You are on page 1of 32

Layunin

1. Nababasa nang malakas ang mga tekstong sa


antas ng baitang na may angkop na bilis

2. Nagagamit ang mga panlapi upang malaman


ang kahulugan ng mga salita
3. Nahihinuha ang mga mahahalagang detalye sa
sanaysay

4. Nababaybay ng wasto ang mga salita sa talaan


ng talasalitaan at mga salitang hango sa
kuwentong binasa
II. Paksa
Aralin 31: Wastong Paggamit ng Enerhiya
Paghinuha sa mga Detalye sa Kuwentong Binasa
Paggamit ng mga Panlapi
MT3F-Iva-c-1.4
MT3A-Iva-i-5.3
MT3RC-IV-i-5.3
MT3G-IVb-2.5
MT3F-Iva-1.5
K M pp. 318-322
PG-pp. 329-332
Kagamitan: tsart
Pagbaybay ng mga Salita
1.matalino
2.mapangarapin
3.napakasaya
4.kamangha-mangha
5.makabuluhan
6.umaasa
7.maganda
8.sumasagisag
Paglinang sa mga salita

1. maaksaya
2. umaapaw
3. tuluy-tuloy
Pagganyak

Bakit mahalaga ang tubig?


Bakit mahalaga ang kuryente?
Pagganyak na Tanong

Ano ang iyong karanasan kung


may brownout?
Madilim na Ilaw
ni: Gretel Laura M. Cadiong
Nagmamadaling kinuha ni
Teresa ang kaniyang mga
aklat at inilagay sa kaniyang
bag “Paalam nanay, aalis na
po ako.” sabi ni Teresa sabay
halik kay Aling Tina
Napabuntong hininga si Aling Tina habang
papunta sa silid ng anak at nagsimulang
linisin ito. Tambak ng damit sa kama,
nakakalat na mga hindi nagamit na papel,
tumutulong gripo, at walang takip na
toothpaste ang pangkaraniwang tanawin
niya tuwing umaga. Pagpunta niya sa kusina
tumambad sa kaniya ang hindi naubos na
pagkain sa mesa. Napailing na lamang si Aling
Tina “O, kailan kaya matututo si Teresa na
magtipid? sabi niya sa sarili.
Isang araw, umuwi si Teresa na
may dalang sulat mula sa
paaralan. Masaya niyang
tinanong ang kaniyang ina,
“Papayagan nyo po ba akong
sumali sa gawain ng mga
babaeng iskawt sa Sabado at
Linggo sa Barangay Limasawa?
Sandaling nag-isip si Aling Tina at
sinabing “Papayagan kita Teresa ngunit
lagi mong susundin ang mga utos ng
iyong guro.
Araw ng Sabado, kasama na si Teresa
sa gawain ng mga Babaeng Iskawt.
Hindi nagtagal, nakarating na ang
grupo sa Barangay Limasawa, ang
pinakamalayong barangay sa kanilang
bayan.
Sabik na inakala ni Teresa na
magtatayo sila ng tent na
kanilang tulugan at
pahingahan. Laking gulat niya
nang malamang ang bawat isa
sa kanila ay sa bahay ng mga
residente mananatili.
Si Teresa ay sa pamilya nina Mang Tony at Aling
Dora maninirahan. Nalaman niya na wala palang
elektrisidad at gripo ng tubig sa lugar kung
kaya’t kailangan niyang gumising ng maaga
upang sumalok ng tubig na pampaligo. Sa gabi,
hindi niya napapanood ang kaniyang paboritong
programa at nakapaglalaro ng video games.
Higit sa lahat, ang madilim na gabi ang
nagpahirap kay Teresa sa paggawa ng mga
itinakda ng guro “Ang lamparang gas ay may
madilim na ilaw, naisip ni Teresa.
Ang dalawang araw na kamping
ay natapos. Masaya si Teresa na
umuwi sa bahay nila. Nagpasya
siyang gawin ang isang bagay.
Ang madilim na ilaw mula sa
lamparang gas ang nagturo sa
kaniya ng dapat gawin.
1.Bakit nagmamadali si Teresa?
2.Ano-ano ang bagay na hindi
pinangangalagaan ni Teresa?
3.Bakit mo nasabi ito?
4.Sa anong gawain siya sumali?
5.Ano ang ilaw na ginagamit ng
mga taga-barangay tuwing gabi
Bakit
6.Anong uri ng liwanag ang
ibinibigay ng lamparang gas?

7.Nasiyahan ba si Teresa sa
kaniyang karanasan sa
kamping? Bakit oo? Bakit
hindi?
8. Ano ang kaniyang natutuhan sa
karanasan sa kamping?

9. Bakit kailangang magtipid sa


elektrisidad at tubig?

10.Ano-ano pa ang kailangan nating


tipirin?

11.Bakit kailangan natin itong gawin?


Ang hinuha ay matalinong
pagpapasiya batay sa
nakita, naunang kaalaman,
o karanasan. Ito ay isang
ideya na hindi tuwirang
inilalahad.
Paglinang sa Kasanayan
KM p. 320
1. Tambak ng damit sa kama, nakakalat na mga
hindi nagamit na papel, tumutulong gripo, at
walang takip na toothpaste ang
pangkaraniwang tanawin sa kaniya tuwing
umaga. Pagpunta niya sa kusina tumambad
sa kaniya ang hindi naubos na pagkain sa
mesa.

A. Anong uri ng bata si Teresa?


B. Bakit mo nasabi ito?
C. Ano ang nakatulong sa iyo sa pagbibigay ng
hinuha?
2. Nagmamadaling kinuha ni Teresa
ang kaniyang mga aklat at inilagay sa
kaniyang bag.

A. Saan sa palagay mo pupunta si


Teresa?
B. Bakit mo nasabi ito?
C. Ano ang nakatulong sa iyo sa
pagbibigay ng hinuha?
3. Masaya si Teresa na umuwi sa bahay
nila. Nagpasiya siyang gawin ang isang
bagay. Ang madilim na ilaw mula sa
lamparang gas ang nagturo sa kaniya ng
tamang dapat gawin.
A. Ano sa palagay mo ang gagawin ni
Teresa?
B. Bakit mo nasabi ito?
C. Ano ang nakatulong sa iyo sa
pagbibigay ng hinuha?
Paglalapat

Ibigay ang inyong hinuha sa mga sumusunod na sitwasyon

1. Nasa mesa ang mga aklat na nakabukas at


may mga tandang marka ang ibang teksto.May
mga papel na may nakasulat na mahahal;aging
teksto mula sa aklat. Bukas din ang ilaw.

A. Ano kaya ang ginawa ng taong gumamit ng


mesa?
B. Bakit mo nasabi ang gayon?
2.Pinapawisan ng matindi si Erlin
hanggang kilay. Tanghali na pero
mayroon pa ding tiring mga ballot ng
kendi at iba pang kakanin. Sumigaw
siya muli ng: Suman! Suman, masarap
na suman!

A.Ano ang hanapbuhay ni Erlin?


B.Bakit ninyo nasabi ang gayon?
3.Nabigla si Allan. Nawala ang
perang ibinigay ng Nanay niya
at ibinulsa niya.nang dukutin
niya ang bulsa may butas pala
ito.
A.Ano ang nagyari sapera ni
Allan?
B.Bakit ninyo nasabi ang gayon?
Pagtataya
Gawain 4
Km p. 321
Ibigay ang iyong hinuha sa sumusunod na
sitwasyon.

1. Sa mesa ay may nakabukas na aklat na ang


ilang pahina ay may mga tekstong may
marka. Ang mga papel ay may sulat. Ang
lampara ay may ilaw.

A. Ano ang ginagawa ng tao?


B. Anong mga clue sa sitwasyon ang nakatulong
sa iyo sa pagbibigay ng hinuha?
2. Tumutulo ang pawis ni Erlin sa kaniyang
noo. Tanghaling tapat na ngunit marami pa
ring balot ng kakanin sa kaniyang basket.
Malakas ang kaniyang sigaw, “Suman,
suman masarap na suman!”

A. Ano sa palagay mo ang trabaho ni Erlin?


B. Anong mga clue sa sitwasyon ang
nakatulong sa iyo sa pagbibigay ng
hinuha?
3. Nagulat si Allan dahil ang perang
ibinigay sa kaniya ng ina ay wala sa
kaniyang bulsa. Nang tingnan niyang muli
may nakapa siyang butas sa kaniyang
bulsa.

A.Ano sa palagay mo ang nangyari sa pera


ni Allan?
B.Anong mga clue sa sitwasyon ang
nakatulong sa iyo sa pagbibigay ng
hinuha

You might also like