You are on page 1of 1

Ang Tatlong Biik

Noong araw, may tatlong biik na magkakapatid. Sila ay sina Tisoy, Totoy, at Tinyo. Isang
araw, nagpasiya silang umalis sa kanilang tahanan at magtayo ng sarili nilang bahay.

Si Tinyo ay nagtayo ng bahay na gawa sa dayami.Naisip niya na mabilis matatapos ang


kanyang bahay dahil hindi na siya gagamit ng pako.lagare at iba pang kagamitan Madaling
natapos ang kanyang bahay kaya ang sabi niya sa sarili ”Kaya nga ba ito ang napili kong
gamitin sa aking bahay!hayan at tapos na! Ang bilis ko. Heto at makapagpapahinga na ako”

Si Totoy naman ay nagtayo ng bahay na gawa sa kahoy. Ang sabi nya, “ Ang bilis natapos
ng bahay ni Tinyo! Kahoy na lamang lahat ang aking gagawin para madali akong matapos..
“. Bibilisan ko na ang paggawa at gusto ko ng magpahinga,” ang sabi niya.Hindi gaanong
matibay ang kanyang bahay, ngunit kuntento na siya dito kaya’t siya ay nagpahinga na,

Samantala. abalang abala si Tisoy sa paghahalo ng semento at paglalagay ng mga tisa sa


kanyang bahay Tinitiyak niyang matibay ang kanyang gagawing bahay.Siya ang
pinakamatalino sa kanila, kaya’t nagpasya siyang magtayo ng bahay na gawa sa bato.
Matibay ang kanyang bahay at hindi kayang guluhin o sirain ng sinuman at anumang
kalamidad.”Ang bilis namang matapos ng dalawa kong kapatid sa paggawa ng kanilang
bahay!Ilang araw pa bago matapos ang bahay ko, nakakapagod pero pagtitiyagaan ko
ito”,ang sabi ni Tisoy

Makalipas ang ilang araw ay dumating ang isang matalinong lobo na may balak kainin ang
tatlong biik. Sinikap ng lobo na guluhin ang bahay ni Tinyo,. Ang sabi niya,”;Lumabas ka
riyan biik!Kung hindi ay hihipan ko ng malakas ang iyong bahay!” Hinipan nga ng lobo ang
bahay at mabilis itong nasira.” Naku magtatago ako sa bahay ni Totoy at sira na ang bahay
ko!”takot na takot na sabi niTinyo. Ngunit mabilis ding pinuntahan ng lobo ang bahay ni
Totoy. Takot na takot na nagtatago ang dalawang magkapatid na biik ng biglang hinipan ng
Lobo ang bahay ni Totoy.ahh!lalakasan ko pa ang pag ihip; Isa!,Dalawa, Tatlo!, ang sigaw
ng tuwang tuwang lobo. At tuluyan na ngang lumipad ang bubong at nasira ang mga
dingding na kahoy ni Totoy..Kumaripas sila ng takbo ni Tinyo sa bahay ni Tisoy. Agad
naming isinara ni Tisoy ang bahay ..Nanghina na ang lobo sa kakaihip ngunit hindi man
lang natinag ang bahay ni Tisoy.Naisipan nitong pumasok sa tsimineya ni Tisoy. Ngunit
dahil handa ang matalinong biik, may nakahanda na siyang kumukulong tubig sa
dambuhalang kawa at doon nga bumagsak ang tusong lobo.Hindi siya nagtagumapay na
makain ang talong biik.Pinangaralan ni Tisoy sina Tinyo at at Totoy na laging maging
maingat at matalino sa paggawa ng mga bagay at desisyon sa buhay upang hindi
mapahamak .

You might also like