You are on page 1of 2

ang tunay na kahulugan ng kalayaan

by emperor20, Jun 7, 2013, 11:57:08 PM


Journals / Personal

Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa't tao, kung


mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais
at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na
magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok,
magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng
iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan. Wala kang
magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man,
sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad
ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan.

Ang pagiging malaya ay isang katangian ng pagiging makapangyarihan,


may sariling kapasiyahan nang walang anumang pinapangambahan, hindi
nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalaban
ang pansariling kapakanan at kagalingan para sa lahat. Walang
nangingibabaw o nakapangyayari sa iyong mga karapatang pantao. Hindi ka
naghihinala, nangangamba, o maging natatakot man sa iyong kapwa sa
sariling lipunang ginagalawan, at higit na nag-aalala sa uri ng iyong
pamahalaan.

Sa kabubuang lahat, ang wastong katawagan nito ay KASARINLAN.


Nagsasarili, may natatanging kapasiyahan, paninindigan, taas noong
humaharap sa iba nang walang nagsusulsol o sinusunod, at walang bahid ng
anumang pag-aalinlangan.

Ito nga ba ang siyang nagaganap sa ating minamahal ng bansang


Pilipinas? Totoo o tunay bang tayo ay may kasarinlan?

Kung matiwasay ang iyong kalooban, hindi mo lalagyang ng katakot-takot


na kandado ang iyong mga pintuan, ang padilimin ang iyong mga
durungawan ng mga rehas na bakal na mistulang nakabilanggo ka sa iyong
tahanan. At sa iyong araw-araw nang pagpasok sa trabaho at pagganap ng
tungkulin, hindi ka nangangamba sa mga taong kahalubilo mo na ikaw ay
mabiktima ng kanilang mga karahasan.

Subalit kung ganito ang nananaig sa iyong mga ligalig, pagkatakot, mga
pangamba, at kawalan ng katarungan sa iyong kapaligiran . . .
Hindi ka Malaya

You might also like