You are on page 1of 8

I.

II.
III.

Layunin: Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) nakagagawa ng ibat ibang paglalarawan ng mga Walong Karapatan ng
Mamimili;
b) nakapagliliwanag sa mga Walong Karapatan ng Mamimili;
c) napapahalagahan ang kaalaman tungkol sa Walong Karapatan ng
Mamimili.
Paksang Aralin: Walong Karapatan ng Mamimili
Sangunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan(Modyul para sa Mag-aaral), pahina 63-64
Kagamitan: Laptop, Projector, Manila Paper
Pamamaraan: 5As

Gawaing Guro
A. Paghahanda

Gawaing Mag-aaral

Magandang Umaga sa inyo.

Magandang umaga rin sir.

Kumusta kayo sa araw na ito klas?

Ok lang po sir

Magaling.
Bago natin simulan ang ating talakayan sa
umagang ito ay magkakaroon muna tayo ng
panalangin.
Jane, pangunahan mo ang ating pagdarasal.

(Magdarasal)

Bago kayo umupo, pulutin niyo muna ang mga


nakakalat na mga basura sa ilalim ng inyong mga
upuan.
Makakaupo na ang lahat.
a. Awareness(Kamalayan)
Pagbabalik-aral
Simulan natin an gating talakayan sa pagbabalikaral klas, sino sa inyo ang makakapagsabi kung
ano ang tinalakay natin noong nagdaang klase?
Rex, ano ang ideya mo?

Ang tinalakay natin noong nagdaang araw ay


tungkol sa ibat ibang sistemang pang-ekonomiya.

Tama.
Ang tinalakay natin ay tungkol sa ibat ibang
sistemang pang-ekonomiya.
Ngayon, sino sa inyo ang makakapagsabi kung
ano ang ibat ibang sistemang pang-ekonomiya?
Jorge?
Magaling. Ang ibat ibang sistemang pangekonomiya ay traditional,market,command at
mixed economy.

Ang mga sistemang pang-ekonomiya ay ang


traditional,market,command at mixed economy.

Sino sa inyo ang makaka-paglarawan sa


traditional economy?
Diana?

Ito ay nakabatay sa kultura, paniniwala at tradisyun


ng isang lugar.

Magaling.
Ano naman ang market economy?
Kahanga-hanga.

Ang market economy ay nagaganap sa mekanismo


ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang
sistema ng malayang pagtatakda ng halaga.

Ano ang command economy?


Jhor?
Tama..

At ang mixed economy naman?


Naintindihan niyo talaga ang ating talakayan noon
nagdaang-araw.

Ang command economy ay ang pagkontrol ay


alinsunod sa planong nauukol sa pagsusulong ng
ekonomiya. Sinasabing ang ganitong sistema ay
taliwas sa sistemang market economy sapagkat sa
huli, ang produksiyon, distribusyon, at pagtatakda
ng halaga ay hinahayaang maresolba ng mga
puwersa sa loob ng pamilihan.

Ito ay kinapapalooban ng kaugnay na katangian ng


dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa
mga gawaing pangkabuhayan na pinapahintulutan
ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa
ilang korporasyon.

b. Pagganyak
Bago natin kilalanin an gating paksang pagaaralan klas, magkakaroon muna tayo ng isang
gawain na tinatawag na Give me a Picture.
Simple lang ang gagawin niyo, una ay ipapangkat
ko muna kayo sa tatlo. Ito ang una,ikalawa ,
ikatlong at ikaapat na pangkat. Ang gagawin niyo
ay bibigyan niyo ng isang paglalarawan ang isang
sitwasyon na ibibigay ko. Kung sino ang grupo na
nakapaglarawan ng malinaw ay mabibigyan ng
puntos. Bibigyan ko lang kayo ng sampung
Segundo upang mag-isip kung ano ang inyong
gagawin sa sitwasyong binigay. Nakakintindihan
ba tayo ?
1. Bigyan niyo ako ng larawan ng isang
mamimili na pumili ng maigi sa isang
tindahan.
2. Bigyan niyo ako ng larawan ng isang
tinderong tinuturoan ang isang
mamimili sa pagpili ng produkto.
3. Bigyan niyo ako ng larawan ng isang
tinderong sinigurado ang kaligtasan
ng mamimili sa paggamit ng kanyang

Opo sir.

produkto.
Ang nanalo sa ating pagligsahan ay ang ikalawang
grupo.
Ngayon klas, ano nga ba ang napapansin niyo sa
sitwasyong binigay ko sa inyo?
Marvin?

Ito ay mga nangyayari sa isang palengke sir.

Magaling. Ito ay mga iksina sa isang pamilihan.


Alam niyo na ang mga iksinang ito ay nagpapakita
ng ibat ibang karapatan ng isang mamimili?
Alam niyo ba kung ano ang mga ibat ibang
karapatan niyo bilang isang mamimili?

Hindi po.
Hindi po.

B. Paglalahad
Kaya samahan niyo ako sa araw na ito
dahil aalamin natin ang Walong
Karapatan ng Mamimili.
a. Paglalahad ng mga Nilalayon
a) nakagagawa ng ibat ibang
paglalarawan ng mga Walong
Karapatan ng Mamimili;
b) nakapagliliwanag sa mga Walong
Karapatan ng Mamimili;
c) Napapahalagahan ang kaalaman
tungkol sa Walong Karapatan ng
Mamimili.
C. Activity(Pangkatang-gawain)
Upang makilala natin ng maigi ang mga karapatan
ng isang mamimili, magkakaroon tayo ng isang
pangkatang-gawain. Ang pagpapangkat ay
kapareho kanena. Naintindihan ba?
Ang gagawin natin ay gagawa tayo ng isang
pelikula. Kung saan kayo ang tagaganap at ako
naman ang inyong director. Ang naiisip kung
pamagat sa ating pelikula ay Train to Palengke.
Bilang isang director, ako ang magbibigay sa inyo
ng ibat ibang iksina patungkol sa ibat ibang
karapatan ng isang mamimili at kayo ang gagawa
at gaganap sa mga sasabihin kung mga iksina. Sa
bawat pagganap niyo, ang bibigyan ko kayo ng
tig-iisang minuto upang pagusapan at ang
pagganap niyo ay may haba lamang ng isang
minuto. Nakakaintindihan ba tayo klas?
1.Gumawa ng iksina na mala-Nora Aunor kung
saan siya ay bumibili ng sapat na pangunahin

Opo sir.

Opo sir.

pangangailangan upang mabuhay.


2. Gumawa ng iksina na mala-Presidente
Rodrigo Roa Duterte na tinitiyak ang kaligtasan
ng mamimili.
3. Gumawa ng iksina na hindi makakatutuhanang
patalastas tungkol sa isang produkto.
4. Gumawa ng iksina na mala-James Reid ang
dating sa pagpili ng dapat bibilhing damit.
5.Gumawa ng iksina kung saan ang mamimili ay
nagbibigay ng ideya sa produktong ginamit na ang
damdamin ay umiiyak.
6. Gumawa ng iksina na nakikipag-usap sa isang
tinder dahil ang kanyang nabiling produkto ay
may depekto o dahil nakakapagbigay ito ng sakit
sa mamimili sa pamamagitan ng pagiging masaya.
7. Gumawa ng iksina na kung saan tinuturuan ng
isang tinder ang isang mamimili na maging
matalinong mamimili na ang emotion ay
nagagalit.
8.Gumawa ng iksina na mala-Aura o Mac-mac
na nagpapakita ng isang malinis na tindihan.

D. Analysis(Pagsusuri)
Base sa mga ginawa natin sa kanena ay titingnan
ko kung may nakuha ba kayong ibat ibang ideya
tungkol sa mga karapatan ng isang mamimili.
Sa parehong pangkatan kanena ay may mga
ipapagawa ako sa inyo klas.
Tingnan niyo ang ilalim ng inyong mga upuan,
may mga nakadikit na mga papel kung saan
naglalaman ito ng mga karapatan ng isang
mamimili. Ang gagawin niyo ay ipaliwanag ito.
Isulat ito sa manila paper na ibibigay ko sa inyo.
At pumili ng isang tao na mag-uulat dito sa harap.
Naintindihan ba klas?
Opo sir.
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Unang Grupo
Karapatan sa mga pangunahing
pangangailangan
Karapatan sa Kaligtasan
Ikalawang Grupo
Karapatan sa Patalastasan
Karapatang Pumili
Ikatlong Grupo
Karapatang Dinggin
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa
Ano mang Kapinsalaan
Ikaapat na Grupo

(Sasagutin ang gawain)

7. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa


pagiging matalinong mamimili
8. Karapatan sa Isang Malinis na
Kapaligiran
E. Abstraction
Bakit kaya itinakda ng Kagawaran ng Kalakalan
at Industriya(Department of Trade and Industry)
ang mga karapatang ito?
Jun?
Magaling.
Nakakatulong kaya ito sa atin o sa mga mamimili
klas?

Itinakda ng DTI ang mga karapatan upang


mapoprotektahan ang mga mamimili sa mga
negosyanteng maabuso.

Rica.
Kahanga-hanga ang sagot mo.
F. Generalization

Nakakatulong ito para maging isang matalino


mamimili ang mga tao at maprotektahan sila sa mga
mapansamantalang tinder.

Ngayon sino sa inyo ang makapagbibigay ng sa


mga karapatan ng mga mamimili. Magbigay ng
dalawa. May?
Magaling!

Halimbawa po nito ay:


1. Karapatan sa mga pangunahing
pangangailangan
2. Karapatan sa Kaligtasan

Ano pa Aris?
Tama!
Sino pa ang makapagbibigay?

Ang iba pang karapatan ay ang:


3. Karapatan sa Patalastasan
4. Karapatang Pumili

Rodger?
Tumpak!

Kabilang nito ay ang :


5. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa
Ano mang Kapinsalaan
6. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa
pagiging matalinong mamimili

Rose, ano ang ideya mo?


Magaling!

At ang iba pang karapatan ng mamimili ay ang:


7. Karapatan sa Isang Malinis na
Kapaligiran
8. Karapatang Dinggin

May mga tanong pa ba kayo klas?

Naintindihan niyo na talaga ang Walong


Karapatan ng Mamimili.

Wala na po kaming katanungan.

G. Integrasyon
Klas, mahalaga ba ang pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa mga karapatan ng isang mamimili?
Bakit kaya ito mahalaga?
Jane.
May ideya ka.
Ano pa?

Mahalaga ang mga karapatan ng isang mamimili


upang mapoprotektahan tayo laban sa mga
maabusong negosyante at malayo tayo sa mga
posibleng masamang mangyayari sa atin.

Lee.
Magaling.
H. Aplikasyon
Gawain 1
May gagawin tayo klas, narinig niyo na ba ang
issue na Tanim-Bala sa airport dito sa Pilipinas?
Dito sa inyong silid-aralan, may nangyari ring
pagtatanim pero ang tinatanim ay mga tanong
kung saan matatagpuan sa inyong mga upuan.
Ngayon tingnan niyo ang mga upuan ninyo kung
kayo ba ay biktima sa modus na ito. Kung kayo ay
isa sa mga biktima, kayo ay sasagot sa katanungan
na inilagay ko sa inyong upuan. Naintindihan ba
klas?
1. Ipaliwanag ang Karapatan sa mga
pangunahing pangangailangan
2. Ipaliwanag ang Karapatan sa
Kaligtasan
3. Ipaliwanag ang Karapatan sa
Patalastasan
4. Ipaliwanag ang Karapatang Pumili
5. Ipaliwanag ang Karapatang Dinggin
6. Ipaliwanag ang Karapatang Bayaran
at Tumbasan sa Ano mang
Kapinsalaan
7. Ipaliwanag ang Karapatan sa
Pagtuturo tungkol sa pagiging
matalinong mamimili
8. Ipaliwanag ang Karapatan sa Isang
Malinis na Kapaligiran

I.

Ebalwasyon

Mahalaga poi to para maging isang matalinong


mamimili sir.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Pumili ng tamang sagot na nakalagay
sa kahon. Isulat lamang ang letra ng sagot sa
unahan ng katanongan.

__1. Isang karapatan ng isang mamimili na


pinoprotekhan sa mga mapanlinlang, madaya at
mapanligaw na patalastas at iba pang hindi wasto
at hindi matapat na gawain.
__2.Ang karapatan kung saan ang isang mamimili
ay may karapatan na magkaroon ng sapat na
pagkain,
pananamit,
masisilungan,
pangangalagang pangkalusugan,edukasyon at
kalinisan upang mabuhay.
__3. Ang karapatang ito ay tumutukoy na dinggin
ang kung ano ang ideya ng isang mamimili
tungkol sa kanilang produkto or serbisyo.
__4. Ang isang mamimili ay dapat binigyan ng
katiyakang ligtas at mapangangailagaan sa ibat
ibang produktong maaring makasama o
mapanganib sa kalusugan ng isang mamimili.
__5. Ito ay tumutukoy sa mga pagkakataon na ang
mamimili ay mapapatapat sa isang tinder o
tinderang may hindi magandang hangarin. Bilang
isang mamimili ay dapat maging handa, alerto at
mapagmasid sa mga maling gawaing lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan.
__6. Anong ahensya ang nagtakda ng Walong
Karapatan ng Mamimili?
__7. Ang karapatang ito ay nagtataglay ng
karapatan sa katalinuhan at kaalaman na
kinakailangan upang makagawa ng hakbanging
makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
__8. Ang karapatang ito ay tungkol sa
pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at maayos
na lugar.
__9. Isang karapatan ng mamimili na makagpili
ng ibat ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya ng isang mamimili.
__10. Ano ang itinakda ng DTI para makatulong
bilang gabay ng isang mamimili sa kanilang mga
transaksyon sa pamilihan?

a. Karapatan sa mga pangunahing


pangangailangan
b. Karapatan sa Patalastasan
c. Karapatang Dinggin
d. Karapatan sa Kaligtasan
e. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa
Pagiging Matalinong Mamimili
f. Karapatang Pumili
g. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa
Pagiging Matalinong Mamimili
h. Karapatan sa Isang Malinis na
Kapaligiran
i. DOH(Department of Health
j. Walong Karapatan ng Mamimili
k. DTI(Department of Trade and Industry)
l. Mga Karapatan ng mga Negosyante

J. Takdang-aralin
Panuto: Sa isang short bondpaper, gumuhit ng
isang paglalarawan tungkol sa Walong Karapatan
ng Mamimili. Pumili lamang ng isa sa mga ito.
Ipasa sa susunod na pagtatagpo.

You might also like