You are on page 1of 1

Ano ang kahulugan ng katagang Kalayaan?

Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawat tao, kung mayroon ka nito, walang
gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na
gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok,
magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at
maging ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o
malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin
bilang masunuring mamamayan.

Ang pagiging malaya ay isang katangian ng pagiging makapangyarihan, may sariling kapasiyahan nang
walang anumang pinapangambahan, hindi nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong
ipinaglalaban ang pansariling kapakanan at kagalingan para sa lahat. Walang nangingibabaw o
nakapangyayari sa iyong mga karapatang pantao. Hindi ka naghihinala, nangangamba, o maging
natatakot man sa iyong kapwa sa sariling lipunang ginagalawan, at higit na nag-aalala sa uri ng iyong
pamahalaan.

Sa kabubuang lahat, ang wastong katawagan nito ay KASARINLAN. Nagsasarili, may natatanging
kapasiyahan, paninindigan, taas noong humaharap sa iba nang walang nagsusulsol o sinusunod, at
walang bahid ng anumang pag-aalinlangan.

Ito nga ba ang siyang nagaganap sa ating minamahal ng bansang Pilipinas? Totoo o tunay bang
tayo ay may kasarinlan?

Kung matiwasay ang iyong kalooban, hindi mo lalagyang ng katakot-takot na kandado ang iyong mga
pintuan, ang padilimin ang iyong mga durungawan ng mga rehas na bakal na mistulang nakabilanggo ka
sa iyong tahanan. At sa iyong araw-araw nang pagpasok sa trabaho at pagganap ng tungkulin, hindi ka
nangangamba sa mga taong kahalubilo mo na ikaw ay mabiktima ng kanilang mga karahasan.

Subalit kung ganito ang nananaig sa iyong mga ligalig, pagkatakot, mga pangamba, at kawalan ng
katarungan sa iyong kapaligiran . . .

You might also like