You are on page 1of 2

BUOD

Si Lea ay isang nagsosolong ina na may dalawang anak sa magkaibang ama.

Simple ang buhay ni Lea bilang isang empleyado at sumusuporta sa isang

samahan. Hindi niya napansin ang pagbabago ng kaniyang mga anak sa bilis ng

takbo ng buhay. Hindi na niya nauunawan ang pagbabago sa buhay ng kaniyang

anak na dati ay palatanong at aktibo tungko sa pagiging tahimik. Nagtatanong na din

sila tungkol sa kanilang mga ama. Hanggang sa isang araw ay gutso ng kunin sa

kaniya si Ojie at dadalin sa sa Estados Unidos. Litung-lito siya yamang napakarami

niyang dapat asikasuhing responsibilidad bilang isang ina, empleyado at voluunteer.

Pero siya pa din ang pinili ng kaniyang mga anak. Sa wakas ng kwento,

inanyayahan siya bilang panauhing pandangal sa isang gradwasyon. Pinaliwanag

niya ang buhay at ang reyalidad pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

PAGSUSURI
PAGLALAHAD
Ang nobelang “Bata, Bata, Paano ka Ginawa” ay nanggaling sa Maynila, Philippines,
at ito ay nilathala ni Lualhati Bautista noong 1988. Si Lualhati Bautista ay isang
bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa
anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-
pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre
1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres
High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the
Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?
na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983,
at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa
kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra
(unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang
(pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng
City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film
Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

You might also like