You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA
ARALING PANLIPUNAN 9
(Paksa: Ang Pamilihan)

Inihanda ni:
Bb. Nica L. Ferrer
Gurong Nagsasanay
BSE Social Studies 3B

Inihanda para kay:


G. Jerome S. Cuario
Gurong Tagapagsanay
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang kahulugan at iba't ibang estraktura ng pamilihan;
b. mauunawaan ang konsepto ng kompetisyon at ang halaga nito sa
ekonomiya; at
c. makapagtatanghal ng isang pag-uulat patungkol sa kahulugan ng mga
uri ng di-ganap na kompetisyon.

II. Paksang Aralin


Paksa : Ang Pamilihan
Sanggunian : Alvarez, L.A. (2012) Ekonomiks- Araling Panlipunan 10 Pahina
198-212, Studio Graphics, corp. Batayang aklat ng K-12
Kagamitan : Elektronikong kagamitan (PowerPoint) at Libro
Pagpapahalaga : Pang-unawa, Matalinong pagsusuri na may kaugnayan sa pang-
ekonomiyang Gawain.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumiban sa klase
 Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Mga Gawaing Pag-unlad

A. Balik Aral
Tayo ay magbalik aral sa nakaraang talakayan
patungkol sa interaksiyong ng Supply at
Demand. Muli, ano ang demand? Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produkto o paglilingkod na gusto at kayang
bilhin ng isang konsyumer sa isang
takdang presyo.
Mahusay! Ano naman ang Supply?
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng
produkto o serbisyo na kaya at handang
ipagbili sa mga mamimili o prodyuser
gamit ang iba't ibang lebel ng presyo, sa
loob ng isang takdang panahon.
Magaling! Kung ating matatandaan, ang demand
ay ang rate ng mga tao na gustong bumili ng
produkto habang ang supply ay ang rate gaano
kadami ang produkto. At paano nagkakaroon ng
interaksyon ang dalawang ito?
Ang interaksyon sa dalawang ito ay dapat
magkasing tulad ang supply at demand
para walang lugi at walang sobra upang
magkaroon ng ekwilibriyo o ang pantay na
demand at supply.
B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin magkakaroon
muna tayo ng balik aral sa pamamagitan ng pag
papahula ko sa inyo ng mga letra.
Handa na po kami!

Unahang mag taas ng kamay at makasagot.


Handa na ba kayo?
Hahanapin Ninyo ang mga letra na pupuno sa
salita na nasa guhit.

HULA LETRA: PAMILIHAN


1. Ito ay kadalasang tumutukoy sa mga
paraan ng palitan sa pagitan ng isang
mamimili at mangangalakal.
P_ _ _ _ _ H _ N
OLIGOPOLYO
MAGALING!
2. Isang uri ng pamilihang pinatatakbo ng
ilang malalaking negosyo.
_L_____L_O

MAHUSAY!
3. Sa ganitong uri ng pamilihan ay may MONOPOLYO
iisang uri ng negosyong kumokontrol
dito at gumagawa ng iisang uri ng
produkto.
M___P___O MONOPSONYO
TAMA!
4. Ito ay isang Sistema ng pamilihan kung
saan kakaunti lamang ang mga
mamimili.
M___P_O_Y_
OLIGOPSONYO
NAPAKAHUSAY!
5. Sistema ng pamilihan kung saan may
kakaunting mamimili, habang
maraming negosyo ang nabebenta ng
iisang uri ng produkto.
O__G__S__Y_
TUMPAK!
“Opo Bb. Ferrer. Tungkol po ito sa
C. Paglalahad
Pamilihan”
Salamat sa inyong partisipasyon!sa aking
ibinigay na aktibidad mayroon na ba kayong
ideya sa ating tatalayin sa araw na ito at tungkol “Opo, Bb. Ferrer”
saan?

Magaling sa ngayon ay dadako na tayo sa ating


talakayan. Handa na ba kayong makinig?

D. Pagtatalakay
Sa inyong palagay, ano ang pinapakita ng
larawang ito?
Sa aking obserbasyon, masasabi ko po na
ito ay isang Pamilihan.

Ang PAMILIHAN ay mahalagang bahagi


ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito
ang nagsisilbing lugar kung saan
nakakamit ng isang konsyumer ang sagot
sa marami niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mga
Tama! Ano naman ang kahulugan ng produkto at serbisyong handa at kaya
Pamilihan? niyang ikonsumo.

Magaling! Sa katunayan, maraming


magkakaibang kahulugan ang salitang
pamilihan. Ito ay kadalasang tumutukoy sa mga
paraan ng palitan sa pagitan ng isang mamimili
at mangangalakal o negosyante. Ito rin ay
sumasaklaw sa ugnayan ng dalawa o higit pang
mga tao sa palitan ng mga produkto o serbisyo.

May iba’t ibang katangian na mayroon ang isang


pamilihan. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

 Ito ay mga Sistema ng palitan sa pagitan


ng isa o higit pang tao.
 Ito ay nagtatalaga ng isang proseso ng
palitan ng produkto o serbisyo.
Ako po ay may ideya. Ito ang
 Ito ay nagsasaayos ng alokasyon ng mga
pagtutunggalian ng isa o higit pang tao
produkto o serbisyo sa isang lipunan.
para sa kita mula sa pagbebenta o pamimili
 Nagkakaiba ang bawat pamilihan batay
ng mga produkto.
sa mga ibinebenta nito.
 Nakatutulong ito sa pagpapabilis sa daloy
ng kalakalan sa pagitan ng maraming tao.

Konsepto ng Kompetisyon
Nakabatay ang pagbuo ng isang pamilihan mula
sa kompetisyon. Paano natin matutukoy na
mayroong kopetisyon rito?
Napakahusay! Tama ang kanyang na-obserba
dahil nagkakaroon ng kompetisyon dahil
mayroong sitwasyon na maraming negosyante
ang nagtatayo ng kanilang negosyo kahit ito ay
parehong produkto sa iba para lamang kumite
katulad nila. Sa katunayan mayroong ibat-ibang
uri ng pamilihan.

Ganap ng kompetisyon (Perfect Competition)


Ang isang ganap ng kompetisyon ay isang
estado ng kompetisyon kung saan namumuno o
kumokontrol sa kalakalan ang anumang
negosyo. Ito ay isang pamilihang Malaya mula
sa anumang kontrol ng negosyo o mamimili.
 Mga katangian
 Maraming mamimili at negosyo.
 Kakaunti o walang pagkakaiba sa
mga binebentang produkto.
 May matatag na proseso ng
produksiyon na patuloy ang
paggawa at walang anumang
balakid dito.
 Nakakamit ang mga negosyo ang
buo at malaking kita mula rito.
 Estraktura
Ang estraktura nito ay iisa at patuloy na
nagbabago dahil sa ilalaim ng sistemang
ito, walang pahintulot mula sa iisang
kapangyarihan na baguhin ang takbo ng
kalakalan.
Di-Ganap na kompetisyon (Imperfect
Competition)
Ang Sistema ng di-ganap na kompetisyon ay
isang estado ng kompetisyon na mayroon iilang
negosyong namumuno sa kalakalan. Ito ay isang
pamilihang may kaunti o walang kalayaan sa
kalakalan at kadalasan ay pinamumunuan ng isa
o maraming uri ng negosyo.

Ngayon, dumako naman tayo sa mga uri ng di-


ganap na kompetisyon.

1. Monopolistikong Kompetisyon
Sa ilalim ng pamilihang may
monopolistikong kompetisyon ang mga
produkto dito ay may kaunting
pagkakaiba.
 Mga katangian
 Maraming negosyo at mamimili na Sa ilalim nito ay nagbabago ang estraktura ng
may kaunting kontrol sa kalakalan. pamilihan ayon sa dikta ng ilalim negosyo.
 May pagkakaiba sa mga produktong Kabilang rito ay toothpaste dahil mayroong
ginagawa batay sa pisikal na anyo at pagkakaiba sa pangalan o anyo ngunit iisa
gamit ng mga tao. lamang ang gamit nito.
 Nakakamit ng isang negosyo ang
hindi buo at malaki-laking kita.
Isa sa halimbawa nito ay ang nasa larawan.
Batay sa aking nabanggit na kahulugan at
katangian ng Monopolistikong Kompetisyon,
paano napabilang ang nasa larawan?

2. Oligopolyo
Ang oligopolyo ay isang uri ng
pamilihang pinapatakbo ng ilang
malalaking negosyo kumokontrol sa
kabuuan kalakalan sa loob ng pamilihan.
 Mga katangian
 Ang mga produkto na ipinagbibili ay
maaaring magkakatulad o
magkakaiba sa anyo tulad ng mga de- Ang isang oligopolyo ay may mga negosyong
lata. nagtatakda ng iisang presyo para sa kanilang
mga produkto sa pamilihan. Ito ay karaniwang
 Nakapagtatakda ng presyo sa bumubuo sa mga samahang tinatawag na cartel
maraming produkto sa pamilihan ang na siyang nagbebenta ng iisang produkto kaya
mga malalaking negosyo. napabilang ang gas stations dahil nagtatakda
 Maaaring kumita sa loob ng matagal sila ng di nagkakalayong presyo sa produkto.
na panahon ang mga negosyong
kumokontrol sa mga pamilihan.

Isa sa halimbawa nito ay ang nasa larawan.


Batay sa aking nabanggit na kahulugan at
katangian ng Oligopolyo, paano napabilang ang
nasa larawan?

3. Monopolyo
Sa ganitong uri ng pamilihan ay may
iisang uri ng negosyong kumokontrol
dito at gumagawa ng iisang uri ng
produkto at mga kaugnay na produkto
nito.
 Mga katangian
 Iisa lamang ang nagbebenta ng
produkto na siyang kumokontrol sa
presyo nito sa mga pamilihan.
 Hindi na kailangang isaalang-alang Ang estraktura na pamilihan nito ay nakaayon
ang pagkakaiba ng produkto sapagkat sa kagustuhan ng isang negosyo. Hawak din
iisa lamang ang nagtitinda. nito ang lahat ng proseso ng produksiyon sa
 Hindi maaaring makilahok sa pamilihan, Isa na rito ang meralco dahil ito ay
pamilihan ang iba pang negosyo dahil pangunahing source ng kuryente sa maynila
ang pamunuan ng pamilihan ay kung kaya,t iisa lamang ang nagtitinda.
nagmula mismo sa nesgosyong
kumokontrol nito.

Isa sa halimbawa nito ay ang nasa larawan.


Batay sa aking nabanggit na kahulugan at
katangian ng Monopolyo, paano napabilang ang

nasa larawan?

4. Monopsonyo
Ang isang monopsonyo naman ay
Sistema ng pamilihan kung saan kakaunti
lamang ang mga mamimili, ngunit may
iisang negosyong nagbebenta ng iisa
naming uri ng produkto.
 Mga katangian
 Iisang uri ng mamimili ang
nakikilahok sa ilalim ng
pamilihang ito at kadalasan ay
nasa mga malalaking sector sa
pribado at pampublikong larangan Malalaki ang mga negosyong kabilang sa mga
monopsonyo dahil kadalasan sila ay may
ang kumokontra dito.
iisang uri ng mamimili. Isa na rito ang mga
 Walang alternatibong produkto manggagawa ng gobyerno tulad ng pulis at
ang ibinubunga ng mga sundalo.
negosyong kabilang dito dahil
espesyalisado lamang ang
ginagawang produkto dito.

Isa sa halimbawa nito ay ang nasa larawan.


Batay sa aking nabanggit na kahulugan at
katangian ng Monopsonyo, paano napabilang
ang nasa larawan?

Ito ay kadalasang tumutukoy sa mga paraan ng


palitan sa pagitan ng isang mamimili at
mangangalakal o negosyante. Ito rin ay
sumasaklaw sa ugnayan ng dalawa o higit pang
mga tao sa palitan ng mga produkto o serbisyo

E. Paglalahat Kapag sinabing ganap na kompetisyon


Sa ating aralin, natalakay natin ang patungkol sa tumutukoy ito sa isang pamilihan na may
Pamilihan at ang iba’t ibang estraktura nito. sistema na walang negosyante ang mga
Ngayon naman ay nais kong malaman kung ano kakayahang pangkabuoan na makontrol ang
isang produkto. Sa kabilang banda naman, ang
muli ang kahulugan ng Pamilihan. Sino ang nais
di ganap na kompetisyon ay tumutukoy naman
sumagot? sa pagkawala ng kompetisyon na maaaring
manggaling sa ibang negosyante.

Tumpak! At ngayon na mayroon na kayong


kaalaman patungkol sa kung ano nga ba ang
kahulugan ng pamilihan. Ano naman ang Monopolistikong Kompetisyon, Oligopolyo,
pinagkaiba ng ganap at di-ganap na Monopolyo at Monopsonyo po Bb. Ferrer.
kompetisyon?

Napakahusay! Tunay ngang inyong naunawaan


ang pagkakaiba ng ganap na kompetisyon sa di-
ganap na kompetisyon.

Ngayon naman anu-ano ang mga uri ng


pamilihang may di-ganap na kompetisyon?

Napakagaling naman ng iyong kasagutan tunay


na inyong naunawaan ang mga uri ng di-ganap
na kompetisyon. Maraming salamat sa inyong
pagsagot!

Batid kong naunawaan ninyo ang ating natalakay


sa araw na ito maaari bang mag “Heart
Reaction”! kung talagang inyong lubos na
naunawaan. Maraming salamat!

F. Paglalapat
Hahatiin ko gng klase sa limang (5) grupo. Ang
bawat miyembro ng grupo ay maglalahad ng
kanilang natutunan patungkol sa talakayan
patungkol sa di-ganap na kompetisyon at
inaasahang magbibigay ng larawan bilang
halimbawa nito na may kasamang
pagpapaliwanag kung bakit nabibilang ang
produkto o serbisyong ito dito. Magtatalaga ng
isang kinatawan ang bawat grupo upang pumili
ng numero mula sa isa hanggang lima na may INAASAHANG MAG-UULAT
ispesipikong uri na i-uulat. SA KLASE

Bilang 1- monopolistikong kompetisyon


Bilang 2- oligopolyo
Bilang 3- monopoly
Bilang 4- oligopsonyo
Bilang 5- monopsonyo

At ang bawat grupo ay bibigyan ng sampung


minuto upang ilahad ang kanilang natutunan at
paliwanag sa napiling halimbawa ng nabunot na
uri ng di-ganap na kompetisyon.

Krayterya:
Nilalaman- 10 puntos
Ogranisasyon ng mga ideya – 5 puntos
Pamamahala sa oras – 5 puntos
Kabuaang puntos- 20 puntos

IV. Pagtataya
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang sagot bago ang numero.

___________1. Pamilihan kung saan dinidiktahan ng ilang negosyo ang estruktura ng pamilihan
at may kakaunting uri ng produkto
____________2. Pamilihan kung saan may mga negosyong nagtatakda ng iisang presyo para
kanilang mga produkto sa pamilihan.
____________3. Pamilihan kung saan may iisang uri ng negosyong kumokontrol dito n
nagbebenta ng iisang uri ng produkto.
____________4. Pamilihian kung saan may kaunting mamimili,habang maraming negosyo ang
nagbebenta ng iisang uri ng produkto.
____________5. Pamilihan kung saan kukunti lamang ang mga mamimili, ngunit may iisang
negosyong nagbebenta ng iisa naming uri ng produkto.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Kung
Mali ang pangungusap, isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________6. Ang monopsonyo ay mga negosyong nagtatakda ng iisang presyo para sa


kanilang mga produkto sa pamilihan.
____________7. Ang di-ganap na kompetisyon ang estado na mayroong iilang negosyong
namumuno sa kalakalan.
____________8. Monopolyo ang tawag sa may iisang uri ng negosyong kumokontrol.
____________9. Ito ay karaniwang bumubuo sa mga samahang tinatawag na estruktura.
____________10. Isa sa mga katangian ng ganap na kompetisyon ay ang maraming mamimili at
negosyo.

Tamang sagot!

1. Monopolistikong Kompetisyon
2. Oligopolyo
3. Monopolyo
4. Oligopsonyo
5. Monopsonyo
6. Oligopolyo
7. Tama
8. Tama
9. Cartel
10. Tama

V. Takdang-aralin
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng produkto o serbisyo kaugnay ng mga
estrukturang halimbawa ng pamilihang may di-ganap na kompetisyon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Monopolistikon Oligopolyo Monopolyo Oligopsonyo Monopsonyo


g
kompetisyon
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like