You are on page 1of 14

Pang-abay

•Ano ang Pang-abay?


•Ang pang-abay o adverb sa wikang
Ingles ay mga salita na naglalarawan
sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-
abay. 
Mga Uri ng Pang-abay

•Pamanahon
•Panlunan
•Pamaraan
1. Pang-abay na Pamanahon

• Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad


kung kailan naganap o magaganap ang kilos
na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap.
Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May Pananda

Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,


hanggang
• Tayo nang manood ng sine.
• Naglalakad sa kawalan ni Marco.
• Aawit ako kung aawit ka rin.
• Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw.
• Magbabasa tayo ng aklat tuwing makalawa.
Walang Pananda

Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali


• Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
• Kanina pa sila umalis.
• Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
• Bukas mo na dalhin ang biik.
• Kaunting sandali pa at aalis na tayo.
Nagsasaad ng Dalas

Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon


• Kailangan mong maligo araw-araw.
• Tuwing umaga nangunguha si ama ng mangga.
• Nagbabakasyon kami sa Hongkong taun-taon.
• Lingo-lingo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
• Oras-oras kung magdasal ang mga madre.
2. Pang-abay na Panlunan

• Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap


ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at
gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga
halimbawa ng pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.
• Samantala, ginagamit ang ‘sa’ kapag ang kasunod ay isang
pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang ‘kay’ at ‘kina’ naman
ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na
pangalan ng isang tao.
Halimbawa:

• Buksan mo ang pinto sa kusina.


• Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niya.
• Pag-aaralin kita kung sa amin ka titira.
• Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
• Pakikuha kina Berto at Berta ang bayad sa bangus.
• Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.
• Kina Sonia mo hanapin ang nawawala mong pusa.
• Bumili ako ng sapatos kay Nora.
• Pakibigay na lang ang sukli kay Vilma.
• Kay Sharon bagay ang sapatos.
3. Pang-abay na Pamaraan

• Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ilan
sa mga halimbawa nito ang nang, na, at -ng.
Halimbawa:

• Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.


• Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si Amy.
• Kakain kami ng spaghetti sa JolliDo.
• Sa Linggo na tayo mag-usap.
• Gumising ka nang maaga para maaga ka ding makaalis.
• Hanggang mamaya na lang ako tatanggap ng labada.
1. “Pumunta tayo sa book store samakalawa para makabili tayo ng
regalo,”mungkahi ni Sofia.
"Let's go to the book store together so we can buy a gift,"" Sofia
suggested.

2. Nagising nang maaga sina Samuel at Sofia.


Samuel and Sofia woke up early.

3. Dadalo sila sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jessica mamayang


hapon.
They will attend Jessica's birthday celebration later this afternoon.
4. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.
The celebration will be held in Jollibee.

5. Maayos na binalot ng magkapatid ang kanilang regalo.


The sibling wrapped their gift properly.
6. Inihanda nila ang kanilang mga kasuotan bago sila naligo.
They prepared their garments before they bathe.

7. Hinihintay sila ni Mang Rudy sa tabi ng van.


Mang Rudy was waiting for them next to the van.

You might also like