You are on page 1of 6

BAAO COMMUNITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
San Juan Baao Camarines Sur

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKASIYAM NA BAITANG

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naihayag ang ideya o konsepto tungkol sa Produksiyon

2. Nakapagbigay ng kahulugan gamit ang graphic organizer ukol sa salik ng mga produksiyon
3. Nalaman ang kahalagahan ng mga salik sa produksiyon.

II. NILALAMAN

A. Paksa

PRODUKSIYON

B. Sangunian

Ekonomiks - Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral (pahina 74-83)

C. Mga Kagamitan

Hands out, Visual aids

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. PANIMULANG GAWAIN
A. Pagdadasal
Sabihin: “Magsitayo ang lahat upang
manalangin, __________pamunuan mo ang
panalangin..” (Ang lahat ay nagsitayo upang manalangin.)

B. Pagbati
Sabihin: “ Magandang umaga sa inyong lahat!” “ Magandang umaga rin po”

C. Pagsasaayos ng silid aralan

Sabihin: “ Pakidampot ang lahat ng kalat at


itapon ito sa lalagyan at pakiayos ng inyong (Ang lahat ng mag-aaral ay dinampot nila ang
upuan.” kalat, itinapon sa lalagyan at inaayos din ang
upuan.)
D. Pagtala ng liban sa klase

(Ang guro ay nagsisiyasat kung may lumiban sa


klase gamit ang seat plan.)

E. Pagbabalik-Aral

Sabihin: “Bago tayo dumako sa ating aralin,


magkaroon muna tayo ng balik aral, Ano ba ang Sabihin: “Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
ating leksyon kahapon,___________?” sa Pagkonsumo"
Sabihin: “ Tama! Maraming Salamat.”
Sabihin: “Ano-ano ba ang natutunan niyo sa ating
leksyon kahapon?” Sabihin: ''Ang natutunan ko sa Pagkonsumo ay ang
kahulugan nito at ang mga salik na nakakaapekto
sa pagkonsumo"
Sabihin: “Mahusay! Maraming salamat"

F. Pagtatapos
Sabihin: “ Magsitayo ang lahat at manalangin para
pagtatapos ng ating leksyon” (Ang lahat ng mag-aaaral ay nagsitayo upang
manalangin para sa pagtatapos ng kanilang
Sabihin: “ Paalam mga mag- aaral.” leksyon)
Sabihin “ Paalam din po.”

IV. PARAANG PAGKATOTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Pagganyak
(Ang guro ay magpapakita ng larawan)

(Tiningnan ang larawan)

Sabihin: "Ano ang


nakikita nyo sa Sabihin: "Tinapay at Mesa po"
dalawang larawan na
pinakita ko sa inyo?"
(Ang Mag-aaral ay nagsitaasan ng mga kamay.)
Sabihin: "Mahusay! Ano ang kailangan upang
mabuo ang produktong nakikita nyo sa unang
larawan?" Sabihin: "Ang kelangan po upang mabuo ang
tinapay ay harina, asukal, gatas, itlog, lebadura,
Sabihin: "Sige_____________.” tubig, at mantikilya."

(Nagtawanan ang mga Mag-aaral)


Sabihin: "Mahusay! Pwede ka nang maging chef" (Ang Mag-aaral ay nagsitaasan ng mga kamay)
Sabihin: "Sa ikalawang larawan naman, ano ang
kelangan upang makabuo ng mesa?" Sabihin: "Ang kelangan naman upang makabuo ng
mesa ay kahoy, pako, tornilyo, mga pandikit,
Sabihin: "Sige_____________.” masilya, pintura, mga pestisidyo para sa insekto."

(Ang lahat ng mag-aaral ay nagsipalakpakan)

Sabihin: "Magaling! Magaling limang palakpak para


sa dalawang nakasagot ng magaling”

Sabihin: "Ang proseso sa paglikha ng mga produkto


at serbisyo ay tinatawag na PRODUKSIYON hindi
lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring
ikonsumo agad ng tao, minsan kailangan pang Sabihin: "Opo ma'am!
idaan sa proseso ang isang bagay upang maging
higit na mapakinabangan, ang salik na ginamit sa
pagbuo ng produkto ay tinatawag na input at
output naman ay ang pinagsama-samang mga salik
upang makagawa ng produkto, ang produksiyon
ay may apat na salik ang lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship, naintindihan po ba?"

B. Gawain (Activity)

Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, ang bawat pangkat ay nakapagbigay ng kahulugan gamit ang Graphic
Organizer ukol sa napiling ugnayan.
1. Pamamaraan

a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.

b. Ang bawat miyembro ng grupo ay magbibigay ng sariling ideya o kahulugan tungkol sa napiling
salik.
c. Magtalaga ng isang representate upang bumunot sa kahon, pagkatapos magpaliwanag sa gitna
ukol sa apat na salik ng produksiyon bawat isa ay bibigyan ng limang minuto upang sagutan.

Group 1- Lupa

Group 2- Paggawa

Group 3- Kapital

4- Entrepreneurship

d. Ang bawat presentante ay bibigyan ng limang minuto upang magpaliwanag sa

gitna ukol sa napiling salik ng produksiyon.


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Sabihin: Unang pangkat, base sa inyong naiambag (Posibleng kasagutan)


tunkol sa Lupa bilang salik ng produksiyon, ano ang
kahulugan ng nito?” "Ang lupa bilang salik ng produksiyon, ang lupa ay
tumutukoy sa tinataniman ng magsasaka at
tinatayoan ng bahay, kasama rin dito ang lahat ng
yamang likas sa ibabaw at ilalim nito pati na rin
ang yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-
gubat."
Sabihin: “Magaling. Maraming Salamat group 1, OK
Pangalawang pangkat naman” "Ang paggawa bilang salik ng produksiyon, ang
likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi
kapakipakinabang kung hindi gagamitin at
gagawing produkto kelangan nito ng mga
manggagawa upang makabuo ng isang produkto.
Ang paggawa ay may dalawang uri una ay ang
white-collar job o may kakayahang mental at ang
isa naman ay ang blue-collar job o may
kakayahang pisikal. "

Sabihin: "Mahusay! Maraming Salamat. OK, ang


pangatlong pangkat naman.” "Ang kapital bilang salik ng produksiyon, kapital ay
tumutukoy sa kalakal na nakakalikha ng iba pang
produkto."

Sabihin: “Magaling! Maraming Salamat. OK, ang


panghuling pangkat naman." "Ang entrepreneurship bilang salik ng produksiyon,
entrepreneurship tumutukoy sa kakayahan at
kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang
negosyo, sya rin ang tagapag-ugnay ng naugnay ng
naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo
ng produkto at serbisyo.

Sabihin: "Isang malakas na palakpak para sa lahat!" (Ang lahat ng mag-aaral ay nagpalakpakan)

Sabihin: "Nagiging posible ang produksiyon dahil


sa pagsasama-sama ng mga salik, kung wala ang
mga ito hindi makakabuo ng mga produkto na
nakakatulong sa ating pang araw araw na
pamumuhay."

C. Paglalapat (application)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Sabihin: "Ano nga ulit ang apat na salik ng


produksiyon?"

Sabihin: "Sige_____________.” (Ang mag-aaral ay nagsitaasan ng mga kamay)


"Ang apat na salik ng produksiyon ay ang Lupa,
Paggawa, Kapital at ang Entrepreneurship."
Sabihin: "Mahusay! sa inyong palagay, alin sa mga
salik ang pinakamahalaga sa proseso ng
produksiyon?" (Ang mag-aaral ay nasitaasan ng mga kamay)
"Para sa akin, mahalaga ang bawat salik ng
produksiyon dahil hindi mabubuo ang isang
produkto kung ang isang salik ay mawawala."

Sabihon: "Magaling!"
Sabihin: "Bilang isang mag-aaral ano ang
kahalagahan ng apat na salik ng produksiyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?" "Mahalaga ang apat na salik ng produksiyon dahil
ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay upang
magdulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon
sa ating pang-araw-araw na pangangailangan."

D. Pagtataya (assessment)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Sabihin: “Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan (Ang mag-aaral ay kumuha ng ikaapat na papel)
ang ating aralin. Kumuha ng ika-apat na bahagi ng
papel at sagutin ang mga tanong ko."
Sabihin: "Para sa una at pang-apat na katanungan, (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)
ano ang apat ng Salik ng Produksiyon?"

Sabihin: "Panglima, ang proseso sa paglikha ng (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)
mga produkto at serbisyo ay tinatawag na?

Sabihin: "Pang-anim, Salik na tumutukoy sa kalakal


na nakakalikha ng iba pang produkto?" (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)

Sabihin: "Pang-pito, Tumutukoy sa lakas ng tao


upang makagawa ng produkto?" (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)

Sabihin: "Pang-walo, tumutukoy sa kakayahan at (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)


kagustuhan ng isang tao na magsimula ng
negosyo?" (Ang mag-aaral ay sumagot sa kanilang papel)
Sabihin: "At para sa pang-siyam at pang-sampong
katanungan, ibigay ang dalawang uri ng paggawa."
Sabihin: “Tapos o hindi tapos pakipasa ang papel (Ang ng mag-aaral ay pinapasa ang ang kanilang
sa harapan, sa bilang ng lima. Isa, dalawa, tatlo, papel sa harapan.)
apat, lima. OK."

V. Takdang Aralin (assignment)


Basahin ang pahina 84-93 sa inyong aklat at gawin ang mga Gawain.

Inihanda ni:

Frenjelly N. Papa

You might also like