Professional Documents
Culture Documents
● Circular o Paikut-ikot
-sa pamamagitan ng mga pampanitikang tekniko ay napag-iiba-iba ang kaayusan
ng mga bahagi; Gitna- Simula- Wakas ( In Medias Res) o kaya’y Wakas- Simula-
Gitna (o kung paano ang pang-ayos.) Ang kaayusang ito, kung hindi gaanong bihasa
ang mambabasa, ay nakalilito sapagkat hindi niya malalaman kung saan pupuno at sa
dudulo. Kailangan itong pag-isipan nang magaygay ng husto ang umpisa ng mga
pangyayari hanggang sa tumuluy- tuloy na sa wakas.
Bata Bata Paano ka
ginawa?
Ni:Lualhati Bautista
Isang Pagsusuri
May akda
● Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na
Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ay
Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.
● Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2
ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siya ng elementarya
sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at
sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay
pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa
kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man
matapos ang kanyang unang taon.
● Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para
sa nobelang Gapo, Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka
Ginawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga
kababaihan noong panahon ni Marcos.
● Kabilang siya sa University of the Philippines Creative
Writing Center noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng
Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng
Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular.
● Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng
International Women Writers na nilimbag sa Japan.
Buod
Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya
mula sakindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula,
maayos ang takbo ng buhay niLea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa
kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sapakikipagtulungan niya sa isang
samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anakniya at
nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng
mga ugali ng mgaito: si Maya, isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa
pagtawid bilang isang ganap na lalaki.Di inaasahang bumalik ang dating asawa
ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalaksanang kunin ito at dadalhin sa
Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang
kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon
para sa trabaho atsamahan na kanyang tinutulungan.
Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang
pagpapasyang hindi niya giniit sa mgaito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral
ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang panauhingpandangal si Lea.
Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay,
at kungpaano sadyang kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki,
pagbabago, at pag-unlad ng mga tao.Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas
ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula palamang ng mga
darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na..
“Bata,bata pa’no ka ginawa?”
PAGTALAKAY
A.Tauhan