You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga ay inaasahan na:

a. Nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo.


b. Nakakagawa ng isang campaign poster na nagpapakita ng kamalayan sa pagkonsumo at
pamamahala sa pinansyal na kapasidad.
C. Naisasabuhay ang mga aral na natutunan patungkol sa pagiging matalinong konsyumer.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


Sanggunian:
Kagamitan:
Pagpapahalaga: Pagiging mahusay at matalinong konsyumer

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

- Panalangin
- Pagbati
- Pamamahala ng Silid Aralin
- Pagtatala ng lumiban at hindi lumiban
- Balik Aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


“Maari ba kayong - “Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng konsyumer ng
magbigay ng mga salita mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga kanilang
na may kinalaman sa pangangailangan “
pagkonsumo?’
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
 Pangkatin ang klase sa tatlong grupo at gagawin ang mga sumusunod na
aktibi:

Bawat pangkat ay bibigyan ng isang sitwasyon na maaring mangyari sa inyo


kung saan kinakailangan niyong magdesisyon kung ano ang dapat bilhin

1. Ang sitwasyon sa unang pangkat ay: Kaarawan mo sa susunod na araw mayroon


kayong limang libo na inyong badyet sa kaarawan, anu-ano ang mga iyong bibilhin?
2. Sa pangalawang pangkat ay: Pasukan na sa susunod na araw, binigyan kayo ng
inyong magulang ng walong daan pambili ng iyong mga kagamitan sa pag-aaral,
anu-ano ang inyong bibilhin?
3. At sa panghuling pangkat: Nagkaroon ng lockdown dahil sa pandemya kailangan
niyong bumili ng inyong makakain at iba pang gamit, mayroon kayong naipon na
halagang tatlong libo. Anu-ano ang inyong bibilhin?

Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 17 -20
4 Lubhang Kasiya – siya 13 – 16
3 Kasiya – siya 10 – 12
2 Hindi gaanong kasiya – siya 7–9
1 Dapat pang linangin 4–6

You might also like