You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

University of Rizal System

Pililla, Campus

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

I. Layunin :

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.(AP9MYK –


IIb – 4)

Task analyse:

• Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng elastisidad ng demand.

• Natutukoy ang kaugnayan ng pagbabago ng presyo sa price elasticity ng


demand ng kalakal at produkto.

• Matalinong nakapagpapasya sa pagpili ng produkto at serbisyong


kinakailangan sa pang araw-araw na pamumuhay.

II. Paksang Aralin :

Yunit II : Maykroekonomiks

Paksa : Presyong Elastisidad ng Demand

Sanggunian : Balitao, Bernard L. et.al, Ekonomiks Araling Panlipunan,


Pasig City: Vibal Group,Inc. 2015. Pahina 129 - 137

Kagamitan : kagamitang biswal, ativity card, activity sheet,panulat

III. Pamamaraan: Pasaklaw

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Pang-araw-araw na gawain:

Panalangin :

Magsitayo ang lahat para sa ating Ama namin sa langit kami po’y lubos

panalangin na pangungunahan ni Jhon. na nagpapasalamat sa Iyo sa


pagkakaloob Mo sa amin ng magandang
umagang ito at sa pagkakaloob Mo sa
amin ng kalakasan at katalinuhan upang
magamit namin sa aming pag-aaral.
Hinihiling po namin na kami’y Inyong
patuloy na gabayan gayundin ang aming
mga mahal sa buhay. Nawa rin po ay
marami kaming matutunan sa araw na
ito. Amen

Pagabati:
Magandang umaga rin po Mr. Escleto.!
Magandang umaga II-A.!

Maaari na kayong umupo.

Pagtatala ng liban:
Ikinagagalak ko pong iulat sa inyo na
Maaari bang tumayo ang sekritarya
walang lumiban sa araw na ito.
ng klaseng ito at iulat kung sino ang
lumiban sa araw na ito

Pagwawasto ng Takdang-Aralin:

Noong nakaraan nating pagkikita ay Opo Sir.


binigyan ko kayo ng takdang-aralin.
Ngayon ay maaari nyo na ng ipasa ang
inyong kwaderno sa harapan upang
maiwasto.

1. Pagbabalik-Aral:

May nakakaala-ala pa ba sa inyo Opo.


ng tinalakay natin kahapon?

Kung ganon, ano ang tinalakay natin Kahapon po ay tinalakay natin ang
kahapon? Hailey. tungkol sa demand at ang batas ng
demand.

Magaling.
Ano ulit ang ibig sabihin ng demand? Ang demand po ay tumutukoy sa
Archie. bilang ng mga produkto o serbisyo na
handang bilhin ng mga konsyumer.

Mahusay, Archie.

Ano naman ang ipinahihiwatig sa Sinasabi po sa batas ng demand na


batas ng demand? Gajeel. kapag tumaas ang presyo ng produkto o
serbisyo ay bababa ang demand ng mga
tao dito at kapag naman bumaba ang
presyo ay tataas ang demand dito.
Very good.

Batid kong lubusan nyo na ngang


naunawaan ang ating nakaraang aralin.

2. Pangganyak:

Bago natin simulan ang panibago Pangkat 1:


nating aralin ay nais ko munang
magkaroon tayo ng isang maiksing laro.
Hahatiin ko ang klase sa tatlong
pangkat. Ang bawat pangkat ay
makakatanggap ng mga larawan na
kung saan kinakailanagan ninyong
mahulaan ng tama ang Ipinapakita dito.
Matapos mahulaan ang salita ay
Ang presyo ay tumutukoy sa
ipapaliwanag naman ito ng isang
katumbas na halaga o salapi ng isang
miyembro sa unahan. Bibigyan lamang
produkto o serbisyo.
ng dalawang minuto ang bawat grupo sa
pagsasagot at isang minute naman para Pangkat 2:
sa pagpapaliwanag.

Ang elastisidad ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang bagay na magbago
gaya ng hugis o haba nito.

Pangkat 3:

Ang demand ay tumutukoy sa dami o


bilang ng mga produktong handang bilhin
ng mga konsyumer.

Ano ang panibagong salitang Ang nabuo pong salita ay


mabubuo kung pagsasama-samahin Presyo+Elastisidad+Demand.
natin ang inyong mga salitang
nahulaan?

Tama. Ang mabubuo nating salita ay


Presyong elastisidad ng demand.

Mayroon ba kayong ideya tungkol Sa akin pong palagay ito po ay


dito? Ikaw Eren. tumutukoy sa pagbabago ng demand
kaugnay sa pagbabago ng presyo.
Mahusay.
Sino pang may ibang ideya?

Kung wala, magtatanong nalang ako


sa inyo. Lahat naman tayo ay nakaranas
ng bumili ng iba’t ibang produkto, hindi
ba?

Ano ba ang nagiging batayan natin sa Kapag po bumibili ako ng produkto,


pagbili ng mga produkto maliban sa iniisip ko po muna kung ito’y may
dahilang ito’y ating kailangan? magandang kalidad.

Ikaw Pete, ano ang iyong


Tinitingnan ko po muna kung ito’y mura
pinagbabasehan?
o mahal.
Good. Ano pa? Ikaw James.

Magaling. At ano naman ang Kapag po mahal ang produktong gusto


ginagawa nyo kapag mahal ang ko, mas pinipili ko pong humanap ng
produktong nais nyong bilhin? Xia. kapareho nitong produkto na may mas
murang halaga.
Very good Xia!

Hindi ba’t kapag tumaas ang presyo


ng produkto, halimbawa ay sabon, ay
nagiging sensitibo tayo sa pagbili nito.
Mas pinipili nalang nating bumili ng
substitute na produkto na may mas
murang presyo.

GAWAIN: I-SHOOT SA BASKET!


Sitwasyon: Nagkaroon ng higit sa 10
bahagdan ng pagtaas ng presyo ng mga
produkto at serbisyo na nakalista sa
ibaba. Sa kabila nito, walang pagbabago
sa sweldo mo. Ilagay sa basket ang mga
produkto at serbisyo na bibilhin mo pa rin
kahit tumaas ang presyo nito.

B. PAGLALAHAD NG ARALIN

Ngayon ay dadako na tayo sa ating bigas alahas


aralin, pero bago iyan ay bibigyan ko cellphone softdrinks
load chocolate
muna kayo ng gawain na makakatulong
Serbisyo ng gamot
sa inyo upang higit nyong maunawaan koryente
ang ating bagong aralin. Pamasahe sa dyip tubig
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging basehan sa


pagpili ng mga produkto ata serbisyong
ito?

2. Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga


produktong ilalagay sa basket?
Ipaliwananag.

3. Ano-ano ang produktong mas malaki


ang kabawasan sa pagkonsumo
kaugnay sa pagtaas sa presyo?

4. Anong konsepto ng ekonomiks ang


sumusukat sa pagbabagong ito?

Ngayon ay maaari mo bang basahin Price Elasticity of Demand – Ito ang


ang kahulugan nito, Erza. paraan na ginagamit upang masukat ang
pagtugon at kung gaano kalaki ang
magiging pagtugon ng quantity
demanded ng tao sa isang produkto sa
tuwing may pagbabago ang presyo nito.

Salamat.

Sa iyong palagay, sa papaanong


paraan nasusukat ang mga
pagbabagong nagaganap sa mga
presyo at demand?
Sa akin pong palagay ay mayroon
Lucy.
tamang ekwasyon o pormula ang
ginagamit upang masukat ang mga ito.

Tama. Mayroong pormulang gingamit


upang masukat ang mga pagbabagong
ito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa
tuwing may pagbabago sa presyo ng
mga produkto at serbisyo gamit ang
formula na nasa ibaba.

Ɛd = %∆Qd / %∆P

Para mas maayos ang interpetasyon


gagamitin natin ang absolute value ng
formula nito.
Kung saan:
Ɛd = price elasticity of demand.
%∆Qd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%∆P = bahagdan sa pagbabago ng
presyo.

Ngayon naman ay ating isa-isahin


ang iba’t ibang uri ng elastisidad.
1. Elastic %∆Qd > %∆P
Greyson maaari mo bang basahin
ang unang uri ng elastisidad. |Ɛ |> 1

Ang demand ay masasabing price


elastic kapag mas malaki ang naging
bahagdan ng pagtugon ng quantity
demand kaysa sa bahagdan ng
pagbabago ng presyo.
Sa maliit na bahagdan ng pagbabago
sa presyo, ang mga mamimili ay
nagiging sensitibo sa pagbili.
Napakaraming halimbawa ng elastic na
produkto, halimbawa ay ang alahas,
bagong damit at gadgets.

Maaari ka bang magbigay ng Isa po sa halimbawa nito ay ang


halimbawa ng produktong pumapasok softdrinks.
sa price elastic. David.

Tama.

Sa iyong palagay bakit matituring na


price elastic ang softdrinks, Jeniffer? Sapagkat kapag tumaas ang presyo
nito, marami ang maaaring ipalit ng
mamimili.
Mahusay !
Halimbawa naman ay bagong labas Sa akin pong palagay ay hindi
na Cellphone na nagkakahalaga ng 20k, sapagkat hindi naman po masyadong
sa inyo bang palagay ay bibilhin ito ng kinakailangan ng pinkabagong Cellphone
isang ordinaryong mamamayan? Bakit? ng isang ordinaryong mamamayan at
upang pagkagastusan ng napakalaking
halaga.
Tumpak!
Ang pagiging sensitibo ng quantity
demanded sa pagbabago ng presyo ay
maaaring ipaliwanag ng sumusunod:

a. maaaring maraming substitute ang


isang produkto.

b. ang mga produkto ay hindi


pinaglalaanan ng Malaki sa badyet
sapagkat hindi naman ito masyadong
kailangan.

Basahin mo ang ikalawang uri, Avril. 2. Inelastic


|Ɛ |< 1
Ang demand ay masasabing price
inelastic kapag mas maliit ang naging
bahagdan ng pagbabago ng quantity
demanded kaysa sa bahagdan
pagbabago ng presyo.
Ipinahihiwatig nito na kahit malaki
ang bahagdan ng pagbabago sa presyo,
ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa
pagbili.

Bakit naman sa iyong palagay hindi


Maaari pong halos walang malapit na
nagiging sensitibo ang mga mamimili sa substitute sa produkto.
pagbili ng mga produkto? Chris.

Tumpak!

Ano pa? Katy. Isa pa po na maaaring dahilan ay ang


produkto ay pangunahing
pangangailangan.

Magaling!

Kung ganon, ano naman sa tingin


ninyo ang mga produkto at serbisyo ang
tinutukoy nito.

Magbigay ka ng halimbawa, Mirajane.


Ang halimbawa ng serbisyong price
inelastic ay koryente at tubig.
Tama ang iyong sinabi. Maaaring
mabawasan ang ating pagkonsumo ng
napakaliit na porsyento, subalit patuloy
parin natin itong bibilhin sapagkat di
natin kayang mabuhay ng wala ang mga
ito.

Ngayon ay maaari mo bang basahin 3.Unitary o Unit Elastic


ang ikatlong uri, Mary Ann.
|Ɛ |= 1
Pareho ng bahagdan ng pagbabago
ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng
quantity demanded.

Ipinapakita sa unitary na
magkapareho ang bahagdan ng presyo
at ng quantity demand. Ang coefficient
ng unitary elastic ay 1. Walang tiyak na
halimbawa ang ganitong degree ng
elastisidad sapagkat ang ganitong uri ay
nagaganap lamang depende sa
sitwasyon.

Halimbawa , binigyan ko ng ₱20 ang


aking kapatid. Ibinili niya ito lahat ng
kendi sa tindahan kaya nakatanggap
siya ng 20 pirasong kendi.Kung sakali
namang tumaas ang presyo ng binibili
niyang kendi ay ibibili niya parin ng buo
ang kanyang salapi at ang matatanggap
niyang kendi sa pagkakataong ito ay
depende sa aabutin ng kanyang bayad
na salapi.

Naunawaan ba? Opo.

Papaano nga natin Masasabi na ang


Ang produkto po ay masasabing unit
produkto ay isang unit elastic? Clark?
elastic kapag parehong bilang o halaga
ng salapi ang handang ibayad ng
konsyumer kahit na magbago man ang
presyo nito.
Very good!

Basahin mo naman ang ika apat na 4. Perfectly Elastic


uri, Jhon. |Ɛ |= ∞
Nangangahulugan ito na anumang
pagbabago sa presyo ay magdudulot ng
infinite na pagbabago sa quantity
demanded. Ipinapakita rito na sa iisang
presyo, ang demanded ay hindi matanto
o mabilang.

Sa palagay, masusukat ba natin ang


pagtugon dito kung ang coefficient na
ginagamit ay ∞ ?

Sinong may ideya? Hindi po malalaman ang pagtugon dito


sapagkat ito po nangangahulugang
walang katapusan.
Magaling!

Kahit na walang naging pagbabago sa


presyo, mayroon paring pagtugon ang
mga mamimili dito.

Halimbawa, marami ang tumatangkilik


sa paborito mong tsokolateng kitkat,
subalit nagkaroon ng bagong brand ng
tsokolate, ang dairymilk. Mas naging
kilala ang dairymilk. Dumami ang
demand dito samantalang kumaunti
naman sa kitkat. Kahit walang
pagbabago sa presyo, nagkaroon parin
ng pagtugon dito ang mga konsyumer.

Nakuha ba? Opo.

Kung ganon maaari ka bang Halimbawa po ay ang bigas,


magbigay ng sarili mong halimbawa, sinandomeng at angelika. Kahit na po
Liza? walang pagbabago sa presyo ng dalawa,
may pagtugon parin po ang mga tao dito.
Mas marami po ang bumibili ng
sinandomeng kaysa sa isa.
Mahusay!

At ang panghuling uri ng elastisidad 5. Perfectly Inelastic demand


ay ang perfectly inelastic. Maaari mo |Ɛ |= 0
bang basahin ang kahulugan nito, Allen. Nangangahulugan ito na ang quantity
demanded ay hindi tumutugon sa
pagbabago ng presyo. Ang produktong
ito ay lubhang napakahalaga na kahit na
anong presyo ay bibilhin parin ang
parehong dami.

Ipinapakita naman sa perfectly


inelastic na kahit anong pagbabago sa
presyo ay walang magiging pagtugon
ang mga mamimili dito. Ibig sabihin,
kahit anong presyo ay bibili parin ng
eksaktong dami.

Anu-ano kaya ang mga maaaring Sa akin pong palagay, ang mga
halimbawa nito ay mga produktong
halimbawa ng perfectly inelastic
pangsagip buhay gaya ng gamot.
demand? Robert.
Magaling Robert!

Bakit kaya ganon na lamang ang


pangangailangan ng mga konsyumer sa
mga produktong ito na kahit sa anong
presyo ay bibilhin parin nila ito?

Mayroon ka bang ideya Logan? Sapagkat nakasalalay po dito ang


buhay ng mga konsyumer, kaya’t kahit
gaano kalaki ang itaas nito ay bibilhin
parin ito sa eksaktong dami.
Very good!

Malinaw na ba sa inyo ang limang uri Opo.


ng elastisidad?

Mayroon ba kayong mga katanungan Wala na po.


tungkol sa uri ng elastisidad?

Mabuti kung ganon.

GAWAIN 3: MAGKOMPYUT TAYO.

Ngayong lubos nyo ng naunawaan


ang elastisidad ng demand ay bibigyan
ko kayo ng isang maiksing gawain.
Sasagutan nyo ito sa loob lamang ng 3
na minuto.

Sagutin ang mga hinihingi sa mga


katanungan o pahayag sa ibaba sa
pamamagitan ng pagko kompyut.

SITWASYON COEFF ELAST


ICIENT ICITY
1. Mayroon kang ubo
at sipon. Ang gamot
na
nakakapagpagaling
sa iyo ay
nagkakahalaga dati
ng php10 bawat
isang piraso at bumili
ka ng 10 piraso.
Ngayon ang presyo
ay php15 bawat
piraso. Bumili ka na
lamang ng 8 piraso.
2. sa halagang php30
ay nakabili ka ng 2
bareta ng
nakaugaliang brand
ng sabon. Nang
bumaba ang presyo
nito sa php25, nakabili
ka ng 5 bareta ng
sabon.

(matapos sagutan ng mga mag-aaral ay


agad itong iwawasto.)

C. PAGLALAHAT.

Sa papaanong paraan nakatulong sa Nalaman po namin kung papaanong


inyo ang inyong sinagutan? Andy. nakakaapekto ang pagtaas ng presyo sa
demand ng tao.
Magaling!

Nakatulong ba ito sa inyo upang Opo sir. Natutunan po namin na


matalinong makapagdesisyon sa pagpili kinakailangang magkaroon ng tamang
ng produkto sa pang araw-araw? pag-iisip sa pagpili ng mga produktong
aming bibilhin.
Tumpak !

Malaki ba ang epekto ng pagtaas ng May pagkakataon pong Malaki ang


presyo ng produkto sa pagkonsumo o epekto ng pagtaas ng presyo ng produkto
demand? Bakit? sa demand lalo na po kung ang produkto
ay may substitute, sa kabilang banda,
may pagkakataon naman pong hindi
sensitibo ang mga konsyumer sa presyo
lalo na kung ito’y pangunahing
pangangailangan.
Napakahusay!

Muli, ano ang kahulugan ng price Ito po ang paraan na ginagamit upang
elasticity of demand? Bela . masukat ang pagtugon at kung gaano
kalaki ang magiging pagtugon ng quantity
demanded ng tao sa isang produkto sa
tuwing may pagbabago ang presyo nito.

Tama.

Magbigay ka ng isa sa limang uri ng Ang isa pong uri nito ay ang Elastic.
elasticity, Maxine .

Okay. Ano pa, Anne.


Inelastic po.
Tama. Ano pa, Ryan.
Ang Unitary o Unit Elastic po sir.
Sino pa ang nais sumagot, ikaw
Harry.
Ang isa po ay ang Perfectly Elastic.
Good. At ang huli, maaari mo bang
ibigay, Claire.

Magaling. Ang huli po ay ang Perfetly Inelastic.

Batid kong lubos nyo na ngang


naunawaan ang ating aralin.

D. PAGLALAPAT.

Bilang gawain natin sa araw na ito ay


hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.

Pumunta sa harapan ang inyong


itinlagang lider upang kunin ang inyong
gawain.

Bibigyan ng marka ang bawat grupo


base sa rubriks.

Group 1: Gumawa ng isang poster na


nagpapakita ng pamamaraan ng
pagtitipid ng mga produkto at serbisyo
gaya ng tubig, kuryente atbp.
Group 2: Role play. Sa pamamagitan
ng pag-arte, magpakita sa klase ng
isang sitwasyon kung saan nagaganap
relasyon ng presyo sa quantity demand.
Group 3: Gumawa o sumulat ng isang
islogan na nagsasaad ng tama at
matalinong pagpili ng mga produkto at
serbisyong kinakailangan sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
E.Pagtataya.

I. Panuto: Isulat ang salitang TUMPAK kung ang pahayag ay tama. Isulat naman
salitang MALI kung ang pahayag ay mali.
1. Ang Perfectly Inelastic demand ay nangangahulugan na anumang pagbabago sa
presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded.
2. Ang halimbawa ng produktong price elastic ay mga produktong maraming malapit na
substitute.
3. Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas Malaki ang naging bahagdan
ng pagtugon ng quantity demand kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
4. Bahagdan ng pagbabago sa %∆P ang tumatayong dependent variable at ang
bahagdan sa pagbabago ng presyo o QD o %∆Qd naman ang independent variable.
5. Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan
ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo.
II. Panuto: Hanapin ang uri ng elasticity at ang coefficient.
1. Tumaas presyo ng paborito mong fishball mula .50 sentabos tungong 1 piso
bawat isa. Sa dati mong binibili na 20 piraso, ngayon ay 10 piraso nalang ang
iyong nabibili.
2. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya ng gamot na insulin,
batay sa takdang dosage na inireseta ng kaniyang doctor. Tumaas ang presyo
nito mula Php500 kada 10ml. vial tungong Php700 bawat 10ml. vial. Walang
magawa si Mang Erning kundi bilhin ang inireseta ng doctor.

F. PAGTATAPOS.
May limang uri ang elastisidad ng
demand at ang lahat ng ito ay malinaw
na nagpapaliwanag ng pagtugon na
nagaganap sa produkto at serbisyo
kaakibat sa pagbabago sa presyo.
Kinakailangang lubos na nauunawaan
ang bawat uri nito upang maging
basehan sa pang araw-araw na
pagdedesisyon at gayundin sa
kanilang pamumuhay. Ang mga ito ay
lubos na makakatulong sa mga mag-
aaral sa kanilang matalino at tuwirang
pagkonsdumo.

IV.Takdang Aralin
1. Magsaliksik ng mga kasalukuyang isyu sa ekonomiya ng Pilipinas na
malinaw na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demand.
2. Pag-aralan ang Supply.pp 138-141.

Inihanda ni:

Michael C. Escleto

You might also like