You are on page 1of 11

Southern Christian College

United Church of Christ in the Philippines


Midsayap, Cotabato

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Natutukoy ang konsepto at kahalagahan ng pagkonsumo.
b) Naipapamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng pagbuo sa matrix
table.
c) Nabibigyang-halaga ang pagkonsumo sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan
ng isang sanaysay.

II. Nilalaman
A. Paksa: Ang Kahalagahan ng Pagkonsumo
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 9 Ekonomiks
C. Materyales: Laptop and PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain
● Panalangin

“Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.” (Pipili ng isang mag-aaral na mamumuno sa
panalangin)
● Pagbati

“Magandang umaga sa lahat”


“Magandang umaga po, Sir/Maam.”
“Maupo ang lahat”
(Uupo ang lahat ng mag-aaral)
● Pagbigay ng tuntunin sa klase
“ Bago kayo umupo ay pulutin muna ang
inyong mga kalat sa paligid at ayusin ang
inyong mga silya.”

"Huwag maingay, makinig ng mabuti at


makilahok sa talakayan."
Mag-aaral: Opo sir/maam

A. Balik aral
“Bago tayo dumako sa ating panibagong
araling ngayong araw ay magkakaroon muna
tayo ng pagbabalik aral.”

“Sino ang nakaalala sa nakaraang aralin ninyo?


Maari bang ibahagi ito sa klase.” Mag-aaral: Ang nakaraang aralin natin ay tungkol sa
alokasyon at mga sistemang pang-ekonomiya.
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang
ibahagi ang nakaraang aralin)
Mag-aaral: Ang Alokasyon ay ang pamamahagi ng mga
“Mahusay!” likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba't-
ibang paggagamitan nito."
"Ano nga ulit ang alokasyon?"

Mag-aaral: Piyudalismo, Merkantilismo, Kapitalismo,


"Magaling" Komunismo, Pasismo, at Sosyalismo.

"Magbigay naman ng mga sistemang pang-


ekonomiya."

"Tama"

B. Pagganyak

“Bago natin pormal na simulan ang


talakayan ng ating paksa ngayong umaga
ay magkakaroon muna tayo ng gawain.”
GAWAIN: HULAAN MO AKO PLEASE…
Panuto: Tukuyin ang mga sikat na produkto
at serbisyo gamit ang mga sumusunod na
logo.
“Ang gawaing ito class ay susubok sa iyong
kakayahan at kaalaman na suriin ang mga
ibat’t-ibang sikat na produkto at serbisyo
gamit ang sumusunod na logo. Bibigyan ko
lamang kayo ng tatlong segundo bawat logo
na inyong huhulaan. At ang
makapagsasagot ng tama ay magkakaroon Mag-aaral: Opo sir/maam
ng karagdagang puntos. Naintidihan ba
class?”
“Mabuti kung ganoon…” (Inaasahang sagot)
1. Jollibee
(Ipapakita ng guro ang mga logo)
2. Apple
3. Lacoste
4. Nike
5. McDonald
1. 2. 3.

4. 5.
“Magaling! Maayos niyong naisagawa ang
ating gawain.”
Mag-aaral: Ito ay mga sikat na logo maam ng mga iba't-
“Ngayon class, ano ang napansin nyo sa mga ibang produkto at serbisyo.
logo?”

“Tumpak, sapagkat itong mga logo na ito


class ay isa sa mga serbisyo at produkto na
ating ginagamit upang matugunan ang ating
mga pangangailangan at magkaroon ng
kasiyahan.”

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


"Ngayon, dumako naman tayo sa ating
panibagong gawain na konektado rin sa ating
paunanag gawain na magbibigay sa atin ng
kaalaman tungkol sa ating paksa ngayong
umaga."
GAWAIN: PAGMASDAM MO AKO…

"Pagmasdan ang mga larawan at magbigay ng


obserbasyon. Ano ang makikita ninyo sa Mag-aaral: Namimili po sila, Sir/Maam.
larawan?"

"Tama! Sila ay mamimili ng kanilang


pangangailangan. At tayong lahat din class
class ay may pangangailangan na dapat
matugunan upang magkaroon ng kasiyahan. At
yan ang ating tatalakayin ngayong araw…..

“ANG KAHALAGAHAN NG PAGKUNSUMO”

"Ngayon class, pagnarinig nyo ang salitang


pagkunsumo. Ano ang unang pumapasok sa
inyong isipan?

"Tama!" Mag-aaral:pamimili ng mga produkto sir/maam

"Mahusay! Sa madaling salita, ang pagkunsumo Mag-aaral: paggamit ng iba’t ibang serbisyo sir/maam
class ay tumutukoy sa paggamit ng mga
produkto at serbisyo upang matugunan ang
ating pangangailangan.

"Ang pagkonsumo ay may iba't-ibang uri ayon


sa kapakinabangan na natatamo ng mga
mamimili. At ito ay ang mga produktibo,
tuwiran, mapanganib, at maaksaya."

URI NG PAGKONSUMO
(Ipapaliwanag ng guro ang ibat ibang uri ng
pagkunsumo)
● Produktibo- pagbili ng produkto upang
makalikha ng ibang produkto tulad ng tela
para sa paggawa ng damit, kurtina, at iba pa.
● Tuwiran - ang individual ay nagtatampo agad
ng kasiyahan sa pagbili at paggamit ng
produkto at serbisyo.
● Mapanganib - pagbili at paggamit ng produkto
na nakapipinsala sa kalusugan ng tao tulad ng
alak, sigarilyo, at bawal na gamot.
● Maaksaya - pagbili ng mga produkto na hindi
tumutugon sa pangangailangan ng tao.

“Naintindihan ba class?”
“May mga tanong? May hindi naintindihan?”

MGA BATAS NG PAGKONSUMO


“ Kung ganoon ay may ipapakita akong video
presentation. At gagawain nyo ay unawain
mabuti at sagutin ang pamprosesong tanong Mag-aaral: Opo sir/maam
na aking ibibigay” Mag-aaral: Wala po sir/maam

Https://youtu.be/dk49-jsQ204

Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang video presentation?
2. Anu-ano ang mga batas ng
pagkonsumo?

Mga inaasahang sagot:


"Magaling" Mag-aaral: Tungkol sa mga batas ng Pagkunsumo
(Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng Mag-aaral:
mga batas ng pagkunsumo.) ● Law of Diminishing Utility
● Law of Variety
● Law of Harmony
“Naintindihan ba class?” ● Law of Imitation
“May mga tanong? May hindi naintindihan?” ● Law of Economic Order

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA


PAGKONSUMO

"May mga bagay at pag-uugali na nakaaapekto


sa dami at uri ng mga produkto at serbisyo na
kinokonsumo ng tao. Ito ang mga salik na may
impluwensya sa gagawin ng pagkonsumo ng
tao."
1. Pag-aanunsiyo
● Brand Name
● Bandwagon
● Testimonial
2. Pagpapahalaga ng Tao
3. Panggagaya (Imitation)
4. Kita
5. Okasyon
6. Presyo

"Bilang isang mamimili ngayong panahon ng


pandemya, ano sa tingin mo ang lubos na
nakakaapekto sa iyong desisyon sa
pagkonsumo? Ipaliwanag."

(Pipili ang guro ng mga mag-aaral na sasagot)

"Magaling"

Mga inaasahang sagot:


Mag-aaral: Presyo o Kita. Dahil nakadepende sa kita ng
tao o presyo ng mga bilihin kung gaano karami o
kakaunti ang mabibili ng isang mamimili. Kung maliit ang
kita, kakaunti lang ang mabibili. Kung mura ang bilihin,
maraming produkto o serbisyo ang mabibili.

MGA PAMANTAYANG GINAGAMIT NG MGA


PILIPINO SA PAGKONSUMO
"Bukod sa mga salik, may mga pamantayan
ding ginagamit ang mga Pilipino sa
pagkonsumo.

(Ipapaliwanag ng guro ang mga salik ng


Pagkonsumo)
Kolum 1: Rehiyonalismo
Kolum 2: Kaisipang Kolonyal
Kolum 3: Pakikisama
Kolum 4: Pagtanaw ng utang na loob
Kolum 5: Kalagayan s a buhay.

“Naintindihan ba class?” Mag-aaral: Opo sir/maam


“May mga tanong? May hindi naintindihan?”

MGA KATANGIAN NG MATALINONG


MAMIMILI
“ Ngayon naman class ay may ipapakita akong
sitwasyon. Ang gagawain nyo lamang class ay
tukuyin kung ito ba ay=-
mapanuri, hindi nagpapadaya, sumusunod
sa badyet, makatwiran, may alternatibo,
hindi nagpapanic, at hindi nagpapadala sa
anunsiyo.

Mga sitwasyon:
1. Bago bilhin ni Jonner ang bag ay Inaasahang Sagot:
sinusuri niya muna kung ang presyo at ang 1. Mapanuri
kalidad nito. 2. Hindi Nagpapadaya
2. Si Vincent ay laging alerto, aktibo, at 3. Sumusunod sa badyet
mapagmasid habang bumibili sa divisoria. 4. Makatwiran
3. Si Norania ay bumibili ng kanyang 5. May Alternatibo
pangangailanagn na naayon sa kaniyang 6. Hindi Nagpa-panic buying
kakayahan. 7. Hindi nagpapadala sa Anunsiyo
4. Sinisigurado ni Ypril na kapaki-
kapakinabang ang kanyang bibibiling produkto.
5. Dahil nagka-ubusan na ng komersyal
fertilizer sa merkado naisipan ni Oroc na
gumamit ng patabang lupa para sa kanyang
pananim.
6. Si Jessa ay hindi nababagabag sa
artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa
pamilihan.
7. Ang kalidad ng produkto ay
isinasaalang-alang ni Jhon at hindi ang pag-
aanunsiyo ."

“Magaling!”
(Magbibigay ng buod ang guro tungkol sa
katangian ng matalinong mamimili)

“Naintindihan ba class?”
“May mga tanong? May hindi naintindihan?”

MGA TUNGKULIN NG MAMIMILI AT


KARAPATAN NG MAMIMILI
“Ngayon naman ay may ipapakita akong video
presentation tungkol sa mga tungkulin at
karapatam ng ng mamimili. Ang gagawin niyo
class ay unawain itong mabuti upang
masagutan ang mga pamprosesong tanong na (Sasagutin ng guro ang tanong nga mga mag-aaral.)
ibibigay ko pagtapos ng video presentation.”

(Ipapakita ng guro ang video sa klase)

Pamprosesong tanong:
A. Anu-ano ang mga tungkulin ng mamimili
B. Mga Karapatan ng mamimili Inaasahang sagot:
C. Bilang isang mag-aaral, bakit Mag-aaral:
mahalagang magampanan natin ang ating A.
tungkulin bilang mga mamimili? 1. Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto
2. Pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng
tamang presyo na itinakda ng pamahalaan.
3. Pagkakaisa upang maging matatag sa
pakikipaglaban ng kanilang karapatan
4. Pagtangkilik sa sariling produkto
5. Pangangalaga sa Kapaligran
B.
1. Karapatan na magkaroon ng edukasyon
2. Karapatan sa pagpili
3. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran
4. Karapatang magtatag ng organisasyon
5. Karapatan sa tamang impormasyon
6. Karapatn na magtamo ng kaligtasan
7. Karapatan na magkaroon ng pangunahing
pangangailangan
C.
Mag-aaral: Dahil kapag nagagampanan natin ang ating
tungkulin ay nagiging hudyat ito sa mga prodyuser na
“Magaling! Dahil bilang isang mamimili, hindi pagbutihin ang mga lilikhaing produkto at serbisyo.
lamang pagbili ng mga produkto at serbisyo ang
ating tungkulin, bagkus may iba pang mga
responsibilidad na dapat alam upang
magampanan natin ito ng maayos biliang
mamimili.

MGA BATAS NA NAGPOPROTEKTA SA MGA


MAMIMILI
(Ipapaliwanag ng guro ang mga ibat ibang batas
at ahensya na nagproprotekta sa mga mamimili)

1. Batas Republika Blg. 7394 -Consumer


Act of the Philippines
2. Batas Republika Blg. 7581 - Price Act
3. Batas Republika Blg. 71 - Batas sa
Price Tag
4. Batas Republika Blg. 3740 - Batas sa
Pag-aanunsiyo
5. Presidential Decree No. 1770 - Batas
na nagtatag ng National Food Authority
6. Batas Republika Blg. 6675 - Generics
Act of 1988
7. Artikulo 1546 - Kodigo Sibil ng Pilipinas
- Batas sa Pagbebenta
8. Artikulo 188 - Binagong Kodigo Penal -
Batas sa Trademark
9. Artikulo 2187 - Kodigo Sibil ng Pilipinas
- Batas sa Extra Contractual Obligations

Mga Ahensya at Pribadong Sektor na


Nagbibigay ng Proteksyon sa mga Mamimili
1. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
(Department of Trade and Industry)
2. Kagawaran ng Edukasyon (Department
of Education)
3. Kagawaran ng Enerhiya (Department of
Energy)
4. Kagawaran ng Kalusugan (Department
of Health)
5. Kagawaran ng Pagsasaka (Department
of Agriculture)
6. Lokal na Munisipyo
7. Print and Broadcasting Companies

"May mga tanong? Itaas ang kamay kung may


tanong o may hindi naintindihan"
D. Paglalahat ng Aralin/Generalization
“ May mga gawain sa ekonomiya class na
kailangang bigyan-pansin upang masiguro ang
paglago at pag-unlad ng kabuhayan ng tao at
bansa. Isa na rito ang pagkunsumo.”

“Ngayon class kung tunay niyo ngang Mag-aaral: Ang pagkunsumo ay tumutukoy sa
naintindihan ang paksa natin ngayong araw, paggamit ng mga produkto at serbisyo upang
ano ang ibig sabihin ng Pagkunsumo? matugunan ang ating mga pangangailanagn at
magkaroon ng kasiyahan

Mag-aaral: Opo, ito ay mahalaga sapagkat sa


“Tumapak! Sa tingin nyo class, mahalaga ba ito pamamagitan nito, ang pangangailangan ng mga
?” tao at bansa ay natutugunan. Ang pagkunsumo rin
ang nagbibigay-daan sa pag-unlad ng produksyon.
Mahalaga ang pag-uugnayan ng pagkunsumo at
produksyon sa ekonomiya.

“Magaling! tunay niyo ngang naitindihan ang


konsepto sa talakayan natin ngayong araw.

IV. PAGTATAYA
PART I.
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat bilang at ibigay tamang sagot. Isulat ang titik
lamang.
1. Ano ang tumutukoy sa paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang
ating mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan?
a. Pagkonsumo
b. Produksiyon
c. Pangangailangan
d. Serbisyo
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa maaksaya na pagkonsumo?
a. Pagbili ng produkto upang makalihka ng ibang produkto.
b. Pagbili ng mga produkto na nakakapinsala sa kalusugan.
c. Nagtatamo agad ng kasiyahan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
d. Pagbili ng mga produkto na hindi tumutugon sa pangangailangan.
3. Ang mga sumusunod ay ahensiya at pribadong sektor na nagbibigay proteksiyon sa
mga mamimili MALIBAN sa?
a. Department of Health
b. Department of Education
c. Land Transportation Office
d. Print and Broadcasting Companies
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng Law of Economic Order?
a. Bumili ng bagong laptop si Berting dahil marami siyang pera.
b. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Boyet, sinasamahan niya ito ng medyas.
c. Mas inuuna na bilhin ni Juanita ang gamit sa paaralan kaysa sa mga
gadget.
d. Mas gusto ni Esme na maraming klase ng make up ang kanyang pwedeng bilhin
tuwing may discount sale.
5. Ano ang tumutukoy sa halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo?
a. Kita
b. Presyo
c. Okasyon
d. Pag-aanunsiyo
6. Bakit mahalaga ang pagkonsumo sa ekonomiya ng bansa?
a. Dahil ito ang nagpapa-unlad sa produksyon at ekonomiya ng bansa.
b. Dahil ito ay gampanin at karapatan natin bilang isang mamimili.
c. Dahil ito ay kinakailangan para mabuhay ang isang tao.
d. Dahil ito ay utos ng estado ng bansa.
7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Rehiyonalismo MALIBAN sa?
a. Ang mga taga-Davao ay mas gusto na bumili at kumain ng Durian.
b. Ang mga Kapampangan ay kadalasang bumibili ng tocino at longganisa.
c. Ang mga Cebuano ay mahilig sa imported products galing sa America.
d. Ang mga Bikolano ay mahilig bumili ng pili nuts at produktong gawa sa abaka.
8. Anong katangian ng matalinong mamimili ang tinutukoy kung ang siya ay handang
labanan ang mga maling gawain ng mga negosyante at nagtitinda?
a. Mapanuri
b. Makatwiran
c. Hindi Nagpapadaya
d. Hindi nagpa-panic buying
9. Anong batas ang nagbibigay proteksiyon sa kapakanan ng mga mamimili?
a. Price Act
b. Batas sa Price Tag
c. Batas sa Trademark
d. Consumer Act of the Philippines
10. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Karapatan sa Pagpili?
a. Makapagtatag ng mga samahan ng mga mamimili.
b. Pagkakaroon ng kaligtasan at kaayusan sa pamilihan.
c. Pagbili ng produktong makatutugon sa pangangailangan.
d. Mabigyan ng pagkakataon na dumalo sa mga pagpupulong at seminar.
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga tungkulin ng mamimili?
a. Pangangalaga sa kapaligiran
b. Pagtangkilik sa sariling produkto
c. Hindi nagpapadala sa Anunsiyo
d. Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto
12. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay halimbawa ng alokasyon MALIBAN sa?
a. Si Anton ay mahilig bumili ng mga mamahaling gadget kahit hindi niya kailangan.
b. Si Isko ay madalas bumili ng soft drinks kahit pa mahal ang presyo nito.
c. Si Peter ay bumibili muna ng gamit pang-eskwela bago ang mga luho.
d. Si Ana ay matipid kaya palagi siyang nag-iipon ng pera.

13. Anong uri ng pagkonsumo ang tinutukoy kung nais makalikha ng ibang produkto mula
sa isang maeteryal?
a. Produktibo
b. Tuwiran
c. Mapanganib
d. Maaksaya

14. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng Law of Imitation?


a. Masaya si Mae kapag kaporma niya ang kanyang KPOP Idol.
b. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Boyet, sinasamahan niya ito ng medyas.
c. Mas inuuna na bilhin ni Juanita ang gamit sa paaralan kaysa sa mga gadget.
d. Mas gusto ni Esme na maraming klase ng make up ang kanyang pwedeng bilhin
tuwing may discount sale.
15. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo sa tuwing may mga pagdiriwang tulad
ng Pasko at Bagong Taon?
a. Kita
b. Okasyon
c. Panggagaya
d. Pag-aanunsiyo
16. Bakit mas gusto ng mga Pilipino na bumili ng imported kaysa sa local products?
a. Dahil mas madali itong makuha at mabili sa pamilihan.
b. Dahil mas mataas ang kalidad ng imported products.
c. Dahil mas mura ang presyo nito kumpara sa local products.
d. Dahil mas nakakataas ito ng estado sa buhay ng isang mamimili.
17. Si Norania ay bumibili ng kanyang pangangailanagn na naayon sa kaniyang kakayahan.
Anong katangian ng matalinong mamimili ang kanyang ipinapakita?
a. Mapanuri
b. May Alternatibo
c. Makatwiran
d. Hindi Nagpapadaya
18. Sinisigurado ni Mang Kanor na malinis at kaaya-aya ang kapaligiran ng kanyang
tindahan. Anong karapatan ng mamimili ang kanyang sinusunod?
a. Karapatan sa Pagpili
b. Karapatan sa Tamang Impormasyon
c. Karapatang Magtatag ng Organisasyon
d. Karapatan sa Maayos at Malinis na Kapaligiran
19. Anong batas ang tumitiyak na naaayon ang presyo ng mga bilihin sa itinakda ng
pamahalaan?
a. Batas Republika Blg. 7394
b. Batas Republika Blg. 7581
c. Batas Republika Blg. 3740
d. Batas Republika Blg. 1770
20. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa mga reklamo ukol sa mga
nagtitinda ng gulay at prutas?
a. Kagawaran ng Kalusugan
b. Kagawaran ng Edukasyon
c. Kagawaran ng Pagsasaka
d. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya

PART II.

A. Bilang isang mamimili, bakit mahalaga ang pagkonsumo sa ekonomiya ng bansa?


V.TAKDANG ARALIN
Panuto: Punan ang matrix table ng mga impormasyon na hinihingi sa bawat kolum.

Pamantayan Deskripsyon Halimbawa


1. Rehiyonalismo
2. Kaisipan Kolonyal
3. Pakikisama
4. Pagtanaw ng Utang na
loob.
5. Kalagayan sa buhay

You might also like