You are on page 1of 14

Lesson Plan Barts

I. Layunin (Objectives)
A. Lubos na maintindihan ang mga nilalaman at kahulugan ng Demand at supply at
kung paano nito naaapektuhan ang pang-kahalatang ekonomiya ng bansa.
(Cognitive)
B. Maimulat ang mga mata ng mga mag-aaral sa mga naitatagong idolohiya upang
bigyang kamalayan, pagpapahalaga at pagiging parte ng ang proseso ng
Ekonomiya ng ating bansa. (Affective)
C. Maisabuhay ang mga kaalaman tungo sa pisikal na pagkatuto at mga magamit ang
mga ideya sa pang-araw araw na buhay gayon na rin ang pagsasagawa ng iba’t-
ibang aktibidad ukol sa talakayin (Psychomotor)

II. Paksang Aralin (Subject Matter)


A. Paksa. Demand at Supply: Ugnayan at mga Salik nito
B. Talasanggunian.
C. Kagamitan. Powerpoint Presentation (ppt),

III. Pamamaraan

Gawaing Pagpapakitang Turo Gawain ng Kapwa Mag-aaral


A. Panimulang Gawain “Ama namin sumasalangit ka , Samabahin ang ngalan

a. Panalangin mo mapasaamin ang kaharian mo dito sa lupa para

i. Nawa’y ipikit natin ang mata at nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon n gaming

taimtim tayong manalangin at kakanin sa araw-araw : at patawarrin mop o kami sa

damhin ang presensya ng ating aming mga sala Para nang pagpapatawad naming sa

panginoon. mga nagkakasala sa amin ; At huwag mo kaming

b. Pagbati ipahintulot sa tukso at iadya sa masama. Amen!”

i. Isang mapagpalang araw sa


“Isang mapagpalang araw din po sa inyo”
aking mga magigiliw,
napakakikisig at magagandang
mag-aaral.
ii. Ako ay nasa inyong ulit harapan
“Malugod naming ipinapaalam na sa araw na ito ay
upang tumalakay na naman sa
walang lumiban ngayon sa klase”
panibagong aralin. Na higit na
palalawakin ang inyong isipan sa
iba’t ibang bagay.
iii. Sa kabilang banda, mayroon
bang lumiban ngayon sa ating
klase?
c. Pag-aayos ng mga kagamitan
Maaari nyu bang i-mute ang inyong
mga microphones ng sa ganun ay
maaari na tayong makasimula.
Maraming salamat!

B. Pagbabalik Tanaw
Bago tayo tumungo sa paksang tatalakayin
natin ngayon.Ibig ko munang itanong sa inyo
kung ano ang huli nating tinalakay at “Ayon sa aking pagkaka-alala ang nakaraang

natutunan sa asignaturang ito? talakayin ay nakapokus sa kahulugan at kahalagahan


ng Ekonomiks sa isang particular na bansa na kung
a. Tama ang iyong kasagutan, kung atin
saan ito may kinalaman sa wasto at aktibong
itong maaalala ang ekonomiks ay isa sa
pamamahala ng mga likas na yaman ng isang lugar ”
mga sangay ng araling panlipunan at
nagmula nag mula sa salitang na
“Oikonomiya”. “Oikos” na ang ibig
sabihin Bahay at “Nomos” na
nangangahulugang bahay. Kapag atin
itong sinuri ay mabubuo natin mga
pangungusap na “pamamahala sa isang
bahay”. Ito ay nangangahulugang “

tugunan ang walang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinag-kukunang
yaman o natural resources.
b. Napag-aralan din natin kung ano-ano
ang mga yamang nauubos at yamang
napapalitan. Halimbawa ng yamang
nauubos ay mga karbon ginto at langis.
Samantalang halaman, puno at isda
naman ay mga halimbawa ng mga
yamang napapalitan.Kung inyo ding
matatandaan Ang Ekonomiks ay nahahati
sa dalawang sangay: ang Maykroekonomiks
at Makroekonomiks. Sa pag-aaral ng
dalawang sangay na ito ay may layuning
maunawaan ang Ekonomiks mula sa maliit
(maykro) hanggang sa malawak (makro) na
dimensiyon ng ekonomiya.
c. Ang mga napag-aralan natin noon ay
may kinalaman sa pag-aaralan natin
ngayon at yan ay walang iba kung hindi
Demand at Supply ngunit bago tayo
dumako diyan ay magkaroon muna tayo
ng pampaganang Gawain.

C. Pampagana (Motivation)

Bago tayo dumako sa ating aralin ngayon ay nais ko


muna sanang magkaroon tayo simpleng palaro na
tiyak na hihimukin ang inyong interes. ang laro ito
ay mas kilala nyu na sa pangalang who want to be a
millionaire. Simple lang ang konsepto ng larong ito
sagutin nyu lang tama ang limang tanong na at kung
sino man ang makasasagot magkakaroon kayo ng
“OPO”
mga extra points sa ang ating pag-susulit pagkatapos
ng ating diskusyon. Handa na ba kayo?
Tanong(1) Ito ay modelo ng Pagtukoy ng presyo?

a. Demand at Suplay

b.Suplay at Goods

c. Produkto at Presyo

d. Kita at Demand

(Pumili ng isang estudyante)

Magaling! Tama ang iyong kasagutan!

“Sa aking pagkakaalam ang tamang sagot ay titik A.


Tanong (2) Dami ng nais at kayang bilhing mga
Demand at suplay”
produkto ng mga konsyumer

a. Supply

b. Demand

c. Presyo

d. Goods

(Pumili ng isang estudyante)

Mahusay! Dumako na tayo sa susunod na tanong

Tanong (3) Dami ng nais at kayang bilhing Produkto


ng mga konsyumer?
B. Suplay

a. Suplay

b. Demand

c. Presyo

d. Goods

(Pumili ng isang estudyante)

Ikinalulungkot ko ngunit mali ang iyong kasagutan

(Pumili ng ulit ng isang estudyante)


Tama ang iyong sagot!
Sa tingin ko ang sagot D. Goods.
Tanong (4): Dami ng produkto o serbisyo na handa
at kayang ipagbili ng prodyuser?

a. Suplay
Ang tamang sagot ay B. Demand
b. Demand

c. Presyo

d. Goods

(Pumili ng isang estudyante)

Mahusay! Dumako na tayo sa susunod na tanong

Tanong (5) Nagpapakita kung gaano kadaming


produkto o paglilingkod ang gusting bilhin ng A. Suplay, final answer
konsyumer?

a. Demand curve

b. Demand Schedule

c. Demand Equation

d. Law of Demand

(Pumili ng isang estudyante)

Correct! Tila marami sa inyo ang nakaaalam ng mga


sagot! Magaling ngayon ay dumako na tayo sa ating
talakayan

B. Demand Schedule, thats my final answer.


D. Talakayan (Discussion)

a. DEMAND

Kapwa may mahalagang ginagampanan para sa takbo ng


kalakalan ang ugnayan ng presyo at demand. Sa bawat
produkto ay may presyone nakatakda na kinakailangan
ng bawat isa. Ang presyong ito na itinalaga ang siyang
nagiging gabay ng mga mamimili at nagbibili ng mga
kalakal Tna kinakailangan.
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng mga kalakal o
produkto na kaya at handang bilhin ng isang mamimili o
konsyumer na mayroong pabagu- bagong presyo sa
takdang panahon. Ang batas ng demand ay nagsasaad na
kapag mataas ang presyo ng produkto o paglilingkod,
ang demand para dito ay bumababa at kapag ang presyo
naman ng produkto ay bumababa. ang demand naman
para dito ay tumataas.
May kurba ng demand o linya ng demand para sa bawat
produkto upang makita ang tuwiran o positibo at di-
tuwiran o negatibong relasyon ng dalawang bagay. Ang
pagtaas ng demand ay bunga ng pagbaba ng presyo
dahilan sa dalawang bagay: ang epekto ng kita at epekto
ng halinhinan. May mga salik ding may kinalaman sa
demand, ang ayon sa kagustuhan ng mamimili, ayon sa
kinikita ng mamimili, paglaki ng populasyon, presyo ng
iba't-ibang bilihin, pagbabago sa mga inaasahan ng mga
mamimili, a kahalagahan ng produkto.
b. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO NG
DEMAND
1. AYON SA KAGUSTUHAN NG MAMIMILI
Ang pagbabago ng demand sa bawat produkto o bilihin
ay batay sakagustuhan o ninanais ng mga mamimili.
Halimbawa, kung mas higit na gusto ng mga mamimili
ang ice cream ng Selecta kaysa sa ice cream ng
Magnolia, and demand para sa Magnolia ay bababa.
Samantalang kung may mas higit na mamimili ang
Magnolia kaysa Selecta, ang demand para su Magnolia
ay tataas. Ang halimbawang ito ay ayon sa pagkakapili,
panlasa, at pagsusuri ng bawat mamimili.

2. AYON SA KINIKITA NG MAMIMILI


Kapag ang isang tao ay may kitang mataas, ito ay may
epekto ayon sa mga produkto niyang gustong bilihin.
Nagkakaroon siya ng pagkakataon kanyang kita. Ito ay
may epekto sa demand ng iba't-ibang produkto. mi mabili
ang mga produktong dating hindi niya nabibili dahil sa
baba ng kita.

3.PAGLAKI NG POPULASYON
Kung may malaking bilang ng mga mamamayan,
nagkakaroon ng malaking demand sa iba't-ibang uri ng
kalakal o bilihin katulad ng pagkain,sapatos. prutas,
damit, aklat, at iba pang uri ng produkto.

4. PRESYO NG IBA'T IBANG BILIHIN


Malaki ang epekto ng presyo sa demand ng iba't-ibang
bilihin. Kung ang produkto o bilihin na magkatunggali o
produktong magkahalili ay may mataas na presyo, ito ay
magdudulot ng mataas na demand para sa kabila
produkto na kahalili nito. Halimbawa, kung ang pagkain
ng sunkist ay kahalili ng pagkain ng dalandan para sa
mahirap na mamamayan, ang pagtaas presyo ng sunkist
ay maaaring makapagpataas sa demand ng dalanda

5. PAGBABAGO SA MGA INAASAHAN NG MGA


MAMIMILI
Ang mga pagbabago sa inaasahan ng mga mamimili sa
hinaharap darating na panahon ay maaaring magpaiba sa
demand sa iba't-ibang ng produkto. Halimbawa, kung
inaasahan ng mga mamimili na ang presyo ng isang
produkto o bagay ay tataas sa hinaharap, maiingganyo
silang bumili ngayon ng mga produkto upang makaiwas
sa pagtaas ng presyo ng produkto sa hinaharap. Ang
magiging resulta nito ay ang pagtaas ng demand sa
kasalukuyan. Samantalang kung ang inaasahan naman ng
mga mamimili ay ang pagbaba ng presyo ng produkto,
ipagpapaliban na muna niya ang pagbili ng produkto,
kaya't ito ay magbubunga ng pagbaba ng demand sa
kasalukuyan
c. SUPLAY
Ang suplay ay tumutukoy sa bilang o dami ng kalakal o
paglilingkod na handa at kayang ipagbili ng nagbibili sa
isang takdang panahon na may pabagu-bagong presyo.
May iba't-ibang uri ng produkto na mayroong suplay ang
bawat isa na makakatugon sa demand ng tao ayon sa
kanilang pangangailangan, katulad halimbawa ng mga
produkto ng sapatos, bag, medyas, aklat, damit, bigas,
karne ng baboy o manok, itlog, at iba pa.
Ang presyo ng bawat produkto ay naaayon sa pagdami at
pagbaba ng suplay nito. Naipakikita ang epekto ng
suplay sa presyo ng produkto kapag ang prodyuser ay
naglalabas ng suplay nito upang magkaroon ng sapat o
higit pang kita
Sa kabanatang ito ay sinuri ang mga mahahalagang
konsepto sa pag aaral ng ekonomiks, ang diwa at
interaksiyon ng suplay at demand. Dito ay binigyan lang
ng panimulang pagsusuri ang epekto ng presyo sa
demand at suplay ng isang bilihin, May tuwirang
relasyon ang presyo at dami ng suplay. samantalang sa
demand, ito ay may di-tuwirang relasyon sa isang bagay.
Ang tuwirang relasyon ng presyo at dami ng suplay ay
itinakda batay sa pagpapalagay na ang iba't-ibang salik
na nakaaapekto dito ay hindi nagbabago.
d. MGA SALIK NA MAY KINALAMAN SA
SUPLAY
1.PAGSULONG NG TEKNOLOHIYA
Ang patuloy na pagsulong ng teknolohiya sa produksiyon
ay may malaking kahalagahan sa suplay ng produksiyon.
Maaari itong makapagbaba ng mga kinakailangang
gastusin sa produksiyon at siya namang pagtaas ng
suplay ng produkto na handa nilang ipagbili sa
alternatibong presyo.
2.ANG PAGBABAGO NG MGA LIKAS NA YAMAN
PARA SA MGA HILAW NA MATERYALES
Sa sitwasyong ito, kapag natutustusan ang mga
pangangailangan para sa mga materyales ng produksiyon
ay nagkakaroon ng mataas na suplay. Ngunit kung
kinukulang sa mga materyales na kinakailangan ay
nakababawas ng suplay.
3. ANG PAGBABAGO NG PRESYO NG PRODUKTO
Ang epekto nito sa suplay ng produksiyon ay
nakapagpapabago ng presyo. Alam natin na may pabagu-
bagong presyo ang produkto. May tumataas at
bumababa. Dahil dito, ang mga negosyante ay
napipilitang magtaas ng suplay kung alam nilang ang
produkto ay may mataas na presyo kaysa sa mababang
produkto.
4. ANG BUNGA NG INAASAHAN SA SISTEMANG
BILIHAN
Ang bawat negosyante ay may inaasahang kahihinatnan
o sa takbo ng produksiyon. Halimbawa, kung sa palagay
nila na tataas ang presyo ng produkto sa darating na
panahon, sisikapin nilang makapag-imbak nito na may
higit na mababang presyo sa kasalukuyan at sa pagdating
ng panahon, sisikapin nilang makapag-imbak ng marami
nang sa gayon ay maipagbili nila sa mataas na presyo.
Ngunit kung ang inaasahan ay ang pagbaba ng presyo sa
darating na pagkakataon ay makapag-uudyok sa ng
produkto sa kasalukuyan. mga negosyante na magbawas
ng pag-iimbentaryo bagkus pataasin ang suplay.
5. ANG DAGLING PAGKASIRA O PAGKABULOK
NG PRODUKTO
Ang suplay ng produkto ay ibinabatay din sa kalagayang
pangkasariwaan o kagandahan nito. Naaapektuhan ang
suplay kung ang produkto ay madalingmabulok, masira o
marupok. Kinakailangang alamin muna ang magiging
kalagayan nito sa panahong itatagal.
e. UGNAYAN SA ISA’T-ISA
Ang pagtatalaga ng kurba ng demand at suplay ay batay
sa mga sistemang pamproduksiyon. Ito ay batay sa
pagsusuri o sa pagkilatis ng mga mamimili ng isang
produkto kung demand ang pag-uusapan. Samantalang
kung ang suplay naman ang pag-uusapan, ito ay batay sa
kalakalan ng produksiyon ng nagbibili o negosyante. Ang
positibong tugon ng mga negosyante sa pagbabago ng
presyo ay hinaharap naman ng isang negatibong lugon ng
mga mamimili ng produkto. Sa ganitong pangyayari, ang
nagbibili at namimili ay nagkakaroon ng salungat na
layunin. Ito ay sinasagot sa sistema ng bilihan sa
pamamagitan ng pagpapantay ng mga interes ng mga
mamimili at nagbibili.
E. Paglalahat (Generalization)

Batay sa ating napag-aralan, ang supply at demand


ay may napakalaking koneksyon sa isa’t-isat na
kung saan mag-kakaroon ng epekto kung isa sa
kanila ay tumaas o bumababa. Ngunit maaari ba
" Para po sa akin kapag sinabing demand ito ay ang
kayong magbigay ng inyong sariling depinisyon mga produkto na binibili ng tao o mga mamimili sa
kung ano ang supply at demand? pamilihan o merkado. Ngunit kapag sinabing supply,
ito ay ang bilang o halaga ng mga produkto na
kinakailangan sa merkado para sa pangangailangan
ng mga mamimili. "
"Para po sa akin ang demand at supply ay may
malaking gampanin sa ekonomiya ng isang bansa
Mahusay!
sapagkat nakabase din po ito sa paglago nito. Ang
demand at supply ay isa sa pangunahing dahilan ng
Ngunit sa inyong palagay, bakit mahalaga ito sa
paggalaw ng presyo ng mga bilihin o produkto sa
pagpapatakbo ng ating ekonomiya?
merkado. Dito natutukoy and presyo at bilang ng mga
produkto na kinakailangan sa mga pamilihan.
Nakadepende and pagiging mabenta ng mga produkto
sa demand nito habang and presyo ay nakadepende sa
bilang o supply na mayroon sa merkado. "

"Para po sa akin kung mayroon po tayong maraming


pera mawawalan tayo ng balanse sa ekonomiya ng
bansa sapagkat dito papasok ang inflation kung saan,
dahil hindi makahabol ang supply sa demand,
tataasan ang mga presyo ng produkto upang
Magaling! At para sa huling tanong upang malaman makahabol sa mga demand na ang isa pang ibig
kung mayroon ba kayong nahinuha sa ating pinag sabihin nito mababawasan ang mga halaga ng pera.
aralan. Sainyong tingin bakit di tayo gumagawa ng Ngunit kung ito ay patuloy magkakaroon na ng
mas maraming pera? tinatawag na hyperinflation kung saan sa pagdami at
patuloy na pagkakaroon ng pera ng tao patuloy din
ang pagtaas ng mga produkto sa merkado."
Mahusay!

Samakatuwid Ang suplay ay tumutukoy sa bilang o


dami ng kalakal o paglilingkod na handa at kayang
ipagbili ng nagbibili sa isang takdang panahon na may
pabagu-bagong presyo samantalang ang demand naman
ay tumutukoy sa dami ng mga kalakal o produkto na kaya
at handang bilhin ng isang mamimili o konsyumer na
mayroong pabagu- bagong presyo sa takdang panahon.
Sa kabanatang ito ay sinuri ang mga mahahalagang
konsepto sa pag aaral ng ekonomiks, ang diwa at
interaksiyon ng suplay at demand. Dito ay binigyan lang
ng panimulang pagsusuri ang epekto ng presyo sa
demand at suplay ng isang bilihin, May tuwirang
relasyon ang presyo at dami ng suplay. samantalang sa
demand, ito ay may di-tuwirang relasyon sa isang bagay.
Ang tuwirang relasyon ng presyo at dami ng suplay ay
itinakda batay sa pagpapalagay na ang iba't-ibang salik na
nakaaapekto dito ay hindi nagbabago.

F. Aplikasyon (Application)

Buuin nyo ang inyong mga sarili sa tatlong pangkat


na may tig 3 o 4 na miyembro kada isa at gumawa
kayo ng concept map kung paano dumadaloy ang
demand at supply sa inyong lugar.
G. Kabutihang Asal (Infusion of Values)

Doon na nagtatapos ang ating talakayan sa araw na


ito. Kamakailan ay mga natatangap akong mensahe
sa aking messenger at phone number ukol sa iba’t-
ibang mga bagay ngunit napapansin ko na tila
marami sa inyo ay hindi nakaka-alam sa wastong
etiketa ng online messaging. Walang masama kung
magtatanong kayo ngunit marapat nating
siguraduhin na may kinalaman ito sa ating mga
aralin o di kaya’y patungkol sa ating paaralan, dapat
nating iwasan magtanong ng mga di makabuluhang
bagay upang hindi makaubos ng iba. Siguradin din
natin na wasto ang ating mensahe. Mas maganda
kung ipakilala muna natin ang ating sarili at kung
anong seksyon tayo kabilang, at marapat din nating
magbigay ng pagbati na nagsisilbing pagbibigay
galang bago natin ilahad ang ating mensahe. Nawa’y
iwasan din nating magpost ng mga di kaayaayang
imahe o opinion sa ating social media accounts
upang maprotekhan ang ating sarili sa masalimuot
na komunidad na ating kinabibilangan. Tandaan!
Think before you click! Salamat sa pakikinig.
Magkakaroon tayo ng isang munting pagsusulit sa
pagkatapos ng 10 minuto.

IV. Evaluation
V. Assignment

Ipinasa nina:
Alcantara, Allona
Angeles, Khristine
Angostura, Danica
Canda, Raesie
Dela Cruz, Ruby
Ibesa, Justine
Macalinao, Mhar Justine
Pangan, Reiam Mae
Paulino, Daneil
Punzalan, Williemer
Salvador, Maria Camila

BSEd Social Studies - 2H

Ipinasa kay:
Ginoong Joseph Bartolome, LPT
Guro

You might also like