat
gawin sa kaorasan kapag may sunog.

Berong Bumbero: Sakaling magkasunog, manatiling mahinahon at agad lumikas.


Patunugin ang fire alarm at ipagbigay alam ito sa kinauukulan para sa agarang tulong.

Berong Bumbero: Kung ikaw ay nasa loob ng isang gusali, gumamit ng hagdan at
huwag gumamit ng elevator. Bago buksan ang anumang pinto, pakiramdaman muna
kung ito ay mainit. Huwag buksan kung ito ay mainit dahil maaring may sunog sa
loob.

Berong Bumbero: Kapag may malaking usok, gumapang papunta sa ligtas na lugar.
Takpan ang bibig at ilong gamit ang basang tela o damit. Kapag umapoy ang damit na
suot, tumigil sa pagtakbo, dumapa at magpagulong-gulong hanggang maapula ang
apoy. Kapag hindi makalabas, manatili sa loob at humingi ng tulong gamit ang tela na
may matingkad na kulay o kaya naman ay gumawa ng ingay para marinig ng mga
reskyuwers.

Berong Bumbero: Pagkatapos ng sunog, huwag bumalik sa loob ng bahay o gusali


hangga’t wala pang abiso ang kinauukulan. Ipasuri agad ang sarili kung nasugatan o
nasaktan.

Ngunit hindi pa natatapos ang programa ay may isang taong sumigaw na may sunog.
Nagkagulo ang lahat at nagkanya-kanya silang takbo sa kani-kanilang mga bahay
upang tingnan kung kanino ang nasusunog. Dali-dali ring nagsikilos ang mga
bumbero para apulahin ang apoy.

Darren: Inay, tara na! Tingnan natin kung kaninong bahay ang nasusunog.

Nanay: Tayo na’t baka yung bahay natin ang nasusunog.

Pagdating nila, ang bahay nina Kris ang nasusunog. Naiwang bukas ng nanay niya
ang gasul na pinagmulan ng sunog. Humingi agad ng tulong ang mga kapitbahay sa
mga bumbero. Habang inaapula ng bumbero, napag-alaman nilang may bata pa sa
loob ng bahay.

Berong Bumbero: Ako na ang bahala, kumalma lang po kayong lahat.


Dali-daling umaksyon si Berong Bumbero upang iligtas ang bata. Lumabas siyang
buhat-buhat ang bata. Dahil sa mabilis na pag-aksyon, kaagarang naapula ang apoy at
wala ng nadamay pa na ibang bahay na nasunog.

Darren: Kris, sa amin muna kayong pamilya matulog.

Nanay ni Kris: Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat din po sa inyo Berong
Bumbero.

Darren: Inay, tama nga ang sinabi niyo sa amin. Tunay na superhero nga ang mga
bumbero.

Lahat ng nabanggit ni Berong Bumbero sa programa ay nagawa habang inaapula ang


apoy at nililigtas ang bata sa loob ng bahay.

Berong Bumbero: Tandaan, maging maingat sa paggamit ng mga elektronikong


kagamitan at mga ginagamitan ng apoy dahil ang mga ito ang maaaring pagmulan ng
sunog. Maging handa at alerto bawat oras, kaibigan.

You might also like