You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
Division of Zamboanga Sibugay
SIAY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


Paaralan DALAMA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 9
Guro RAQUEL D. PEREZ Asignatura Araling Panlipunan 9
Petsa/Oras Jan. 2024 – 3:00-4:00 Markahan Ikalawang Markahan
LINGGO
I. LAYUNIN:
A.Nakapagbibigay ng kahulugan pamilihang may monopsonyo.

B. Nailarawan ang pamilihang may monopsonyo sa pamamagitan ng pagguhit.


C. Napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag -unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay na kritikal nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa
ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

(AP9MYK-Iie-9)

1. NILALAMAN
 Paksa: Pamilihang may Di - Ganap na kompetisyon (MONOPSONYO)

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian
Pahina sa TG:
Pahina sa LM:
Karagdagang Kagamitan LR portal:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Laptop, monitor, Visual Aid
IV. PAMAMARAAN
A. SIKAP :(read aloud)
- “ ”
B. Balik aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:
 -Ano ang ibig sabihin ng MONOPOLYO?
C. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Gawain 1: TUKLASIN NATIN
Suriin kung ano ang nasa larawan gamit ang mga pamprosesong tanong.

M __N__P S__N Y__


CLUE: (fill in the blanks)
1. Ito ay ika labing – lima (15) na letra sa alphabetong Filipino.

D.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:


Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinakita sa larawan?
2. May nagaganap ba na kompetisyon sa pamilihan?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
 Alam mo ba na ang struktura ay porma o pisikal na balangkas ng isang bagay o kadalasang
tinatawag na kabuuan. Kung i-uugnay ito sa pamilihan, ang estruktura ay na-oobserbahan o
nakikitang aspeto ng isang ekonomiya.
 DALAWANG ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
1.Perfectly Competitive Market (PCM) o pamilihang may ganap na kompetisyon

2.Imperfectly Competitive Market (ICM) o pamilihang may di-ganap na kompetisyon.

IMPERFECTLY COMPETITIVE MARKET (ICM) O PAMILIHANG MAY DI-GANAP NA KOMPETISYON


Ang estrukturang ito ay salungat sa ideya ng isang modelong pamilihan. Tinagurian itong di-ganap
na kompetisyon dahil may direktang kontrol at may kapangyarihang manipulahin ng prodyuser ang presyo
ng produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan.
May iba’t-ibang anyo ang bumubuo sa ganitong istruktura:

1. monopoly 2. Monopsonyo 3. oligopolyo 4.monopolistic competition.

MONOPSONYO
o Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
o Isang mamimili lamang ang may lubos na kapangyarihan upang kontrolin ang presyo ng isang
pamilihan.

o Halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan


 ang Pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga organiko
at di-organikong personahe ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the
Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP), mga guro ng Department of Education (DepEd), mga nars sa
Department of Health (DoH), mga Traffic Enforcers ng Metro Manila Development
Authority (MMDA).
o Pampublikong sektor ay estrukturang monopsonyo sa dahilang iisa lang ang kumukuha ng kanilang
serbisyo. Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit bilang
mga empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga
ito.
Ano ang magandang dulot ng monopsonyo?
- Makakasiguro ng dekalidad na produkto at makokontrol ang bilang ng mga guro, sundalo,
atbp.
F. Paglinang sa kabihasaan:
Gawin: Pangkatang Gawain (GRAPHIC ORGANIZER)
Prutas, Karne, Gulay
Panuto: Ano ang MONOPSONYO?

MONOPSONYO
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang magandang dulot ng monopsonyo?
2. Matuturing ba na dekalidad ang produkto ng monopsonyo?
F. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain: Poster Rific

Panuto: Gumawa ng isang pagguhit na nasa anyong poster na nagpapakita ng konsepto ng pamilihan na
may MONOPSONYO at ipaliwanag ang serbisyong ginagampanan nito.

Halimbawa: Pulis, Guro , Sundal at iba pa.


PAMANTAYAN:

Nilalaman -----------------25pts
Tema---------------------------15
Malikhaing pagsusulat-----10pts
Kabuuan 50pts

I.Paglalahat ng Aralin
Tanong:

1. ano ang ibig sabihin ng pamilihang may monopsonyo?


2. Ano ang magandang dulot ng monopsonyo?
Produksiyon?
J. Pagtataya ng Aralin:

Suriin kung saang istraktura ng pamilihan ang mga sumusunod na bahay- kalakal o
produkto.
Panuto: Suriin kung saang istraktura ng pamilihan ang mga sumusunod na bahay- kalakal o produkto.Isulat
ang OLIGOPOLYO o MONOPSONYO

1. PNP (Philippine National Police)


2. DoH (Department of Health)
3. Caltex
4. Shell
5. BFP (Bureau of Fire Protection)

Sagot:
1. MONOPSONYO 2.MONOPSONYO 3.OLIGOPOLYO
4.OLIGOPOLYO 5. MONOPOLYO

K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Inihanda ni:
RAQUEL D. PEREZ
Arpan Teacher

Iniwasto Ni:
ELI G. BAJAO
Arpan Coordinator
Binigyang pansin:
HAIJIN S. SADDAE
School Head

You might also like