You are on page 1of 10

SOUTHERN CHRISTIAN COLLEGE

United Church of Christ in the Philippines


College of Teacher Education
Midsayap, Cotabato
______________________________________________________________________
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Ikasampung Baitang – Seksyong Onyx, Opal at Pearl
Ika-06 ng Marso, 2023

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. natutukoy ang mga pangyayari na nagaganap sa buhay ni Nelson Mandela;
b. naitatala ang mga kabutihang ginawa sa kapwa; at
c. nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, motibo ng awtor,
at paraan ng pagsulat.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig sa Filipino 10
Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, Television, at Powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating (Tumayo ang lahat ng mga mag-aaral)
panalangin.

(panalangin na pangunahan ng isang (katahimikan para sa panalangin)


mag-aaral)

2. Pagbati
Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga po, ikinagagalak po
namin kayong makita.

Magsi-upo na ang lahat. Salamat po.

Kamusta ang araw ninyong lahat? Mabuti naman po!


Handa naba ang lahat na makinig sa Handa na po!
ating talakayan ngayong araw?

3. Pagtala ng Lumiban
May lumiban ba sa klase? Wala po ma’am.
Sa mga lumiban ngayon ay ililista ng
sekretarya at ibigay ito sa akin
pagkatapos ng klase.

B. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral muna tayo bago tayo
dadako sa bagong paksa.
Tungkol saan ang ating tinalakay noong Tungkol sa anekdota ni Saadi “Ang
nakaraang pagkikita? Mongheng Mohametano”.

Ano ang anekdota klas? Ito ay maikling akda na tumatalakay sa


makatotohanang pangyayari sa buhay ng
isang tao.
Magaling! Iyan ay nakabatay sa kawili-wili
at kakatuwang pangyayari sa buhay ng
tao.

Saan patungkol ang anekdota ni Saadi? Tungkol sa gampanin ng Sultan at ng mga


mamamayan.
Okay, maraming salamat! Inaasahan ko
na may natutunan kayo sa naging
talakayan natin.

C. Pagganyak
Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga
salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin
ang sagot at isulat ang titik sa linya.
______1. Minamahal 1) E – Taong pinag-uukulan ng
pagmamahal.
______2. Mahalin 2) C - Sinasabi sa Bibliya na dapat
gawin para sa isang kaaway.
______3. Nagmamahal 3) D – Taong nakadarama o
nagbibigay ng pagmamahal.
______4. Nagmamahalan 4) A – Dalawang taong may pag-ibig
sa isa’t isa.
______5. mamahᾀlin 5) B – Isang bagay na mataas ang
presyo o hindi mura.

Ngayon, ano ang napapansin ninyo sa Ang napapansin ko, nag-iiba ang
mga salita? Sino ang kahulugan ng mga salita kapag
makapagpaliwanag? dinagdagan ng panlapi.
Magaling! Kapag ang salitang-ugat ay
dinagdagan ng mga panlapi, nagkaroon
ng panibagong kahulugan.

D. Pagtalakay ng bagong paksa


Ngayon, dumako tayo sa ating
panibagong aralin. Ito ay mga anekdota
sa buhay ni Nelson Mandela. Ngunit bago
ang lahat, kilalanin muna natin kung sino
si Nelson Mandela.

Sino si Nelson Mandela?


Pakibasa, Sheena? Si Nelson Mandela ay isa sa mga
pinakadakila, hinahangaan, iginagalang,
at minamahal na lider sa buong mundo.
Maraming salamat! Sa madaling salita,
siya ay isang politikal lider, pilantropo at
aktibista para sa mga taong itim na naapi
dahil sa kanilang kulay. Siya ang kauna-
unahang presidente ng South Africa, ang
bansang pinangalingan niya.

Basahin ang nasa presentasyon, Narlyn? Kinilala siya dahil sa kanyang aktibong
papel sa pagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao sa kanilang
bansang South Africa na noo’y
pinamumunuan ng isang racist.
Mahusay! Kilala si Mandela sa
pagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng
mga tao sa kanilang bansa. Ibig sabihin,
patas at may karapatan ang bawat tao.

Aling bansa nga ulit si Nelson Mandela? Bansa ng South Africa po.

Okay, magaling! Ano nga ba ang ibig Ito ay tumutukoy sa diskriminasyon sa


sabihin ng racist klas? isang pangkat o lahi.

Tumpak! Ang racist ay isang uri ng


pamamalakad ng pamahalaan na kung
saan inuuri ang mga tao batay sa
kanilang kulay. Sa kapanahonan ni
mandela sa bansang Africa, nagkakaroon
ng racist o diskriminasyon sa kanilang
bansa.
Halimbawa
Dito sa loob ng klasrum, hahatiin
ko kayo sa dalawang pangkat.
Unang pangkat ay kinabibilangan
ng mapuputing mag-aaral. Sa
ikalawang pangkat, kinabibilangan
ng kayumangging mag-aaral.
Tama ba ang aking ginawa klas? Hindi.

Bakit hindi? Sapagkat nagkaroon ng diskriminasyon


sa kulay ng mga mag-aaral.
Okay, tama ang iyong kasagutan.
Palakpakan! Ganun rin ang pamamahala
sa bansang South Africa na kung saan
ipinaglaban ito ni mandela.

Basahin ang kasunod Carlo? Siya rin ang pumawi sa apartheid system
na naging balakid para sa mga South
African upang mamuhay ng mapayapa at
maayos, malayo sa diskriminasyon.

Maraming salamat! Ano naman ang ibig Patakaran sa pamamagitan ng


sabihin ng apartheid system? paghihiwalay ng mga puting tao at taong
itim o negro.
Tama! Ito ay isang sistema ng
pamahalaan na kung saan inihiwalay ang
mga tao batay sa kanilang kulay.

Anong diskriminasyon ang naranasan ng Diskriminasyon sa balat po.


mga tao sa bansang Africa? Ang
makakasagot ng tama ay mayroong
karagdagang dalawang puntos sa
pagsusulit bukas.

Okay, napakagaling! Nagkaroon ng


diskriminasyon sa balat o kulay ng mga
tao. Nabibigyan ng kapangyarihan at
pabor ang mga taong may puting balat
kaysa mayroong itim na kulay ng balat.
Tandan, yan ang ibig sabihin ng
apartheid system.

Basahin ang kasunod na presentasyon, Si Nelson ay pinanganak noong July 18,


Jhon Loyd? 1918 sa Transkei, South Africa. Parte siya
ng Tembu tribe bilang anak ng kanilang
lider.
Kailan ipinanganak si Mandela? Noong July 18, 1918 po.
Okay, magaling!

Rolilala ang tunay niyang pangalan mula


ng pagkabata. Nang makapag-aral ay
pinalitan ng pangalang Ingles ng kanyang
guro na “Nelson”.

Basahin ang kasunod na presentasyon, 1942 – nagtapos ng pag-aaral at naging


unang pangkat? isang abogado.

Maraming salamat! Sa panahong ito ay


lumaganap ang matinding diskriminasyon
ng lahing itim sa mga puti. Ang may
kapangyarihan at may karapatan ay ang
mga taong puti.

Isa sa mga halimbawa nito ay bawal


bumuto ang mga maiitim na tao. Wala
silang karapatang pumili ng isang lider,
tanging ang mga mapuputi lamang ang
maaaring bumuto.

Basahin ang kasunod na presentasyon, 1944 – umaanib sa isang Samahan na:


ikalawang pangkat? African National Congress (ANC).

Ano nga ba ang ANC?


Ito ang grupong pulitikal na itinayo ni
Mandela na naglalayong isulong ang
pantay na karapatan ng mga
mamamayan.

1948 – sa pag-igting ng diskriminasyon


ay nagtatag ang gobyerno ng sistemang
“apartheid”.

Sa taong ito ay lalong lumala ang


diskriminasyon sa mga maiitim na tao na
kung saan itinatag ang sistemang
apartheid.

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Ito ay batas na hindi pagsasama ng mga
sistemang apartheid? lahing puti at itim sa iisang lugar ng bansa.
Magaling! Talagang nakikinig kayo sa
ating talakayan.
Basahin ang nasa presentasyon, ikatlong 1956-1962 – kumuha ng suporta si
pangkat? Mandela mula sa taumbayan ng South
Africa para sa mapayapang protesta.
Sa mga panahong ito, nilibot ni Mandela
ang buong South Africa para humingi ng
suporta sa mga mamamayan at para sa
mapayapang protesta. Subalit nagdulot
ito ng hindi maganda. Naparusahan si
Nelson Mandela dulot ng pangunguna sa
kilos protesta at kinulong ito ng limang
taon.

1956-1962 – nagpatuloy ang malupit na


sistema at nang makalaya (1961) ay
bumuo ng “secret military” kasama ang
ANC. Subalit muling dinakip taong 1962.

Pakibasa sabay-sabay! 1963-1990 – pinatawan ng


panghabangbuhay na pagkakakulong at
ipinadala siya sa Robben Island malapit sa
Cape Town. Sa taong 1990 nang
Maraming salamat! Halos umabot na sa mapalaya si Nelson Mandela dahil sa
27 ang lumipas na taon ang inilalagak nya presidente ng South Africa na si F.W. de
sa pihitan at sa panahong ito ay Klerk.
nagkaroon ng mainit na suporta ang anti-
apartheid movement at ang free Nelson
Mandela na umalingawngaw sa buong
mundo.

Napalaya sa kulungan si Mandela sa


tulong ng pinakabagong pangulo ng
bansang South Africa na si F.W. de Klerk.

1993-2013 – si Mandela ay nagtrabaho


sa gobyerno upang maalis ang
sistemang apartheid. At makamit ng
bansa ang pagkakapantay-pantay.

1993 – nagkamit ng Nobel Peace Prize si


Mandela at lahat ng sakripisyo nya ay
kinilala.

1994 – siya ay nagwagi bilang kauna-


unahang presidenteng itim ng South
Africa. Sya ay namuno sa taong 1993
hanggang 1999.
Disyembre 2013 – pumanaw siya sa edad
na 95. Ikinabit ang “Madiba” sa kanyang
pangalan dahil sa pagiging isa sa mga
dakilang tao.

Ngayon, kilalanin natin kung sino-sino


ang nakakita o nakasaksi sa pamumuno
ni Nelson Mandela. Una ay si John Carlin.

Pakibasa sabay-sabay!
John Carlin - Isang kilalang manunulat at
dating naging Independents South Africa
Bureau Chief. Ayon kay John, walang
empleyadong ipinatalsik si Nelson sa
Isa sa mga nakakita sa mabuting gawa ni nagdaang administrasyon.
Mandela ay si John Carlin na kung saan
wala itong ipinatalsik na empleyado.
Lahat sila’y nanatili at mas napamahal at
hinangaan siya kaysa sa ibang nagging
pangula ng South Africa.

Pangalawa ay si Jessie Duarte.


Jessie Duarte – Siya ay naging personal
assistant ni Mandela mula 1990-1994.
Ayon sa kanya, hindi ninanais ni Nelson
na kahit sino man ay sumama ang loob o
masaktan dahil sa kanya.
Pangatlo ay si Matt Damon.
Matt Damon - Isang tanyag na aktor sa
Amerika. Nakikila niya si Nelson dahil sa
South Africa naganap ang shooting ng
pelikulang ginanapan niya na Invictus.
Doon nakita ni Matt at ng kanyang
pamilya ang tunay na kabaitan ni Nelson.

E. Paglalahat

Mandela Day
Panuto: Mag-isip ng plano para sa pitong
araw ng paggawa ng kabutihan sa
kapwa. Itala ang inyong nagawang
kabutihan sa ibaba.

Ang Lingguhang Plano ng Kabutihang Gagawin para sa


Kapwa
Bilang ng Ang Para Komento
araw Kabutihang kay/kina (nagawa,
Gagawin hindi
nagawa,
iba pang
nangyayari)
Unang
araw
Ikalawang
araw
Ikatlong
araw
Ikaapat na
araw
Ikalimang
araw
Ikaanim na
araw
Ikapitong
araw
F. Paglalapat
Panuto: Suriin ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, at motibo ng
awtor. Punan ang mga patlang ng hinihinging impormasyon.

Mga Anekdota sa Buhay ni


Nelson Mandela

Paksa ng mga anekdotang binasa

Ano-ano ang mga katangian ni Ano kaya ang nadama ng


Nelson Mandela ang tauhan at nadama mo
nangingibabaw base sa sa mga pagbasa mo sa mga
anekdotang binasa? anekdota?

Makatawag pansin ba ang Nakatulong ba ang


mga pangyayaring anekdotang ito na lalo
kinasangkutan ng pang makilala ng
pangunahing tauhan? mambabasa si Nelson
Patunayan. Mandela? Bakit?

Ano-ano kaya ang mga motibo ng awtor sa paglalahad ng mga


anekdotang ito?

Base sa iyong mga nabasa, masasabi mo ba kung ano ang isang anekdota at sa
paanong paraan ito maaaring magamit?

Ano-ano ang mga aral ang taglay ng mga anekdotang binasa na magagamit sa pang-araw-araw na
pakikisalamuha sa kapwa?
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin at alamin ang mga pangyayari sa buhay ni Nelson Mandela. Isulat ang
tamang sagot sa isang 1/4.
Mga pagpipilian
29 John Carlin July 18, 1891 Apartheid Rolilala
system
27 Nelson 1942 1956-1962 1944
Mandela
July 18, 1918 ANC Racist Secret military 1961

1. Kailan ipinanganak si Nelson Mandela?


2. ________ ang tunay niyang pangalan mula ng pagkabata. Nang makapag-aral ay
pinalitan ng pangalang Ingles ng kanyang guro na “Nelson”.
3. to ay batas na hindi pagsasama ng mga lahing puti at itim sa iisang lugar ng bansa.
4. Sa panahong ito ay nagkaroon ng mainit na suporta ang anti-apartheid movement
at ang free Nelson Mandela na umalingawngaw sa buong mundo. Ang tanong,
ilang taon ang inilagak ni Nelson Mandela sa pihitan o kulungan bago tuluyang
mapalaya?
5. Siya ay nagwagi bilang kauna-unahang presidenteng itim ng South Africa. Sya ay
namuno sa taong 1993 hanggang 1999.
6. Ayon sa kanya, walang empleyadong ipinatalsik si Nelson sa nagdaang
administrasyon.
7. Sa anong taon nagtapos ng pag-aaral at naging isang abogado si Nelson
Mandela?
8. Kumuha ng suporta si Mandela mula sa taumbayan ng South Africa para sa
mapayapang protesta. Anong taong ito nangyayari?
9. Ito ang grupong pulitikal na itinayo ni Mandela na naglalayong isulong ang pantay
na karapatan ng mga mamamayan.
10. Isa sa mga pinakadakila, hinahangaan, iginagalang, at minamahal na lider sa
buong mundo.
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay gamit ang isang katanungan sa ibaba. Isulat ito sa
isang malinis na papel.
1. Bilang isang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan, at katarungan?

Inihanda ni:
ROSALINDA D. CANTOMAYOR
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
ROSHIER JOY B. MANUYOG
Guro sa Filipino 8 & 10

You might also like