You are on page 1of 3

Naratibo

Ang Alamat ng Makopa


Gemma R. Castañeda

Noong unang panahon ay may isang bayan na malapit sa bundok na halos


napapaligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan dito ay maligaya at sagana sa
kanilang pamumuhay. Sa mga bukirin ay may mga masaganang ani, na siyang ikinabubuhay
ng bawat taong naninirahan doon.

Ang kanilang simbahan ay may mataas na kampanaryo na may isang kampanang ginto
na may napapaloob na hiwaga at ang paniniwala nila’y doon nanggagaling ang biyayang
tinatamasa at buo ang tunog. Kapag naririnig nila ang tunog nito, ang bawat tao’y sapilitang
mapapaluhod at taimtim na nagdarasal at nagpapasalamat dahil sa biyaya nilang tinatanggap.

May mga tao naman na masama ang kanilang hangarin sa kampanang ginto. Nais
nilang nakawin ito at ipatunaw dahil sa malaki ang halaga nito. Isang araw, nagimbal ang
buong bayan dahil nawawala ang kampanang ginto. Ito raw ay ninakaw at hindi nila alam kung
saan itinago. Nalungkot ang mga tao pagkat hindi na nila maririnig ang tunog ng kampana na
nagbibigay sa kanila ng suwerte sa pamumuhay. Lumipas ang maraming buwan, ang kampana
ay tuluyan ng nawala at hindi na makita. Ang bayan ay nabalot ng kalungkutan at ang mga tao
ay nakalimot na sa kanilang pagdarasal at wala ng pumupunta sa simbahan.

Isang umaga, maraming tao ang nagulat sa isang punong-kahoy na tumubo sa tabi ng
kumbento. Ito’y punong-puno ng bunga na hugis kampana. May matandang nagsabi sa kanila
na ang puno ay palatandaan lamang na wari’y doon nakalibing ang kampanang ginto at ito’y
dapat nilang hukayin. Hinukay ng mga lalaki ang puno at kanilang nakita ang kampanang ginto.
Laking tuwa ng mga tao at lahat sila’y nagtungo sa simbahan para magpasalamat sa
pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandal ay naibalik na ito sa dating kinalalagyan
at narinig na nila ang tunog nito na tanda ng kasiyahan at katahimikan ng buong bayan.

Ang puno ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng bunga na kawangki ng kopa at ito’y


tinawag nang makopa.

Deskriptibo
Ang Ginto sa ating Kapaligiran
John Linarson Z. Napoles

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang
araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na
matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto,
ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang.
Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating
kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at
bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na
may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at
mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na
masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na
bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang
katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang
umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw
na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito,
ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na
nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng


pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na
mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Impormatib
MAAGANG PAGBUBUNTIS (TEENAGE PREGNANCY)
Mary Johnette P. Piojo

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12


hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo.
"Ang hindi marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas
nating naririnig sa mga nakakatanda. Palagi nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling
sarap at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol


ang isinisilang ng mga teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young
Adult Fertility and Sexuality(YAFS) strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may
edad na 15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng
teenage pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ng Southeast Asia. Maraming
eksperto ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae
sa ating bansa. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis ng mga
batang babae.

Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira
ng kanilang buhay pamilya at kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang
tahanan. Maraming eksperto ang nagsabing sintomas ng kahirapan ang teenage pregnancy.
Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng
teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa rin sa pangunahing dahilan ng maagang
pagbubuntis ng mga teenagers. Ang mass media lalong lalo na ang internet ang isa sa sinisisi
sa teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th community Pediatrics Society of the
Philippines (CPSP) annual convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo ay
pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-2014. Ito ay dahil sa kanyang
pag serbisyo sa mga nangangailangan.

Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa
katunayan pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito ng
world bank at sinasabing ang pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng
mga batang ina. Malaking porsyento ng mga kabataang nabubuntis ay nabibilang sa low
income generating group. Dahil wala pa sa hustng gulang karamihan sa mga kabataang
maagang nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para
sa mga sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga
sanggol na isinisilang ng kabataang babae.

Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng gabay ang
mga anak upang hindi maging ina sa murang edad. Gayunpaman, panahon na upang patatagin
natin ang ating mga pamilya. Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng aksyon. Tayo
na't magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Wala itong maidudulot na
kabutihan saatin.

You might also like