You are on page 1of 2

Jonathan T.

Ibuna Masining na Pagpapahayag E1AE

Siya Ayon sa Kanila: Isang Pagtalakay sa Katauhan ni Eythan Ika-apat ng Hulyo, 2011 nang may dumating na mensahe ukol sa gaganaping interbyu sa LAVOXA. Nang makarating sa kanilang opisina ay saktong nagsimula na ang interbyu. Unang parte ay ang pagpapakilala ng sarili, at si Jonathan o mas kilala bilang Eythan malag na malag na tinitigan ang tagapatnubay ng organisasyon. Hindi niya kayang ipakilala ang sarili, ni hindi niya kilala ang sarili. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang kanyang kaklase at kaibigan. Matapos ang ilang minute, bumuka ang kanyang bibig, Ako si Jonathan T. Ibuna at ayon sa aking mga kaibigan Isa sa pinakamahirap na sagutin at ilahas ay ang pagpapakilala sa sarili. Marahil masasabi ng iba na madali ito, sarili natin ito at tayo ang may kilala sa sarili natin. Ngunit kalimitan, naka-base ang pagpapakilala ng sarili sa mga sinasabi at komento ng ibang tao na nasa paligid natin. Si Eythan ay hindi gaano katangkaran at hindi naman kaliitan kumbaga, tama lang. siya ay may payat na pangangatawan at may kayumangging kulay. May singkit din siyang mata na halos pumikit na sa tuwing sobrang naglabas ng init si Haring Araw. Nagtataglay din siya ng malaking paa kumpara sa kanyang mga kaklase. Siya ay Pinoy na Pinoy pango ang kaniyang ilong. Hindi gwapo si Eythan ngunit hindi siya yung ubod ng pangit na susuklaman at pandidiriian mo ng todo-todo. Isa siya sa inyo mukhang Pinoy. Sa tuwing may unos sa pangyayari niya na tunay na nakakapangiyak at nakakasuko, ilang ngiti at tawa lamang niya ay lalabas na ang armas niyang bahaghari na sasabihin sa ibang kaya niya itong harapin at dalhin. Lumaki rin siyang mala-payaso na handing pasayahin ang iba. Ipinanganak din siya mula sa isang relihiyosong pamilya ngunit hindi ito masasalamin sa kanya kahit relihiyoso nga siya. Nagkukubli sa makeup ng payasong ito ang maka-Diyos na estilo ng pamumuhay na handing gabayan ang ibang tao. Sa ngayon ay nag-aaral si bitbit ang berde at putting watawat sa De La Salle Lipa na may kurong Batsilyer sa Pangsekondaryang Edukasyon na may espiyalisasyon sa Ingles. Kasalukuyan niyang ninanamnam ang buhay iskolar na malaking tulong sa kanyang pag-aaral sa naturang eskwelahan. Dalawang semester na rin siyang napapasama sa Deans Lister. Patuloy siyang gumagawa ng paraan para makasabay sa matatalino niyang kaklase at para maipagmamalaki siya ng kanyang mga magulang.
1

Jonathan T. Ibuna Masining na Pagpapahayag E1AE

Malimit siyang sumali sa mga organisasyon at kumpetisyon sa loob at labas ng eskwelahan. Isa sa mga ito ay ang Press Conference. Mula elementary ay pumasok na siya sa mundo ng jornalismo. Noong elementary ay naging tagapamatnugot sa seksyon ng isports. Noong nasa sekondarya naman siya ay naging punong tagapamatnugot siya ng kanilang pahayagan. Ngayon ay miyembro na siya ng pahayagan ng De La Salle Lipa. Siya rin ay nakakatanggap ng parangal sa bawat Press Conference na sinasalihan niya. Noong nakatapos siya sa sekondarya ay natanggap niya ang Young Journalist Award. Nais niyang paglaki ay maging isang magaling na mamamahayag sa hinaharap sa kahit anong sikat na pahayagan sa Pilipinas. Sa ngayon ay pinaghuhusay na lamang niya ang pagiging isang blogger sa isang sikat na microblogging site sa internet. Ang pakikitungo naman niya sa kapwa niya lalo na sa kanyang mga kaibigan ay sapat lang hindi nakakasama at hindi naman nakakalaki ng ulo. Tinatrato niya silang nang ayon sa kung sino sila at sa paraang magiging totoo rin silang tao. Siya para sa kanyang mga naging kamag-aral noong sekondarya ay isa siyang taong hindi sumusuko, handang ipaglaban ang gusto niya na tama at mahilig magpasaya ng kapwa. Gayun din ang tingin sa kanya ng mga kamag-aral niya ngayong kolehiyo ngunit hindi kakikitaan ang pagiging seryoso niya sa pag-aaral. Nais kasi niya na makatapos na ipamumukha sa iba na dapat hindi sineseryoso ang mahihirap na pinagdadaanan ngunit sa loob ay pagbubutihin. Ganito po akong tao, ayon sa aking mga kaibigan. At alam ko pong naipapakita ko sa kanila ang aking tunay na pagkatao. Yung lang po, pagtatapos na sinabi ni Eythan sa ginanap na interbyu.

You might also like