Replektibong Sanaysay

You might also like

You are on page 1of 2

Kung ang pagtaguyod sa pang araw-araw na pangangailangan ay maitatawid sa

mapanganib na pamamaraan, nanaisin mo bang itaya ang iyong buhay para lamang kumita ng
pera para sa ikabubuhay ng iyong pamilya? Batid ng dokumentaryong ipinalabas, ang
kahirapang dinaranas ng mga taga Jose Panganiban, Camarines Norte. Ang kanilang
hanapbuhay na pagkakabod ng ginto ay mapanganib sa kanilang kalusugan at buhay narin ang
nakataya dito. Ayon sa napanood, karamihan halos sa nagkakabod ay wala sa wastong edad
upang magtrabaho. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan silang makipagsapalaran sa pag sisid ng
ginto. Kabilang na rito ang mga minor de edad (edad onse ang pinakabata) upang matustusan
nila ang pangkain, panggamot, at iba pang pangangailangan sa pang araw-araw. Nais
ipahiwatig sa nito na pahalagahan ang bawat biyaya na natatanggap natin dahil may iilan parin
na halos itaya nila ang kanilang buhay matustusan lamang ang kanilang pangangailangan.

Malungkot man isipin bagaman ito’y nangyayari na noon pa. Ang kahirapan ng mga tao
sa Jose Panganiban ay tila walang pagbabago. Mahirap ang kanilang ginagawang pagkakabod
ng mina sa ilalim ng maputik na tubig, at sa makipot na kweba. Kapalit ng kanilang trabaho, ay
maliit lamang ang kanilang kinikita. Maitatalang 140 lamang ang halaga ng apat na butil ng
ginto. Sapat na iyon para sa pambili ng bigas, ngunit madali lamang ito maubos kaya araw-araw
talaga nila itong pinagtatrabahuhan. Isa pa sa masakit na karanasan ay ang paghihinto ng mga
kabataan sa pag-aaral upang makatulong sa paghahanap buhay. Walang sapat na pangtustos
ang kanilang mga magulang kaya kabilang sila sa mga nagsusumikap magkapera. Hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit, kaya isa ito sa nagpahirap din sa kanilang buhay.
Nakakalungkot rin isipin na may isang bata ang nagiipon upang maipagdiriwang ang kanyang
kaarawan, ngunit sa halip ay ipinambili na lamang niya ito ng mga gamot sa kanyang ina na
may impeksyon sa ihi.

Hindi kailanman pinangarap ng mga magulang na pagdaanan ng mga anak nila ang
hirap ng buhay. Nais nilang ipagpatuloy ang pag-aaral upang hindi nila maranasan ang
kahirapan hanggang sa pagtanda. Ngunit sa kabila nito, mahirap makamtan kanilang ninanais
dahil maraming hadlang ang kanilang hanap buhay. Mapagaalaman na mapanganib ang
paggamit ng asuge dahil maari nito sirain ang kalusugan (partikular sa bahagi ng utak). Kung
kaya’t ipinatitigil ang paggawa ng ginto gamit ang asuge. Isinusulong din ng gobyerno na itigil
ang pagmimina dahil sa iilang bahagi, ay ilegal talaga ito. Napakiusapan naman ng mga taga
Jose Panganiban na huwag sila pigilan dahil ito lamang ang kanilang paghahanap buhay.
Mapanganib ang kanilang pamamaraan upang kumita ng pera, nakataya dito ang
kalusugan, edukasyon at sarili nilang buhay. Ang naturang dokumentaryo ay nagpaigting ng
aking pagiging mabuting tao. Ang pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon tayo ay nararapat
nating bigyan pasasalamat sa may Kapal. Isaalang alang din natin na sa bawat pagsusumikap
natin ay may katumbas na biyaya. Malaki man ito o hindi, ay ‘di dapat isinasawalang bahala
dahil marami ang nangangarap magkaroon ng magandang buhay. Ang mensahe na aking
napulot ay ‘Hindi man sinwerte ang pagsilang mo sa mundo, ang panalo mo ay naisilang ka at
namulat sa mundong ginagawalan mo. May kanya kanya tayong pamamaraan sa paghahanap
buhay, buwis buhay man o hindi, ay hindi dapat ito maging hadlang upang mamuhay ng simple
at payapa.’

140 para sa apat na butil ng ginto

You might also like