You are on page 1of 2

PANGALAN:__________________________ PANGKAT/BAITANG:_________________

PETSA:______________________________ GUR0:____________________________

ULAT SA PAGBASA

Aklat Paglalahad Blg. __________________________________________________________________

A. Pamagat : Si Pinkaw

B. May-akda : Isabelo S. Sobrevega

C. Tagpuan :

a. Lugar : Tambakan ng Basura, sa may kalsada


b. Panahon :

D. Tauhan :

a. Pangunahin :
1. Pinkaw- isang byuda,may tatlong anak na lalaki at mayroon siyang mahirap na buhay
2. Meyor-ang nagtatanggol kay Pinkaw.Ang nagsilbing tagapagsalaysay ng kwento
3. Pisyang Sugarol- Nagkakalat ng kwento tungkol kay Pinkaw bago pa ito masiraan ng bait
b. Pantulong :
1. Poray- ang panganay na anak ni Pinkaw. Labintatlong taonggulang, matangkad ito atnapakapayat
2. Basing- Ang ikalawang anak ni Pingkaw. Sungi ngunit mahilig pumangos ng tubo.
3. Takoy- ang tatlong taong gulang na bunsong anak ni Pinkaw.Maputi ito at gwapong-gwapo.
c. Gustong tauhan ? Pinkaw
Bakit ? Dahil kahit siya ay mahirap ay sinikap niyang itaguyod ang kanyang mga anak sa mabuting
paraan.
d. Ayaw na tauhan ? Mga kapitbahay ni pinkaw
Bakit ? Dahil wala ni isa sa kanila ang sumagot sa paghingi ng tulong ni Pinkaw.

E. Banghay ( Pagkakasunod-sunod ng pangyayari )

Simula : Nagising ang isang lalaki mula sa kanyang pagkakaidlip nang marinig nya ang mga
batangnaghihiyawan at nagtatawanan sa lansangan. Nakita niya si Pinkaw na niloloko ng mga
bata.Pinapakanta nila ito at sinabing kung hindi ito kakanta ay kukunin nila ang anak niya. Naglupasaysi
Pinkay at humagulgol. Hindi na natiis pa ng lalaki ang nangyayari kung kaya't lumapit siya atsinaway
ang mga bata. Natakot ang mga ito at nagsitakbuhan. Nagpasalamat si Pinkaw sa kanyaat tinawag
siyang meyor.Naalala ng lalaki ang nakaraan noong kapitbahay pa lamang niya siPinkaw. Sinasabi
nitong siya ay isang balo.Ngunit ayon kay Pisyang sugarol ay iba-iba ang tatayng mga anak nito dahil
iba-iba rin ang kanilang mga itsura. Ang panganay ay matangkad atmapayat na akala mo ay yaong
matatagpuan sa bukid na panakot sa mga ibon, ang ikalawanaman ay sungi ngunit mahilig pa rin
sa pagkagat sa tubo at ang bunso nama'y maputi. Nangangalakal si Pinkaw at kung anong
makukuha ay siyang ipanggagastos o ipapakain sakanyang mga anak.Sa kabila ng kanyang
kalagayan sa buhay, kailan ma'y hindi siya nagingmadamot at makasarili.Ang kariton niya’y puno
ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, atsa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang
kariton, makikita mo ang kanyangpananghalian. Ito’y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya’y pork
and beans, pandesal nakadalasa’y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried
chicken na maylamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang
kanyangtinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng
kundimangBisaya.
Gitna : .Isang araw, habang wala ang kapitbahay ni Pinkaw, pagkatapos nila kumain ay bigla
nalamang sumakit ang tiyan ng kanyang mga anak. Agad siyang nanghingi ng tulong sa kanyangmga
kapitbahay ngunit walang manlang tumulong sa kanya. Natuliro si
Pingkaw.Nagsisigawl.Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni
Pingkawang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit
walaang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.Itinulak niyang muli ang kariton at nagpuntasa
bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip
sabintana. .Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton
papuntangbayan. May doktor doon ngunit wala namang gamut para sa sakit ng tiyan.Halos hindi
PANGALAN:__________________________ PANGKAT/BAITANG:_________________
PETSA:______________________________ GUR0:____________________________

makakilossa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging


maramot ngkapalaran.

Wakas : Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong


kalsada,maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak
ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos angkanyang
panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga.
Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang
anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalitwala kahit isa mang lumapiot
upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mgaanak sa kariton habang nagdaraan ito
sa mga lubak-lubak ng kalsada.Pakiramdam niya’y isangdaang taon na siya nang makarating sa
pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mgadoktor at narses na ang tinitingnan lamang ay
mga pasyenteng mayayaman na wala namangsakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni
Pingkaw. Kinagabiha'y namatay din angkanyang anak na si Basing, ang sungi, at sinundan
naman ito ng kanyang bunsong bunsonganak.Dumungaw na naman ang lalaki at nakitang sinusundan
nanaman ng mga bata si Pinkaw habang hinehele at hawak-hawak sa kanyang bisig ang binihisang lata.

F. Aral / Mensahe :
1. Pagtayo sa sariling mga paa at pagiging Mabuti kahit na ang mundo ay malupit sayo.
2. Kahit ano ang ating katayuan natin sa lipunan ay magpakumbaba tayo at huwag tayo umasa sa tulong
ng iba
3. ________________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________________

You might also like