You are on page 1of 2

Paksa: Ang Batas ng Demand at Mga Salik na Nakaaapekto Rito

Timeframe: 60 minuto

Layunin
1. Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.
2. Nasusuri ang mga Salik na Nakaaapekto sa Demand.
3. Matalinong nakapagpapasya sa mga pagtugon sa mga salik na
nakaaapekto sa demand.

Reference: Kayamanan 10,

I. Pagtuklas
Gawain: “Situation Analysis”
Susuriin ng mga mag-aaral ang isang sitwasyong may kaugnayan sa
matalinong pagpapasya.
Ilalahad dito ang kahalagahan ng pagpili ng mga produkto o
serbisyong makatutugon sa pangangailangan o kagustuhan nang may
pagsasaalang-alang sa salik na presyo.

Mga Pamprosesong Tanong

1. Anong sitwasyon ang kinakaharap ng tauhan?


2. Ano-anong bagay ang kailangang isaalang-alang sa pagpili o
pagbili ng mga produkto?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan, bibilhin mo ba ang
nasabing produkto sa mga nabanggit na halaga o presyo?

II. Paglinang
Magtatanong ang guro ukol sa kahulugan ng konsepto ng demand.
Pagkatapos ay lilinawin ng guro ang kahulugan nito sa isang
powerpoint presentation.

Mga Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong mga bagay ang pumapasok sa iyong kaisipan tuwing


nababanggit ang salitang demand?
2. Sa sitwasyong nabanggit, ano ang nakaapekto sa demand para sa
mansanas?
3. Sa anong paraan nakaaapekto ang presyo sa demand para sa isang
produkto o serbisyo?
4. Ano ang Batas ng Demand?
5. Maaari bang mabago ang quantity demanded o ang dami ng demand
para sa isang partikular na produkto o serbisyo kahit hindi nagbabago
ang presyo nito? Pangatwiranan ang sagot.

III. Pagpapalalim
Gawain: “Human Tableau”
Sa pamamaraang “human tableau” ay ipapakita ng mga mag-aaral na
may mga salik, maliban sa presyo, na maaaring makaapekto sa demand
para sa isang produkto o serbisyo.
Papangkatin ng guro ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay
bibigyan ng 10 minuto upang makapag-brainstorm sa kung papaanong ang
ibang salik na hindi presyo ay nakaaapekto sa demand. Ang bawat grupo
ay pipili ng kinatawan na siyang bubunot ng salik na kailangan nilang
i-arte sa loob ng 3 minuto. Ang bawat grupo rin ay pipili ng isang
kinatawan na siyang magpapaliwag sa kung paano nakaapekto ang salik
na nabunot sa demand.

Mga Pamprosesong Tanong


1. Ano-ano ang mga salik, maliban sa presyo, ang nakaaapekto sa
demand?
2. Paano nakaaapekto ang mga salik na ito sa demand para sa
isang produkto?

IV. Gawain sa Pagkatuto


Gawain: Paper and Pencil Test
Demand up o Demand down?
Sasagutin ng mga mag-aaral ang maikling pagsusulit sa loob ng 10
minuto.
Kasunduan:

You might also like