You are on page 1of 2

Sabong para sa komunidad

Ang sabong bilang isang kabuhayan ay hindi lamang totoo para sa mga nagsasabong, dahil para
sa mga taga-Barotac Viejo, ito rin ay pinagmumulan ng kabuhayan ng iilan sa dahil sa pagtitinda
sa labas ng sabungan sa tuwing may nagaganap na sabong. Nakakapagtinda sila ng mga pagkain,
inumin, at kung anu-ano pa. Medyo malakas ang kita sa tuwing may sabong sapagkat marami ang
dumadayo rito lalo na kung 3 cocks ang pustahan.

Ngunit hindi lang puro positibo ang epekto ng sabong para sa mga taga-Barotac Viejo. Para sa
ilan, ito ay isang istorbo, lalo na sa mga nakatira malapit sa sabungan sapagkat umaabot ang sabong
hanggang umaga. Magbulang, tanan kami natak-an, ayon sa isang nakapanayam na residente na
nakatira malapit sa sabungan. Naiingiyan sila sa tuwing may sabong at halos hindi makatulog
sapagkat umaabot ito nang hanggang alas otso ng umaga. Ngunit wala silang magagawa kung
hindi ang masanay na lamang dahil ayon sa kanila, mas nauna ang sabungan kaysa sa pagtira nila
roon.

Higit sa pagiging istorbo, ang sabong din daw ay nagiging sanhi nang pagkawasak ng iilang
pamilya sa lugar. Ito ay lalong-lalo na kapag ayaw ng misis ng isang sabungero ang kanyang
pagsasabong. Okey man eh Pero kung may asawa ka problemado gid eh kapin pa kung waay
ka dala kag may bata ka siguro mabulagay kamo duwa sang asawa mo mu, sagot ng isang
sabungero nang tanungin kung okey lang ba sa pamilya niya ang kanyang pagsabong. Nagiging
sanhi raw ito ng problema sa mga mag-asawa lalong-lalo na kapag wala kang dalang pera
pagkatapos ng sabong at may anak kayong binubuhay. Kadalasan na ang pag-aaway ng mag-asawa
dahil ayaw ng misis ang pagsabong ng mister ay nauuwi raw sa hiwalayan. Ngunit may
pagkakataon rin na suportado ng misis ang pagsabong ng kanyang mister dahil ito na ang
pinagmumulan ng kabuhayan nila. Halimbawa na lamang para sa mga largador, sentensyador,
magtatari, at iba pa na mismo sa sabungan nagtatrabaho.

Konklusyon *indi na pgbutang ang word gid na konklusyon kay sugpon na lang ni right after sng
sabong mula noon, hanggang ngayon (part ni elline)*

Maraming ibig sabihin ang sabong para sa mga taga-Barotac Viejo. Para sa iilan, ito ay isang hilig,
sa iba, kabuhayan, sugal, kinalakihan, o maaring bisyo na. Ito rin ay may mga positibo at
negatibong epekto para sa komunidad at sa pagdaan ng panahon, maari itong magpatuloy pa
sapagkat itoy nakaukit na sa kulturang Pilipino.

Maaring hindi pa ganoon ka sapat ang isinagawang pananaliksik sa konsepto ng sabong ng mga
Pilipino sapagkat sa isang sabungan sa Barotac Viejo lamang isinagawa ang pagsisiyasat kayat
hindi masasabing angkop sa lahat ng mga Pilipino ang kinalabasan nito. Ngunit naway nakamit
nito ang layunin nang pagtulong sa unti-unting paglinaw ng konsepto ng sabong sa kulturang
Pilipino.

You might also like