You are on page 1of 6

School BERNARDO LIRIO MEMORIAL GRADE LEVEL FIVE

CENTRAL SCHOOL
Teacher RENITA R. LATIDO LEARNING AREA ARALING
PANLIPUNAN
Teaching SEPTEMBER 26, 2018/1:10-2:00 QUARTER 2nd
DAILY LESSON Date/Time
LOG

I.LAYUNIN: Naiisa- isa ang mga patakaran ng sapilitang paggawa


A.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag- unawa sa konteksto ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa
layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa lipunan
B.Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan ng kolonyalismong
Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong populasyon
C.Kasanayan sa Pagkakatuto
Naiisa isa ang mga patakaran sa sapilitang paggawa
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Mga Patakaran ng Sapilitang Paggawa

B. Sanggunian: AP5PKE-IIe-f-6
Araling Panlipunan 5 pp.130-131
Makabayan Kasaysayang Pilipino5, pp93-94

C. Kagamitan: larawan ,tsart, activity card,gra-


phic organizer

D. Pagpapahalaga: KASIPAGAN

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balitaan tungkol sa mga manggagawang Pilipino( OFW )

2. Balik- Aral
“Hulaan Mo”
a.Naipatayo dahil sa pangongolekta ng tributo.
b.Sistemang ipinakilala ng mga kastila sa mga Pilipino upang matustusan ang pangangailangan ng
pamahalaan.
c. Maaring ibayad bilang buwis
3. Pagganyak
Dito ba sa ating lugar ay may kakilala kayo na mga kalalakihang nagtatrabaho kahit na wala pang
18 taon o kaya naman ay mahigit na sa 60 taong gulang? Ano ba ang wastong eded para
maghanapbuhay?

B.Paglinang ng Aralin
1. Gawain 1-a. Magpapanood ng video clip na may kinalaman sa sapilitang paggawa
b. Talakayain ang napanood na video gamit ang sumusunod na tanong.
. Tungkol saan ang napanood ninyong video?

. Kailan pa ito ipinatupad?

. Sino-sino ang pinagagawa sa patakarang ito?


. Ano-ano ang ipinagagawa sa mga polista sa panahong ito?

. Ito ba ay pagpapahirap sa mga unang Pilipino? Paano mo nasabi?

Gawain 2
Babasahinng guro ang talata na may kasamang larawan.

Pangkatang Gawain

PANGKAT 1- (Molave) Saan nagsimula ang sapilitang paggawa? Gamitin ang graphic organizer

PANGKAT 2- (Narra)
Ano ang kahulugan at patakaran ng
sapilitang paggawa? Gumamit ng bubble Map

PANGKAT 3 – (Yakal) Sino-sino ang dapat gumawa ayon sa patakarang swapilitang paggawa? Isasadula
ang kasagutan.

PANGKAT 4-(Apitong) Paano makaliligtas sa sapilitang pagagawa? Igawa ng” rap “ang kasagutan.

Maaaring magdagdag ang guro ng kaalaman o impormasyon pagkatapos makapaglahad ang bawat
pangkat para sa lalong ikatututo ng mga mag-aaral.

2.Pagsusuri/ Analisis

. Saan nagsimula ang sapilitang paggawa? Ipapakita ito sa atin ng pangkat 1.


. Ano ang kahulugan ng sapilitang paggawa ? pangkat 2
. Ano ang tawag sa kalahok sa paggawa?
.Sino-sino ang inaasahang gumawa sa patakarang ito?
. Ano-ano ang mga inaasahang gawain ng mga polista? Panoorin natin ang pagsasadula ng pangkat 3.
. Paano sila makaliligtas sa sapilitang pagagawa? Ipaparinig ito sa atin ng pangkat 4
3.Paghahalaw
Ano ang kahulugan ng sapilitang paggawa?
Ang sapilitang paggawa ay tutmutukoy sa sapilitang pagtatrabaho sa pamahalaan ng mga kalalakihang
Pilipino mula 16 hanggang 60 taong gulang sa loob ng isang lingo ng bawat taon.

3. Aplikasyon

Tumayo nang tuwid kungang pahayag ay tama at manatiling nakaupo kung ito ay mali.
1.Ang sapilitang paggawa ay ikinatuwa ng mga Pilipino.
2.Dapat ng magtrabaho ang isang taong may edad na 16.
3. Nahirapan ang mga kalalakihan Pilipino bunga ng sapilitang paggawa.
4. Tama lamang na piliting makapagtrabaho ang isang matanda mahina na.
5. Hindi makaliligtas sa sapilitang paggawa ang kalalakihang walang pambayad na falla

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Isulat ang hinihinging sagot sa bawat patlang. Isulat ang sagot sa patlang.
______1.Pinaairal nang sapilitan sa mga lalaking may edad na 16 hanggang 60 taong gulang.

______2. Tawag sa mga kalahok sa sapilitang paggawa.


______3.Ibinabayad ng mga maykaya sa halip na magtrabaho.
______4. Edad ng mga kalalakihang Pilipino na sapilitang pinagtatrabaho.
______5. Ano-ano ang kailangang gawin ng mga polista? Magbigay ng isa.

V. TAKDANG ARALIN:
Kung ikaw ay isa sa mga polista noong panahon ng Espanyol, paano mo gagampanan ang iyong tungkulin?
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

VI. MGA TALA:___________________________________________________________________________

VII.
PAGNINILAY:_____________________________________________________________________________
School BERNARDO LIRIO MEMORIAL GRADE LEVEL FIVE
CENTRAL SCHOOL
Teacher RENITA R. LATIDO LEARNING AREA ARALING
PANLIPUNAN
Teaching SEPTEMBER 26, 2018/1:10-2:00 QUARTER 2nd
DAILY LESSON Date/Time
LOG

You might also like