You are on page 1of 11

Southern Christian College

United Church of Christ in the Philippines


Midsayap, Cotabato

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKA-SIYAM NA BAITANG

Konsepto: Ang alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman


upang lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan.

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● Nasusuri ang konsepto ng alokasyon sa pang-araw-araw na buhay.
● Nabibigyang halaga ang wastong paggamit ng pinagkukunang yaman sa pamamagitan
ng pagsulat ng maikling repleksyon.

II. Nilalaman
A. Paksa: Ang Alokasyon
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 9 Ekonomiks
C. Materyales: PowerPoint

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain
● Panalangin

“Tumayo ang lahat para sa ating (Pipili ng isang mag-aaral na mamumuno sa


panalangin.” panalangin)

● Pagbati

“Magandang umaga sa lahat” “Magandang umaga po, Sir.”

“Maupo ang lahat” (Uupo ang lahat ng mag-aaral)

● Pagpapakilala

“Ako nga pala si Jonner C. Oroc.


Isang 4th year college student ng
College of Teacher Education. Ako
ang magiging guro ninyo para sa
talakayang magaganap."
● Pagbigay ng tuntunin sa klase
“Bago magsimula ang ating
pagtatalakay nais ko na isaayos niyo
muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga nagkalat na papel.
Hinihikayat ko ang lahat na makilahok
at makinig ng mabuti para maging
produktibo at matiwasay ang ating
talakayan.”
"Naintindihan niyo ba?" "Opo, Sir."
"Magbigay ng thumbs up kung
naintindihan."

A. Balik aral

“Para sa pagbabalik-aral, sino ang


nakaalala sa nakaraang aralin ninyo?
Maari bang ibahagi ito sa klase.”

(Tatawag ang guro ng isang mag- "Ang nakaraang aralin natin ay tungkol sa
aaral upang ibahagi ang nakaraang pangangailangan at kagustuhan ng tao."
aralin)

“Mahusay!”

"May ipapakita akong mga larawan at


suriin ninyo kung ito ba ay halimbawa
ng pangangailangan o kagustuhan."

Panuto: Suriin ang bawat larawan


kung ito ay halimbawa ng
pangangailangan o kagustuhan.

1. Pangangailangan o Kagustuhan?

"Pangangailangan, Sir."

2. Pangangailangan o Kagustuhan?

"Kagustuhan, Sir."
3. Pangangailangan o Kagustuhan?

"Pangangailangan, Sir."

4. Pangangailangan o Kagustuhan?

"Kagustuhan, Sir."

5. Pangangailangan o Kagustuhan?

"Pangangailangan, Sir."

"Magaling. Tama ang mga sagot


niyo."

"Ano nga ulit ang ibig sabihin ng


pangangailangan?" “Sir, mga bagay na kailangan natin para
mabuhay.”
"Okay, magaling"

“Ano naman ang kagustuhan?” “Mga bagay na gusto at hindi kailangan para
mabuhay.”
“Magaling”

"Ang pangangailangan ay mga bagay


na kailangan natin para mabuhay
tulad ng tubig, damit, pagkain at
tirahan. Ang kagustuhan naman ay
mga bagay o luho na gusto natin pero
hindi kailangan para mabuhay tulad
ng mga gadgets."

B. Paunang Pagtataya

"Bago natin pormal na simulan ang


aralin, magkakaroon muna tayo ng
paunang pagtataya."
"Kumuha ng ¼ na papel para sagutan
ang susunod na mga katanungan.
Mayroon lamang kayong limang
minuto para sagutin ito."

Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ng (Kukuha ng kapirasong papel ang mga mag-
mabuti ang bawat bilang at isulat ang aaral at magsisimulang sumagot.)
titik ng tamang sagot.
1. Saan nagmumula ang mga
produktong ibinibenta sa
pamilihan?
A. Tindahan
B. Pabrika
C. Pinagkukunang Yaman
D. Manggagawa
2. Paano mo pangangalagaan
ang mga pinagkukunang
yaman upang hindi agad ito
maubos?
A. Mag-impok ng
maraming pagkain para
palaging handa sa mga
sakuna.
B. Bumili ng mga
makabagong gadget.
C. Gumamit ng mga
mamahaling pesticides.
D. Maging masinop sa
paggamit ng mga likas
na yaman.
3. Ano ang nagpapahiwatig sa
matalinong paggamit ng mga
likas na yaman?
A. Pagtitipid
B. Alokasyon
C. Konserbasyon
D. Depresasyon
4. Bakit nagbabago ang presyo
ng isang produkto?
A. Dahil ito ay
nakadepende sa dami
ng supply ng isang
produkto.
B. Dahil marami ang
nagbebenta sa
pamilihan.
C. Dahil kulang ang
pinagkukunang yaman.
D. Dahil hindi maunlad
ang ekonomiya ng
bansa.
5. Alin sa mga sumusunod ang
hindi halimbawa ng
pamumuhunan?
A. Pagbili ng de-kalidad
na binhi
B. Paggasto ng inipon na
pera
C. Pagbili ng mga bagong
makinarya
D. Pagsimula ng negosyo
6. Ang mga sumusunod ay
dahilan kung bakit
nagkakaubusan ang mga
bilihin sa mga pamilihan
maliban sa?
A. Dahil kulang ang
supply ng produkto.
B. Dahil nagpapa-panic
buying ang mga tao.
C. Dahil mataas ang
demand.
D. Dahil mahal ang presyo
ng bilihin.
7. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang hindi halimbawa
ng alokasyon?
A. Paghahati-hati ng
supply ng mais para sa
mga barangay sa
Bukidnon.
B. Pamamahagi ng relief
goods sa mga
nasalanta ng Bagyong
Yolanda sa Tacloban.
C. Pagpa-panic buying
tuwing may sakuna.
D. Paglaan ng pundo para
sa BUILD, BUILD,
BUILD CAMPAIGN ng
dating Presidente
Rodrigo Duterte.
8. Ano ang tumutukoy sa
mekanismo ng pamamahagi
ng mga pinagkukunang
yaman?
A. Pangangailangan
B. Kakapusan
C. Alokasyon
D. Kagustuhan
9. Ang mga sumusunod ay ang
paraan ng paggamit ng mga
pinagkukunang yaman
maliban sa?
A. Paglikha ng mga
produkto
B. Epektibo, maayos, at
matalinong paggamit
C. Pamumuhunan
D. Paggamit ng
makabagong
teknolohiya
10. Alin sa mga salita ang hindi
nagpapahiwatig ng alokasyon?
A. Paghahati
B. Paglalaan
C. Pamamahagi
D. Pag-iimbak

(Pagkatapos ng limang minuto ay


ipapasa ang mga papel sa harap.)

"Ipasa ang papel sa harap."

C. Pagganyak
"Ngayon, dumako na tayo sa ating
bagong aralin."

“Tingnan ng mabuti ang mga larawan


at pag-aralan ito. Sagutin ang mga
susunod na katanungan at ibahagi
ang sagot sa klase.”

Panuto: Suriin ang mga larawan at


sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.

(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral


na sasagot sa mga tanong.)

Mga Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa bawat Mga inaasahang sagot:
larawan? 1. Sa unang larawan, naubusan na ng stock
2. Bakit nagkakaubusan ang mga ng face mask. Sa pangalawang larawan,
bilihin sa mga pamilihan? kakaunti na lang ang alcohol na binebenta.
3.Bakit magkaiba ang presyo ng Sa pangatlong larawan, may mataas na
bawat bilihin? presyo ng bigas at mayroon ding mura.
2. Dahil nagpa-panic buying ang mga tao.
3. Kasi magkaiba ang uri ng produkto. Kulang
ang supply. Mabagal ang produksyon.
Nakadepende rin sa dami ng produkto na
nakalaan. Magkaiba ang brand ng bawat
produkto. Magkaiba ang gamit ng ibang
produkto.
"Magaling. Nakapagbahagi sila ng
magandang sagot."

"Para maiwasan ang mga problemang


ipinakita sa mga larawan, kailangan
natin maging masinop sa paggamit ng
mga produkto at serbisyo. Ang mga
ito ay kailangan na maipamahagi ng
maayos sa mga tao upang ang lahat
ay mabigyan ng pagkakataon na
makabili at makagamit ng iba't-ibang
produkto at serbisyo."
(Sasagutin ng guro ang tanong ng mga mag-
"Naintindihan ba? May mga tanong?" aaral.)

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto

"Ang pamamahagi ng mga produkto at


serbisyo ay maiuugnay natin sa
konsepto ng alokasyon. Bago
ipamamahagi ang mga produkto at
serbisyo, dumadaan muna ito sa
produksyon. Bago naman
maisasagawa ang produksyon,
kailangan muna ng mga hilaw na
materyales. Ang mga hilaw na
materyales na kailangan sa
produksyon ay nanggagaling sa ating
mga likas na yaman o tinatawag na
pinagkukunang yaman. Sa kabuuan,
ang alokasyon ay ang pamamahagi
ng mga pinagkukunang yaman sa
iba't-ibang paggagamitan nito. Ito ang
magiging bagong aralin ngayon."
“Para sa susunod na gawain, suriin
ang mga sitwasyon kung ito ay
halimbawa ng alokasyon o hindi.
Tatawag ako ng mga mag-aaral para
basahin at sagutin ang bawat bilang."

Panuto: Basahin at suriin ang mga


pahayag kung ito ay halimbawa ng
alokasyon o hindi. Sabihin ang
salitang ALOKASYON kung ito ay
halimbawa ng alokasyon at HINDI
kung hindi alokasyon.

1. Paghahati-hati ng supply ng mais


para sa mga barangay sa Bukidnon.
2. Pagpa-panic buying tuwing may Susi sa Pagwawasto:
sakuna. 1. ALOKASYON
3. Pamamahagi ng relief goods sa 2. HINDI
mga nasalanta ng Bagyong Yolanda 3. ALOKASYON
sa Tacloban. 4. HINDI
4. Pagbili ng mga mamahaling gadget 5. ALOKASYON
sa Shopee para makasabay sa uso.
5. Paglaan ng pundo para sa BUILD,
BUILD, BUILD CAMPAIGN ng dating
Presidente Rodrigo Duterte.

"Mahusay! May ideya na kayo kung


ano ang alokasyon. Ngayon, may mga
tanong ako batay sa mga sagot niyo
sa gawain."

"Una, anong mga salita ang nagbigay Mga inaasahang sagot:


sa iyo ng pahiwatig na ito ay isang 1. Paghahati-hati, Pamamahagi, at Paglaan.
halimbawa ng alokasyon?"

"Pangalawa. Batay sa mga halimbawa 2. Ang alokasyon ay ang pamamahagi o


at palatandaan ng alokasyon, ano sa paglalaan ng mga produkto at serbisyo.
tingin ninyo ang ibig sabihin nito?"

"Magaling. Tama ang lahat ng inyong


sagot."
(Sasagutin ng guro ang tanong ng mga mag-
"Naintindihan ba? May mga tanong?" aaral.)

E. Paglinang sa Kabihasnan

"Ngayon, dumako na tayo sa susunod


na bahagi ng ating aralin. Ang
alokasyon ng mga pinagkukunang
yaman ay isinasagawa upang
matugunan ang mga suliraning pang-
ekonomiya. May tatlong paraan upang
mapalawak ang paggamit nito. Ito ay
ang (1)epektibo, maayos, at
matalinong paggamit, (2)
pamumuhunan, at (3) paggamit ng
makabagong teknolohiya."

Ipaghambing Mo!
Panuto: Suriin ang bawat problemang
ibinigay at hanapin ang angkop na
solusyon . Isulat ang letra ng tamang
sagot sa papel.

Problema
1. Pagkasira ng mga kagubatan.
2. Mahinang internet sa online class.
3. Maliit na ani sa pagsasaka.
4. Mabagal na paghatid ng mga Susi sa pagwawasto:
produkto. 1. C. Reforestation
5. Pagkaubos ng supply ng face mask at 2. E. Paggamit ng Wireless Fidelity
alcohol. 3. A. De-kalidad na binhi
4. D. Makabagong Transportasyon
Solusyon 5. B. Konserbasyon
A. De-kalidad na binhi
B. Konserbasyon
C. Reforestation
D. Makabagong Transportasyon
E. Paggamit ng Wireless Fidelity

Ipaghambing Mo v2.0! Susi sa pagwawasto:


Panuto: Suriin kung anong paraan ng 1. Pamumuhunan
paggamit ng pinagkukunang yaman 2. EMMP
ang mga ibinigay na solusyon. Isulat 3. EMMP
kung ito ay epektibo, maayos, at 4. PNMT
matalinong paggamit (EMMP), 5. PNMT
Pamumuhunan o Paggamit ng
makabagong teknolohiya (PNMT).

1. De-kalidad na binhi
2. Konserbasyon
3. Reforestation
4. Makabagong transportasyon
5. Paggamit Wireless Fidelity

(Pipili ang guro ng mga mag-aaral na


magbahagi ng kanilang sagot.)
“Magaling. Palakpakan natin sila.”

“Bilang isang mag-aaral, bakit “Mahalagang palawakin ang paggamit ng


mahalagang palawakin ang paggamit pinagkukunang yaman natin upang mas
ng pinagkukunang yaman natin?" maraming produkto ang magagawa. Kapag
maraming produkto sa pamilihan, mas
(Pipili ang guro ng isang mag-aaral na maraming mabibili ang mga tao. Hindi
sasagot.) magpa-panic buying dahil kulang ang supply.”

“Magaling”

F. Ebalwasyon
"Nalaman na natin kung ano ang
konsepto ng alokasyon. Ngayon
sagutin natin ang susunod na gawain.
Basahin ang tanong at gumawa ng
isang maikling repleksyon. Gamitin
ang tanong bilang gamay sa
pagsagot."

“Mayroon lamang kayong sampung


minuto para sagutin ang gawain.”

Panuto: Basahin at unawain ang


tanong at ipaliwanag ang sagot sa Mga inaasahang sagot:
loob ng limang minuto. Isulat sa isang 1. Huwag abusuhin ang mga likas na
malinis na ½ crosswise at ipasa yaman. Mag-impok at maging matipid
pagkatapos. sa lahat ng bagay maging ito man ay
pera o pagkain. Humanap ng mga
Paano mo mabibigyang halaga ang paraan kung paano
mga pinagkukunang yaman upang mapangangalagaan ang kalikasan
hindi agad ito maubos lalo na tulad ng paglinis sa kapaligiran o
ngayong pandemya? pagrecyle para hindi madaling masira
ang kalikasan.
Rubrik sa paggawa ng repleksyon
Mga 5 3 2
Kraytery
a

Organisa Mahusay Hindi Hindi


syon ang masyado maayos
paglahad ng ang
ng ideya. maayos organisa
ang sasyon
paglahad ng ideya.
ng ideya.

5 3 2

Paggami Mahusay May Maramin


t ng at kakaunti g
Wikat at walang ng mali kamalian
Gramatik mali sa sa wika, sa
a wika, gramatik baybay,
baybay, a, at at
at baybay gramatik
gramatik a.
a.

Inihanda ni: Jonner C. Oroc Iniwasto ni: Precious Xyza Mae T. Madiam, LPT

You might also like