You are on page 1of 1

ANG KWENTO NI MABUTI NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

Impormasyon tungkol sa sumulat:

Si Genoveva Edroza-Matute na kilala sa ngalan na Aling Bebang, ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Ipinanganak
siya noong Enero 3, 1915 sa Santa Cruz, Manila. Siya ay anak nina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon. Nakilala siya dahil
sa kakaibang husay sa pagsusulat ng maiikling kuwento. Siya ay maituturing na isa sa mga nagtaguyod ng wikang Filipino at
panitikan. Siya ang lumikha isa sa mga popular na programa sa radyo at serye sa telebisyon. Namatay siya sa taong 2009 ika-21 ng
Marso.

Nagtapos sya sa kurso ng pagiging guro. Nag-aral sya Manila North High School na ngayon ay Arellano High School,
Philippine Normal School, Philippine Normal College na ngayon ay Philippine Normal University at sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Iginagalang siyang guro sa elementarya, sekondarya at kolehiyo. Inilagak niya ang kaniyang apatnapu't anim na taon sa pagtuturo sa
Cecilio Apostol Elementary School at Arellano High School. Ang kaniyang husay sa pagsulat at dedikasyon sa pagtuturo ay nakilala
sa Don Carlos Palanca Memorial Awards taong 1950 hanggang 1960. Siya ay naparangalan bilang Outstanding PNS-PNC Alumna
noong 1966 at nagtamo ng Manika Arts and Culture Award noong 1967. Siya din ay itinuring na Balagtas Nation Student Awardee
noong 1988 at pinaranglan ng CCP Award para sa Sining noong 1992.

Isa siya sa mga nagbahagi ng malaking kontribusyon sa larangan ng sining at panitikan. Ilan sa mga akdang kaniyang
nalimbag ay ang Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa puso ng isang bata, Parusa, Maganda ang Ninang ko at Pagbabalik. Ang mga
akdang ito ay palaging itinatampok sa mga textbook at iba pang publikasyon. Nakatulong ng malaki ang mga natatanging limbag ni
Genoveva Edroza- Matute sa larangan ng edukasyon at pag-aaral sa Sining at Panitikan.

Buod ng Kwento ni Mabuti:

Umiikot ang istorya sa isang gurong tinatawag na Mabuti. Hindi man ito ang kaniyang tunay na pangalan, ngunit ito ang
naging tawag sa kaniya dahil hilig niyang banggitin ang “Mabuti” sa kaniyang mga sinasabi. Marami rin siyang kuwentong mabuti,
kabilang ang kuwento ng kaniyang anak na nais niyang maging doctor.Maraming humahanga kay Mabuti kabilang ang mag-aaral na si
Fe. Bilib siya sa husay sa pagtuturo ng paboritong guro. Ngunit mayroong matutuklasan si Fe tungkol sa kaniyang idolo.

Isang araw kasi, mayroong problema si Fe. Umiiyak siya noon sa silid-aklatan ng paaralan. Mababaw lang naman ang
hinaharap niya ngunit sadyang iyakin si Fe. Dumating ang gurong si Mabuti at nakinig sa salaysay ni Fe. Maya-maya pa ay naiyak na
rin si Mabuti. Nabanggit niyang mabuti na lamang ay mayroon siyang kasamang umiyak. Nalaman ni Fe na kahit ang isang guro ay
mayroon ding suliranin. Nalaman niyang pangalawang asawa lang si Mabuti.Namatay ang asawang doktor ng guro at doon nito
nalamang hindi siya ang orihinal na asawa. Hindi niya magawa ang burol sa kanilang bahay dahil ang orihinal na pamilya nito ang
nakapiling sa kaniyang mga huling sandali.Gayunman, lumipas man ang panahon, idolo pa rin ni Fe ang paboritong guro at lagi
niyang naiisip ang kuwento ni Mabuti.

Mga Tauhan sa Kwento:

Mabuti: isang guro sa pampublikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay niyang pangalan, nagging mabuti lamang ang tawag sa kanya
sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag
wala na siyang masabi o nalilimutan niya ang mga dapat niyang sabihin.

Si Mabuti ay Lapad sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.

Fe: Ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sa sulok ng silid-aklatan. Si Fe ay biligan
sapagkat dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema, pakiramdam niya siya na ang may pinakamabigat na problema sa buong
mundo. Ngunit nang makilala niya si Mabuti, na sa kabila ng problema nito ay mabuti, nagging positibo na ang paningin niya sa
buhay.

Tunggalian:

Tao sa Sarili- Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga problema ni mabuti ay nagging positibo pa rin ang pananaw niya
sa buhay at ang tanging makapagsasabi lang sa ating sarili kung kaya pa natin ay tayo rin mismo.

Uri ng Teoryang Pampanitikan:

Humanismo

You might also like