You are on page 1of 2

Ivan Zymon Zara Vl-Mt.

halcon

Pamagat :Ang Tatlong Maliliit na Baboy

Tauhan :Tatlong biik at ang Lsobo

Tagpuan :Bukid

Buod: May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-
usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang
magtayo ng bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa
mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay
napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.
Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit
nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa
takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa sa bato.
At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng
ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisip ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok
sa loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang
doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito
sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso.
Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.

Ito ay isang kuwentong pabula hango sa The Tortoise and the Hare ni Aesop. Isang araw habang
naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya
pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal
maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang
Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang
Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo."  Lalo lamang siyang pinagtawanan. "Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang,"
wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon."
Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho
sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa ga
Isang pabula hango sa ni Aesop. Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa
lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya
ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa
kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. "Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong.
"Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?" "Oo
nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam. "Tumulad ka sa akin,
kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo
ay lumukso. Tayo ay kumanta." "Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko
sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin p

You might also like