You are on page 1of 42

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 9, YUNIT 7

Ang Demand
TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 3
Aralin 1: Kahulugan ng Demand 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Alamin Natin 6
Pag-aralan Natin 6
Suriin Natin 9
Sagutin Natin 10
Pag-isipan Natin 10
Gawin Natin 10
Aralin 2: Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand 12
Layunin Natin 12
Subukan Natin 13
Alamin Natin 14
Pag-aralan Natin 14
Suriin Natin 21
Sagutin Natin 22
Pag-isipan Natin 22
Gawin Natin 22
Aralin 3: Elastisidad ng Demand 24

1
Layunin Natin 24
Subukan Natin 25
Alamin Natin 26
Pag-aralan Natin 26
Suriin Natin 32
Sagutin Natin 33
Pag-isipan Natin 33
Gawin Natin 33

Karagdagang Kaalaman 35
Pagyamanin Natin 36
Paglalagom 39
Dapat Tandaan 40
Dagdag Sanggunian 41
Sanggunian 44

2
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
BAITANG 9 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 7
Ang Demand

Isa sa mga pangunahing layunin ng ekonomiks ay ang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Maraming pangangailangan ang mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang
pangangailangan ng tao ay walang katapusan. Dito makikita ang kahalagahan ng mga tagagawa ng
produkto o kaya ng mga bahay-kalakal. Ang kakayahang ito ng bahay-kalakal ang tumutugon sa
demand o pangangailangan ng tao.

Sa yunit na ito, ating aalamin ang sagot sa sumusunod na tanong:


• Ano ang demand?
• Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa demand?
• Bakit mahalagang malaman mo kung paano kinakalkula ang elastisidad ng demand?

3
Aralin 1 Kahulugan ng Demand

Sinasabing ang demand ang pwersa na nagpapadaloy sa ekonomiya dahil sa usapin ng walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagtupad sa mga pangangailangan at
kagutuhang ito ang nagtataguyod sa paglago at pagpapalawak ng ekonomiya. Kung walang demand,
walang negosyo ang mag-aabala na magprodyus.

4
Subukan Natin
Hanapin sa kahon at lagyan ng guhit ang mga salitang nasa listahan. Ang ayos ng bawat salita ay
maaaring pahalang, pababa, pahilis, o pabalik.

DEMAND PRODUKTO
SCHEDULE SERBISYO
CURVE PAMILIHAN

G E E C E T I F E R E K K

A R P O R T U R U L E E N

D E M A N D S E P E U U A

I O L F N Y A S O S R P S

N U T R P S S Y R P O R S

E V R U C E S C T E P O A

O R P A M I L I H A N D S

N T R C B I P P S E O U M

I A I R E U R O P E D K E

M E E O P O T A M I A T R

L S C H E D U L E A R O O

5
Pag-aralan Natin
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o
serbiyo na gusto at handang bilhin ng isang mamimili
sa isang takdang presyo. Sa madaling salita, ito ang
iyong kagustuhan na bumili ng isang produkto, batay
sa kung ano ang presyo nito, at kung magkano ang
iyong kayang bilhin.
• –
• –
Malapit ang ugnayan ng demand sa suplay (pag-
• –
aaralan natin ito sa susunod na yunit), kaya naman
bawat negosyo ay gumugugol ng malaking halaga
• –
upang malaman ng tiyak kung gaano kalaki ang
magiging demand para sa produktong kanilang
• –
ipoprodyus. Kung sila ay magkamali sa pagtantya sa
laki ng demand, hindi nila magagamit ang
pagkakataon upang kumita ng mas malaki o kaya
naman ay maaari silang malugi sa negosyo.

Batas ng Demand
Ang kagustuhan ng isang tao na bumili ng isang
produkto ay naapektuhan ng iba’t ibang salik. Ngunit
alam natin na ang presyo ng bilihin ang isa sa
pinakamahalagang konsiderasyon sa pagbili ng
produkto. Ang relasyong ito sa pagitan ng presyo at
demand para sa isang produkto ay binabalangkas ng
Batas ng Demand. Ipinapakita nito ang epekto ng
pagbabago ng presyo ng isang produkto batay sa laki
ng demand para dito.
Halimbawa, kung ang iyong badyet sa isang buwan
para sa bigas ay PhP 1,500, maaari kang bumili ng
isang kaban (50 kilos) kung ang presyo ng bigas ay
PhP 30 lamang per kilo. Kung tumaas ang presyo nito
sa PHP 60 bawat kilo sa susunod na buwan, at ang
iyong badyet ay parehas pa rin, malamang ay bibili ka

6
na lamang ng kalakahating kaban (25 kilos). Kung nais mong bumili ng isang kaban, kailangang
magdagdag ka ng PhP 1,500. Ngunit kung hindi pa naman tumataas ang iyong sweldo, kakailanganin
mong bawasan ang iyong badyet para sa ibang bagay upang pandagdag sa pambili ng bigas.

Sa madaling salita, ang demand para sa


isang produkto at ang
presyo nito ay inversely proportional
o mayroong magkasalungat na ugnayan
sa isa’t isa. Ayon sa Batas ng Demand,
tuwing tumataas ang presyo ng bilihin,
bababa ang demand. Kung bababa
naman ang presyo, tataas ang demand.

Makikita ang pagglalaw ng Batas ng


Demand sa pang-araw araw na
pamumuhay. Halimbawa, dahil sa
sobrang mahal ng sports car at iba pang
produktong pangmarangya, kaunti
lamang ang demand o bumibili nito.

Demand Schedule at Demand Curve


Mayroong paraan ang mga ekonomista upang matukoy ng tiyak kung paano naapektuhan ng presyo
ang demand para sa isang produkto. Dalawa ang pangunahing kasangkapan na kanilang gamit: ang
demand schedule at demand curve.

Ang demand schedule ay talaan na nagpapakita ng dami ng produktong mabibili isang partikular na
presyo. Ipinapakita nito kung paano nagbabago ang demand habang nagbabago ang presyo nito batay
sa Batas ng Demand.
Tingnan ang hypothetical na talaan sa ibaba:
Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand

A 50 100

B 40 200

C 30 300

7
D 20 400

E 10 500
Mula sa demand schedule, madaling makita ang ebidensiya ng Batas ng Demand. Kung susuriin
ang talaan, habang bumababa ang presyo ng produkto ay tumataas naman ang demand para sa
produkto.

Ang kurba ng demand (demand curve) ay isang graphic representation ng ugnayan ng presyo ng
demand sa produkto. Inilalarawan ito bilang isang downward slope. Ito ay batay sa demand
schedule. Makikita natin sa tsart sa ibaba na ang presyo ng produkto ay nasa
y-axis at ang laki ng demand naman ay palagiang nasa x-axis. Mahalaga ang demand curve dahil dito
makikita ang epekto ng pagbabago ng presyo batay demand para sa isang produkto.

Suriin Natin
A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.

____________________ 1. Ang demand ang nagpapadaloy sa isang ekonomiya.

____________________ 2. Sinasabi ng Batas ng Demand na sa bawat pagtaas ng presyo, tataas din ang
demand para sa isang produkto.

____________________ 3. Upang mapanatili ang balanse, kung walang ibang salik sa ekonomiya na
magbabago, kailangang bumaba ang demand ng mga tao.

8
____________________ 4. Ang demand curve ay talaan ng ugnayan sa pagitang ng presyo ng produkto
at ang laki ng demand para sa isang bagay.

____________________ 5. Inversely proportional ang relasyon ng demand sa presyo.

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Anong galawang kasangkapan ang gamit ng mga ekonomista upang matuklasan ang epekto ng presyo
sa demand para sa isang produkto?

1. ________________________________

2. ________________________________

Magbigay ng tatlong paglalarawan sa demand curve.

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang demand?
2. Ano ang ugnayan ng presyo at demand?
3. Ano ang demand schedule?

Pag-isipan Natin
Paano mo magagamit ang iyong kaalaman tungkol sa demand sa pagdedesisyon sa produkto o
serbisyong bibilhin?

9
Gawin Natin
Maalala natin na nagkaroon ng bugso ng pagtataas ng presyo ng bilihin ng dahil sa TRAIN Law na
ipinatupad noong Enero 2018. Kapanayamin ang iyong mga magulang at alamin ang sumusunod:

1. Buwanang badyet para sa bigas, ulam, pamasahe, tubig, kuryente, damit, at sapatos.
2. Paano nagbago ang inyong badyet para sa mga item sa #1.
3. Nagbago ba ang dami ng inyong binibiling bigas, ulam, damit, at sapatos?
4. Paano nagbago ang inyong gastusin pagdating sa pamasahe, tubig, at kuryente?

Matapos ng iyong panayam, sumulat ng isang sanaysay na sasagot sa katanungang ito:

Ano ang praktikal na halaga ng batas ng demand, batay sa iyong natuklasan mula sa paggamit ng
iyong pamilya sa mga kalakal at serbisyo?

Maaaring gamitin ang resulta ng iyong panayam bilang suporta sa iyong argumento.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%] [50%]
[75%]
Pamantayan Mas Mababa kaysa Kailangan pa ng [100%] Napakahusay Marka
Magaling
Inaasahan Pagsasanay

Kalidad ng Kulang ang May iilang detalye Maraming detalye Puno ng tamang
Nilalaman sanaysay at hindi ito lamang; may ibang ang isinaad; may detalye at maayos
nakadagdag sa pag- bahagi na ilang puntos sa ang pagkakasulat ng
unawa ng paksa kinakailangan pa sanaysay na hindi sanaysay.
ayusin angkop sa paksa Nagpapakita ng
malawak na
pagunawa sa paksa
ng gawain.

10
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang gawain Tinapos ang gawain Tinapos ang isang
Pagsisikap gawain para ngunit hindi sinikap na may kasiya- napakagandang
lamang may na siyang resulta, may gawain na may
maipasa sa guro mapaganda pa pagsisikap na masidhing
itong lalo pagandahin pang pagsisikap na
lalo maging
natatangi ito

Kasanayan/ Hindi naipapakita Nagpapakita ng May angking husay Nagpapakita ng


Husay ang pagnanais na pagnanais na sa paggawa; husay at
mapaghusay ang mapaghusay ang kailangan pa ng galing sa paggawa;
isinumiteng gawain kaniyang paggawa kaunting may sapat na
pagsasanay kaalaman o
pagsasanay

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa gawain sa loob ng kanilang gawa sa kanilang gawa sa kanilang gawa
dalawang araw loob ng isang araw itinakdang petsa bago pa ang
matapos matapos ang ng pagpapasa itinakdang petsa
ang itinakdang petsa ng pagpapasa
itinakdang petsa ng ng pagpapasa
pagpapasa

KABUUAN

11
Aralin 2 Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand


Nalaman natin sa nakaraang aralin na mahalaga ang demand dahil ito ang batayhan sa pagtataguyod ng
malagong ekonomiya. Nais ng pamahalaan na mapalaki ang demand upang wakasan ang recession.
Pinaliliit naman ang demand para sa isang produkto upang hindi gaanong tumaas ang presyo nito, na
maaaring magdulot sa pagbaba ng demand para dito.

Kung ikaw ay mayroon ding negosyo, nais mo ring lumaki ang demand ng mga tao para sa iyong
serbisyo at produkto upang lumaki ang iyong kita.

12
Subukan Natin
Bigyang pansin ang mga salitang nakasalungguhit. Ibigay ang sariling kahulugan ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.

1. Mahalaga ang kita sapagkat 2. Mayroong mga produkto na 3. Ang juice at gatas ay mga
ito ang nagbibigay sa mga parehas ang dami ng substitute goods.
mamimili ng kakayahang kinokonsumo, katulad ng kape
tustusan ang kanilang mga at asukal
pangangailangan.

Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: Sariling kahulugan:

4. Hindi bibili ang mga mamimili 5. Maaaring maapektuhan ng 6. Maaaring mabago ng pag-
ng inferior goods kung tataas expectation ng mga mamimili aanunsyo ang pananaw ng
ang kanilang kita o kung ang demand para sa isang isang mamimili tungkol sa isang
magmamahal ang presyo ng produkto. Halimbawa, kapag produkto. Halimbawa ang
mga produktong ito. napabalita ang pagtaas ng paggamit ng mga doktor ng
gasolina, bumibili sila agad ng isang brand sabon sa mga
kanilang imbak upang komersyal ay isang paraan
makamura. upang makumbinsi ang mga
mamimili

Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: Sariling kahulugan:

13
Pag-aralan Natin
Ano nga ba ang mga salik na maaaring makaapekto sa
demand? Sa ekonomiks, mayroong limang salik ang
demand.

Ito ay ang:
1. Presyo ng produkto • –

2. Presyo ng mga produktong kapareha o


pamalit • –

3. Kita ng mamimili
• –
4. Kagustuhan at panlasa ng mga mamimili
• –
5. Expectation ng mamimili
• –
• –
• –
Presyo ng produkto
Ang pokus ng ekonomiks ay ang epekto ng presyo sa
demand para sa isang produkto. Ito rin ang dahilan
kung bakit nabuo ang Batas ng Demand na atin nang
natalakay sa nakaraang aralin.

Tandaan na bagamat ang presyo ang


pinakamahalagang salik na makaaapekto sa demand,
totoo lamang ang Batas ng Demand kung walang
magbabago sa iba pang salik. Kung sakali mang
magbago ang isa sa mga ito, gagalaw din ang buong
demand curve. Ating tatalakayin ang mga
pagbabagong sa araling ito.

14
Presyo ng mga Produktong Kapareha o Pamalit
Kung ikaw ay bibili ng kape, kailangan mo
rin ng asukal, at kapag kaya pa ng
badyet, maaaring bumili ka ng coffee
creamer o kaya naman ay gatas. Ang
kape ay isang produkto, at ang mga
kapareha nitong produkto ay ang asukal
at coffee creamer. Sa ekonomiks, ang
mga produktong ito ay tinatawag na
completementary goods dahil sila ay
kinukunsumo ng magkasama.

Minsan, ang demand para sa isang


produkto ay maaaring maapektuhan ng
presyo ng kapareha nitong produkto.
Halimbawa, maaaring bumaba ang
demand para sa kape kung mataas ang presyo ng asukal.

Ngunit, ating tandaan na hindi lamang asukal ang maaaring gamiting pampatamis ng kape.
Halimbawa, mayroong tagapulot at balikutsa na parehas na maaaring pamalit sa asukal. Ang asukal,
tagapulot, at balikutsa ay tinatawag na substitute goods dahil isa lamang sa kanila ang kinukunsumo sa
isang takdang panahon. Kapag nagkataong naging mas mababa ang halaga ng balikutsa kaysa sa asukal,
maaaring tumaas ang demand para sa kape ngunit imbes na asukal, balikutsa na ang magiging kapareha
nito. Tandaan na sa pagkakataong ito ay hindi nagbabago ang presyo ng kape.

Kita ng Mamimili
Mayroong direktang ugnayan ang kita ng isang mamimili at demand para sa isang produkto: kapag
tumaas ang kita, tataas ang demand; kapag bumaba ang kita, bababa rin ang demand. Ngunit kung
nadoble ang kita ng isang mamimili, hindi ibig sabihin nito na dodoble rin ang kaniyang demand para sa
isang produkto o serbisyo. Mayroon lamang sapat na dami ng kape na nais mong inumin sa isang araw.
Maaaring dumating ang panahon na magsasawa ka na sa kape. Ito ang konsepto ng marginal utility.
Ang epekto ng kita sa demand para sa isang produkto ay nakabatay rin sa kalidad at klase ng
produkto. Para sa karamihan ng mga produkto, may direktang ugnayan sa pagitan ng kita ng isang
15
mamimili at ang demand niya para sa isang produkto. Ang mga produktong ito ay tinatawag na
normal goods.

Ngunit mayroon ding mga produkto na nagpapakita ng


negatibong relasyon sa pagitan ng demand nito at kita
ng mamimili. Halimbawa, mayroong mga produkto na
hindi mo na bibilhin kung tataas iyong allowance. Kung
dati ay pancit canton ang iyong agahan, ngayon na mas
mataas na iyong allowance, b umibili ka ng ng bacon.
Ang mga produktong mayroong inverse relationship sa
pagitan ng kita at demand ay tinatawag na inferior
goods o mga produktong itinuturing na mas mababa
ang kalidad.

Tandaan na nakabatay sa pananaw ng isang tao


kung ang isang produkto ay isang normal good o inferior
good. Ang inferior good para sa isang mamimili ay maaaring isang normal good para sa isa.
Halimbawa, maaaring mas gusto ng iyong kaibigan ang pancit canton kaysa sa bacon, kaya para sa
kaniya isang normal good ito.

Kagustuhan at Panlasa ng Mamimili


Ang demand para sa isang produkto ay maaaring
mabago depende sa kagustuhan, emosyon, at
kasalukuyang estado ng mga mamimili. Halimbawa,
naalala mo pa ba ang panahong inuubos mo ang iyong
allowance upang makabili lamang ng teks o kaya
naman ng magic cards? Maaaring sa paglaki mo ay
hindi ka na masyadong gumagatos para sa mga
ganitong bagay.

16
Ang epekto ng kagustuhan at panlasa ng mamimili sa demand
ay mahirap tukuyin, ngunit mahalaga ito
sapagkat ito ay nababago. Sa pamamagitan ng advertising,
maaaring mamanipula ng mga negosyo ang pananaw ng mga
mamimili tungkol sa isang produkto. Ito rin ng dahilan kung
bakit iba-iba ang normal goods at inferior goods para sa isang
tao.

Bukod sa pag-aanunsyo, ang mga makabagong tuklas na


kaalaman, pati na rin ang klima o panahon sa isang lugar ay
maaaring makaapekto sa demand. Halimbawa, kapag may
bagong pag-aaral tungkol sa isang bagay na nagsasabing maaari
itong makasama sa iyong kalusugan, maaaring bumagsak ang
iyong demand para sa bagay na ito. Samantala, sa mga lugar na
mainit tulad ng Pilipinas, mababa lamang ang demand para sa
mga fur coats ngunit mahalaga ang mga ito sa Europa at
Canada.

Expectation ng mga Mamimili


Hindi lamang ang kasalukuyang mga pangyayari ang maaaring
makaapekto sa demand—ang mga inaasahan sa hinaharap ay
maaari ring makaapekto nito. Halimbawa, kung mayroong
expectation na maglalabas ang isang sikat na kompanya ng
cellphone ng panibagong modelo sa dulo ng taon, hindi muna
bibili ng lumang modelo ang mga tao. Hihintayin muna nila ang
paglabas ng bagong produkto. Dahil dito, maaaring maliit lamang
ang demand para sa mga kasalukuyang modelo ng mga cellphone.

Ang expectation din ang dahilan kung bakit humahaba ang pila sa
mga gasolinahan bago ang araw ng pagtaas sa presyo nito. Batay
sa mga halimbawang nabanggit,
magbabago ang demand kung mayroong inaasahang pagbabago sa alinman sa limang mga salik na
nakakaapekto sa demand.
17
Paglipat ng Kurba ng Demand
Kapag nagbago ang alinman sa mga salik, bukod sa presyo ng bilihin, ay maaaring lumipat ang posisyon
ng demand curve. Halimbawa, tingnan mo ang demand schedule batay sa kita ng mga mamimili. Ang
demand para sa produkto ay tugma lamang sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Hindi
tumataas ang demand dahil hindi nagbabago ang kita.

Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand

A 50 100

B 40 200

C 30 300

D 20 400

E 10 500

18
Sa dagdag na sahod, magkakaroon ang mamimili ng kakayahang bumili ng mas
marami produkto. Kung gayon, tataas ang demand para sa mga ito. Bunga nito, ang kurba ng demand
ay gagalaw sa kanan.

Makikita sa tsart ang kaibahan ng mga demand batay sa pagtaas ng sahod. Kung titingnan,
tumaas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita.
Punto Presyo ng Taas ng Demand
Produkto
Katamtaman ang Tumaas ang Kita
Kita (Q1) (Q2)

A 50 100 200

B 40 200 300

C 30 300 400

D 20 400 500

E 10 500 600
Suriin ang graph sa ibaba para makita ang paggalaw o paglipat ng kurba ng demand.

19
Kung magkaroon ng bawas sa sahod ng mga mamimili, mawawala ang kakayahan nilang bumili. Dahil dito,
baba ang demand para sa mga produkto. Bunga nito, ang kurba ng demand ay lilipat sa kaliwa.
Punto Laki ng Demand
Presyo ng
Produkto Katamtaman ang Tumaas ang Bumaba ang
Kita (Q1) Kita (Q2) Kita (Q3)

A 50 100 200 50

B 40 200 300 150

C 30 300 400 250

D 20 400 500 350

E 10 500 600 450

Makikita sa talaan sa taas at sa graph sa ibaba ang paggalaw ng demand batay sa kita. Sa graph,
makikita na ang dating kulay bughaw na guhit ay gagalaw sa kaliwa at magiging berdeng guhit sa
pagbaba ng kita.

20
Suriin Natin
A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.
Hanay A Hanay B

1. Mga produktong kinokonsumo ng magkasama A. normal goods

2. Mga produktong maaaring gawing pamalit para sa iba B. complementary goods

3. Mga produktong ang demand ay mayroong inverse na relasyon C. paglipat


sa kita ng mamimili

4. Mga produktong ang demand ay mayroong direktang relasyon sa D. inferior goods


kita ng mamimili

5. Tawag sa paggalaw ng posisyon ng buong demand curve E. demand curve

F .substitute goods

G. demand schedule

B. Ano ang limang salik na nakakaapekto sa demand ng mga indibiduwal?

1. ________________________________

2. ________________________________

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

21
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng demand?
2. Paano naaapektuhan ng kita ng mga konsumer ang demand para sa isang produkto o serbisyo?
3. Paano nakakaapekto ang expectation sa demand?

Pag-isipan Natin
Sa iyong sariling karanasan, mayroon pa bang ibang salik na nakaaapekto sa iyong pagdedesisyon sa
pagbili ng mga produkto na hindi natukoy sa araling ito?

Gawin Natin
Mangolekta ng isang print ad mula sa dyaryo at isang video ad mula sa internet.
Siguraduhing ang mga advertisement na ito ay patungkol sa iisang produkto lamang. Tingnan nang
maigi ang mga anunsyong ito at sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sino ang inaanyayahan na gumamit ng produkto o serbisyo na nasa advertisement?


2. Paano umaapela ang anunsyo sa kagustuhan at panlasa ng mga mamimili? Ilarawan ang
produkto, maging ang paraang gamit sa paghikayat ng mga mamimili.
3. Nagbibigay ba ng sapat na impormasyon ang anunsyo upang makapagdesisyon ng maayos ang
mga mamimili?
4. Ano ang mga kapareha ng produkto mula sa mga anunsyo na iyong napili?
5. Ano ang mga pamalit na produkto mula sa mga anunsyo na iyong napili?
6. Sa iyong karanasan, mayroon bang mga produkto na hindi na kailangan pang gawan ng isang
advertisement? Magbigay ng halimbawa.

Gumawa ng isang powerpoint presentation bilang output. Iulat sa klase ang iyong mga sagot.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

22
[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa ng Marka
kaysa Magaling Napakahusay
Pagsasanay
Inaasahan

Nilalaman Sinubukang Sinubukang Mahusay at Napakahusay at


sagutin ang mga sagutin ang mga malinaw ang mga napakalinaw ang
katanungan, katanungan, may sagot; pinag- mga sagot; pinag-
maraming mali; ilang mali; nag-isip isipan ang isipang mabuti ang
hindi nag-isip; tila nang bahagya; kasagutan; kasagutan; tiyak na
walang natutunan may kaunting halatang natuto tiyak na natuto sa
sa natutunan sa sa aralin aralin
aralin aralin

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa
ilang minuto/oras/ ilang minuto/oras/ itinakdang ang itinakdang
araw/ linggo araw/ linggo minuto/oras/ minuto/oras/
matapos ang matapos ang araw/linggo ng araw/linggo ng
itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa
panahon ng panahon ng
pagpapasa pagpapasa
dahil ipinaalala ng
guro

KABUUAN

23
Aralin 3 Elastisidad ng Demand

Ang elastisidad ng demand ay tumutukoy sa galaw ng relasyon sa pagitan ng demand at iba pang salik
na nakakaapekto rito. Sa pamamagitan ng pagtukoy ng elastisidad ng demand, nagkakaroon ang isang
negosyo ng paraan upang matugunan ang eksaktong pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili.

24
Subukan Natin
Alin sa mga produkto o serbisyo na ito mayroong malaking epekto ang pagbabago ng presyo?
kuryente gulay sapatos

karne tubig pagpasok sa paaralan

renta sa bahay dyaryo bigas

Malaki ang epekto ng pagbabago ng presyo Maliit o walang epekto ng pagbabago ng


sa dami ng demand para sa presyo sa dami ng demand para sa
produktong ito produktong ito

25
Pag-aralan Natin
Kapag pinagusapan na ang elastisidad ng demand,
kadalasang tinutukoy nito ang price elasticity of
demand, o ang pagbabago sa laki ng demand batay sa
pagbabago sa presyo nito. Gayunpaman, mayroon
ding tinatawag na cross-elasticity of demand na
tumutukoy sa pagbabago sa laki ng demand batay sa
• –
pagbabago ng presyo ng mga kapareha at kapalit na
produkto nito. Para sa diskusyon ng araling ito, ating
• –
pag-uukulan ng pansin ang price elasticity of demand
• –
at ang iba’t ibang uri nito.

Pagkuha ng Halaga ng Elastisidad ng Demand


Tulad ng nabanggit, ang elastisidad ng demand ay kadalasang tumutukoy sa price elasticity of demand,
o relasyon sa pagitan ng porsiyento sa pagbabago sa laki ng demand para sa isang produkto at ng
porsiyento ng pagbaba sa presyo nito. Para makuha ang halaga ng elastisidad ng demand, ginagamit
ang sumusunod na formula:

Kung saan:
• EP = elastisidad ng demand
• QD = laki ng demand
• P = presyo
• Δ = pagbabago

Ang pagbabago sa demand ay makukuha sa:
∆ 𝑄𝐷 = 𝑄𝐷2 − 𝑄𝐷1
26
Samantala, ang pagbabago naman sa presyo ay makukuha sa pamamagitan ng pormulang ito:

∆𝑃 = 𝑃2 − 𝑃1

Ang porsiyento naman ng pagbabago ng demand ay makukuha sa:

%∆ 𝑄𝐷 = ( 𝑄𝐷2 − 𝑄𝐷1 ) 𝑋 100


𝑄𝐷

𝑄𝐷2 + 𝑄𝐷1
𝑄𝐷 =
2
Samantala, ang porsiyento ng pagbabago ng presyo ay makukuha sa pormulang ito:

Sa madaling salita, maaaring makuha ang elastisidad ng demand sa pamamagitan ng pormulang ito:

27
Maaaring gamitin ang pormulang ito, tumaas man o bumaba ang presyo ng isang produkto.
Bilang pagsasanay, subukan nating gamitin ang pormulang ito gamit ang sitwasyong inilalarawan ng
demand schedule at demand curve sa ibaba.

Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand

A 60 3000

B 70 2800

C 80 2600

D 90 2400

E 100 2200

F 110 2000

G 120 1800

H 130 1600

28
Mula sa mga datos na ito, ating kalkulahin ang elastisidad kapag bumaba ang presyo ng produkto mula
punto B (70) patungo sa punto A (60):

Palaging tatandaan na ang elastisidad ng demand ay laging negatibo dahil ang relasyon ng presyo ng
produkto sa laki ng demand para dito ay inversely proportional o magkasalungat. Sa economics, kinukuha
lamang ang absolute value ng elastisidad upang mabigyan ng tamang kahulugan ang halaga nito.

Uri ng Elastisidad ng Demand


Ano nga ba ang ibig sabihin ng elastisidad ng demand? Ang value nito ay tumutukoy sa laki ng epekto ng
bawat paggalaw ng presyo sa laki ng demand para sa isang produkto. Halimbawa, malalaman sa value
ang eksaktong bawas sa presyo ng kompyuter, sa bawat dami ng kompyuter bibilhin ng tao. Mayroong
tatlong uri ng elastisidad, batay sa value ng EP ang iyong makukuha.
29
Elastik
Kapag ang nakalkulang EP ay mas mataas kaysa sa isa (1), ang isang produkto ay elastik.
ang ibig sabihin nito, sa bawat pisong pagbabago ng presyo, madadagdagan o mababawasan ng higit sa
isa (1) ang dami ng produktong handang bilhin ng isang mamimili. Halimbawa, kapag ang elastisidad ng
demand ay nakalkula sa 1.45, ibig sabihin, kapag tumaas ang presyo ng piso, mababawasan ng 1.45
produkto ang bibilhin ng mga tao. Samantala, kapag nagmura ito ay tataas ang bilang ng produktong
bibilhin.

Ang ganitong elastisidad ay karaniwang makikita sa mga produktong kagustuhan lamang ng mga tao. Ito
ang mga produktong madaling iwasan kapag nagtaas ang halaga dahil hindi sila kailangan sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
Di-Elastik
Kapag ang nakalkulang EP ay mas mababa kaysa sa 1, ang isang produkto ay di-elastik. Ibig sabihin nito,
hindi basta-basta ang pagbaba demand dahil ang mga produktong ito ay mga pangangailangan.
Halimbawa na lamang nito ang produkto sa itaas kung saan ang EP ay 0.45. Ibig sabihin nito, kahit tumaas
ang presyo ng produktong ito ng piso, 0.45 lamang ang ibaba ng laki ng demand. Samantala, kung
nagmura ang presyo nito, hindi rin nanaisin ng mga mamimili na bumili ng marami nito.

Unitary
Kapag ang nakalkulang EP ay eksaktong 1, ang produkto ay mayroong unitary demand. Ibig sabihin nito,
palagiang magkatumbas ang pagbabago sa demand sa pagbabago sa presyo ng produkto o serbisyo.

Ganap na Elastik
Kung ang isang produkto ay ganap na elastik, hindi nag-iiba ang presyo kahit mag-iba man ang demand.
Sa ganitong pagkakataon, maaaring mawala ang demand kung magbabago ang presyo ng produkto.
Hindi gaanong nakikita ang ganitong uri ng produkto sa pamilihan. Nangangahulugan ito na maraming
kakompetisyon ang isang negosyo, kaya’t hindi nila maaaring baguhin ang kanilang presyo. Ang demand
curve ng isang produktong ganap na elastic ay isang tuwid na linya na pahalang.

30
Ganap na Di-Elastik
Ang isang produkto na ganap na di-elastik ay mayroong demand curve na nakatayo. Ibig sabihin, kahit
gaano pa kalaki ang pagbabago sa presyo, nananatili ang laki ng demand para dito. Ibig sabihin, walang
pagpipilian ang mga tao pagdating sa produkto o serbisyo.
Nangyayari ito kung wala gaanong mga negosyo ang nagpoprodyus sa sa isang lugar.

31
Suriin Natin
Isa-isahin ang hinihingi ng sumusunod.

1. Magbigay ng limang uri ng elastisidad ng demand

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

5. ______________________________

B. Dalawang impormasyon na kailangang malaman upang makuha ang elastisidad ng demand para sa
isang produkto

6. ______________________________

7. ______________________________

C. Pormulang gamit sa pagkakalkula ng elastisidad ng demand para sa isang produkto (3 puntos)

8. ______________________________

9. ______________________________

10. ______________________________

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng elastisidad ng demand?

32
2. Ano-ano ang uri ng elastisidad ng demand?
3. Ano ang masasabing elastisidad ng demand kung demand para sa isang produkto ay ganap na
nakasalalay sa presyo nito?

Pag-isipan Natin
Ano sa iyong palagay ang elastisidad ng demand ng mga produkto at serbisyong kinokonsumo mo araw-
araw? Alin sa mga produkto o serbisyong ito ang mayroong elastik na demand? Alin ang mga produkto o
serbisyo ang di-elastik? Alin naman ang mga produkto o serbisyo na mayroong unitary demand?

Gawin Natin
Gamit ang demand schedule na ito para sa mga smartphone, kalkulahin ang elastisidad ng demand
mula sa punto B hanggang C, D hanggang E, at G hanggang H. Tukuyin kung ang elastisidad ay elastik,
di elastic, o unitary. Ipakita ang iyong solusyon sa isang malinis na papel. Ano ang implikasyon ng
mga elastisidad na iyong nakalkula?
Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand

A 60 3,000

B 70 2,800

C 80 2,600

D 90 2,400

E 100 2,200

F 110 2,000

G 120 1,800

H 130 1,600
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

33
[25%]
Mas Mababa [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan kaysa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Malabo at magulo Medyo malinaw Kumpleto at Kumpleto,


ang ipinakitang ang ipinakitang malinaw ang napakalinaw, at
sagot, kulang ng sagot,, kulang ipinakitang sagot, tama ang
maraming ng maraming kulang ng ilang ipinakitang sagot;
detalye; wala o detalye; kailangang detalye; naipakita naipakita ang
kulang ang masanay sa ang kakayahan sa husay sa pagsusuri
kasanayan sa pagsusuri at pagsusuri at at pagpapaliwanag
pagsusuri at pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag

Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at malinis Napakaayos at


Kalinisan at napakadumi ng matutong maging ang output; may napakalinis ng
output; maayos at malinis ilang nakitang ipinasang output;
napakaraming sa paggawa; bura, dumi, o walang nakitang
nakitang bura, maraming pagkakamali bura, dumi, o
dumi o nakitang bura, pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa
ilang minuto/oras/ ilang minuto/oras/ itinakdang ang itinakdang
araw/ linggo araw/ linggo minuto/oras/ minuto/oras/
matapos ang matapos ang araw/linggo ng araw/linggo ng
itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa
panahon ng panahon ng
pagpapasa pagpapasa
dahil ipinaalala ng
guro

KABUUAN

34
Karagdagang Kaalaman
Noong 2014, gumawa ng isang pagsusuri ang Time Magazine upang alamin ang mga produktong
pinakaraming bumibili sa nakaraang mga taon. Narito ang ilan sa kanila.

Brand/Pangalan ng Larawan ng Laki ng


Rank Gamit
Produkto Produkto Demand

PlayStation mula sa
1 344 milyong yunit Video game
Sony

Lipitor mula sa Nagkakahalaga ng


2 Gamot sa alta-presyon
Pfizer $141 bilyon

40.7 milyong
3 Toyota Corolla Kotse
yunit

Star Wars mula sa


Nagkakahalaga ng
4 20th Century Pelikula
$4.6 bilyon
Fox

5 iPad mula sa Apple 211 milyong yunit Tablet, gadget

35
Pagyamanin Natin
Tayo ay maglalaro sa klase upang lubos ninyong maintindihan ang konsepto ng demand.
Kinakailangang madala ang bawat isang estudyante ng limang pirasong kendi o bubble gum. Hindi ninyo
maaaring kainin ang mga ito. Maaari kayong makipag-trade kung inyong nais, ngunit hindi ito
kinakailangan. Magkakaroon tayo ng 10 ikot ng pagti-trade. Sa bawat ikot, kailangan niyong sumagot
kung kayo ay makikipagtrade o hindi sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang maliit na papel ng OO kung
makikipagtrade at HINDI kung hindi makikipagpalitan. Kokolektahin ng isa ninyong kaklase ang mga
sagot, at bibilangin bawat ikot. Ilalagay din sa isang demand schedule ang resulta ng bawat ikot. Gamitin
ang talaang ito sa pagrekord ng resulta.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Sino ang nais na makipag-trade ng isang pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong
tsokolate?
2. Sino ang nais na makipag-trade ng dalawang pirasong kendi o bubble gum para sa isang
pirasong tsokolate?
3. Sino ang nais na makipag-trade ng tatlong pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong
tsokolate?
4. Sino ang nais na makipag-trade ng apat na pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong
tsokolate?
36
5. Sino ang nais na makipag-trade ng limang pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong
tsokolate?

Sa puntong ito, ay gagawin na ang tunay na pagpapalitan ng mga produkto. Gagamit tayo ng dice upang
makita kung magkano ang halaga ng bawat isang tsokolate. Halimbawa, kapag itinapon ang dice at ang
anim na tuldok ang lumabas, ang halaga ng isang tsokolate ay katumbas ng anim na kendi o bubble gum.
Gawin ang pagtapon ng dice ng limang ulit pa. Maaari nang kainin ang kendi o bubble gum pagkatapos
ng bawat ikot ng trade.

Matapos ng laro, bumuo ng mga grupo na mayroong tatlong kasapi. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang epekto ng pagtaas ng halaga ng tsokolate sa dami ng tao ng nais makipagtrade?
2. Gumawa ng demand curve gamit ang demand schedule na nagawa para sa bawat isang ikot ng
trade.
3. Kalkulahin ang elastisidad ng demand sa bawat ikot ng pagtrade. Mayroon bang punto na ang
elastisidad ng demand ay nagbago?
4. Magbigay ng konklusyon patungkol sa demand para sa tsokolate batay ang resultang inyong
nakuha.

Isulat ang mga sagot sa isang manila paper at ipakita sa klase.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%]
[50%]
Mas Mababa kaysa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa ng Marka
Inaasahan Magaling Napakahusay
Pagsasanay

Pagpapahalaga Nangailangan Nakayang gawin Nakayang gawin Pinaghirapan at


ng paggabay kahit ang madadaling ang mahihirap na pinaghandaang
sa simpleng bahagi, bahagi, mabuti ang
gawain; madaling nangailangan ng nangailangan ng gawain, hindi na
umayaw; paggabay; ginawa paggabay; ginawa nangailangan ng
muna ang muna ang paggabay;
mahihirap mahihirap

37
umaasa sa iba na bahagi, na bahagi, kaya madaling
maaaring umayaw pa ring magpatuloy nakaugnay at
kung walang kahit walang natapos sa oras
paggabay paggabay ang gawain

Pakikilahok ng Hindi nakilahok at May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng


Bawat Indibidwal walang interes sa kaunting interes at interes subalit masidhing interes
paghahanda at pakikilahok hindi gaanong at aktibong
pagsasakatuparan ng sa paghahanda nakilahok sa pakikilahok sa
gawain at pagsasakatuparan paghahanda at buong paghahanda
ng gawain pagsasakatuparan ng at pagsasakatuparan
gawain ng gawain

Nilalaman Malabo at magulo Medyo malinaw Kumpleto at Kumpleto,


ang ipinakitang ang ipinakitang malinaw ang napakalinaw, at
sagot, kulang ng sagot,, kulang ipinakitang sagot, tama ang
maraming ng maraming kulang ng ilang ipinakitang sagot;
detalye; wala o detalye; kailangang detalye; naipakita naipakita ang
kulang ang masanay sa ang kakayahan sa husay sa pagsusuri
kasanayan sa pagsusuri at pagsusuri at at pagpapaliwanag
pagsusuri at pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag

38
Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at malinis Napakaayos at
Kalinisan at matutong ang output; may napakalinis ng
napakadumi ng maging maayos at ilang nakitang ipinasang output;
output; malinis sa bura, dumi, o walang nakitang
napakaraming paggawa; pagkakamali bura, dumi, o
nakitang bura, maraming pagkakamali
dumi o nakitang bura,
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

39
Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng
Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa
ilang minuto/oras/ ilang minuto/oras/ itinakdang ang itinakdang
araw/ linggo araw/ linggo minuto/oras/ minuto/oras/
matapos ang matapos ang araw/linggo ng araw/linggo ng
itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa
panahon ng panahon ng
pagpapasa dahil pagpapasa
ipinaalala ng guro

KABUUAN

Paglalagom

40












41
Dagdag Sanggunian
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na
pagtalakay:

• “Law of Demand” ng Focus EduVation


(https://www.youtube.com/watch?v=QvGLcCTXk9o)
• “Factors Affecting Demand” ng Economics Mafia
(https://www.youtube.com/watch?v=Enz6z9jGmsk)
• “How to Solve Elasticity Problems in Economics ” ni Free Econ Help
(https://www.youtube.com/watch?v=Enz6z9jGmsk)

Sanggunian
Acomular, M., Acolumar, M. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad. Manila: IEMI, 2015. Mankiw, N.
Gregory. Principles of Economics. Boston, MA: Cengage Learning, 2015.
Nolasco, Liberty I., Jerome A. Ong, and John N. Ponsaran. Ekonomiks: Mga Konsepto,
Aplikasyon, at Isyu. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2010.

42

You might also like