You are on page 1of 2

Ikalimang Linggo - Unang Araw

May Pera sa Balat ng Talaba


“Dahil sa lumalaganap na red tide, pinagpayuhan ang mga mamamayan na iwasan
ang pagkain ng mga pagkaing may shell o kabibe tulad ng tahong at talaba upang
hindi malason,” ang balita sa radio.
“Kundangan kasi, may mga ng tahong at talaba pa. Sana wala na ang mga iyan para
wala na ring malalason pa,” ang reaksyon ni Crisanto pagkarinig sa balita sa radio.

“Anak, sa mga pagkaing iyan makakukuha tayo ng bitamina at sustansiyang kailangan


upang hindi tayo magkaroon ng sakit na goiter,” ang sagot ni Aling Sencia na kanyang
ina. “At kaya naman nagkakaroon ng red tide ay dahil na rin sa pagkakalason o
pagdumi ng tubig na tayong mga tao na rin ang may kagagawan.”
“Bukod pa po roon, mayroon pa po bang ibang pakinabang na nakukuha sa talaba?”
ang tanong ng anak sa ina.
“Noong araw,anak, noong wala pang polusyon sa tubig, sa Navotas at Malabo ay
sagana sa pag-aani ng talaba. Dahil sa linamnam ng lasa, kinagigiliwan ito ng balana.
Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng talaba.Kaya maginhawa ang pamumuhay
ng mga tao. Malakas pagkakitaan ng mga tao ang talaba.Maging ang mga bata ay
kumikita rin.Kung panahon ng tag-init na walang pasok, naghihimay kami ng talaba..
Sa pamamagitan ng kutsilyo, inaalis namin ang laman sa balat nito. Binabayaran kami
sa nahihimay naming talaba.Kapag malakas kang maghimay, marami kang perang
kikitain. Subalit kailangan din ang lubos na pag-iingat upang hindi masugatan ng
kutsilyo o ng balat ng talaba ang iyong mga kamay.Dahil sa paghihimay ng talaba,
nakakaipon kami ng pera tuwing bakasyon.. Kaya sa halip na kami’y mainip, nagiging
lubhang kapakipakinabang ang aming bakasyon. Dahil sa balat ng talaba, kumikita
kami at nakaiipon ng pera para panggastos sa darating na pasukan.

“Inay, kapaki-pakinabang din po pala ang balat ng talaba noong araw,” ang
nakangiting wika ni Crisanto.
“Oo, anak. Noong araw na hindi pa nalalason ang ating tubigan,” ang malungkot na
sagot ni Aling Sencia sa kanyang anak.

Mga Tanong:
1. Iulat ang balitang narinig sa radio.
2. Ano ang sanhi at bunga ng red tide?
3. Anong uri ng sakit ang goiter?
4. Saan-saang bayan sagana sa talaba?Ano kaya ang dahilan at sagana sa mga lugar
na ito?
5. Noong kabataan ni Aling Sencia, paano sila kumikita kung bakasyon?Isalaysay ito.
6. Anong ugali ang ipinakita ng mga kabataan sa paghihimay ng talaba?Magagawa mo
rin ba ang gayon? Sa paanong paraan?
Ikalimang Linggo - Ikalawang Araw

Isang Paanyaya

Mga Tanong:
1. Sa anong posisyon nahalal si Erwin Sarmiento?
2. Ano ang ibinahagi niyang mga proyekto kay G. Borja? Saan ito makatutulong?
3. Bakit nagtungo si Erwin sa tanggapan ng kanilang punongguro?
3. Karapat-dapat ba si Erwin Sarmiento para sa katulungkulang itinalaga sa kanya?
Bakit oo? Bakit hindi? Ipaliwanag.

You might also like