ARALIN 4.
Kahulugan ng Demand
Mga Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Naipaliliwanag ang kahulugan ng demand.
● Nasusuri ang batas ng demand.
● Nakalilikha ng demand curve batay sa demand
schedule.
Activity
Demandtime
Word Search
Panuto: Hanapin sa kahon at bilugan
ang mga salitang nasa listahan. Ang
ayos ng bawat salita ay maaaring
pahalang, pababa, pahilis, o pabalik.
ACTIVITY
• KUNG MAKATATANGGAP KA NG 20,000, ALIN SA MGA
SUMUSUNOD ANG IYONG BIBILHIN? MAAARING MAMILI NG
HIGIT SA ISA SA MGA LARAWAN SA IBABA.
• PAGKATAPOS AY SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA
TANONG.
• ANU-ANO ANG IYONG MGA PINILI?
• BAKIT MO PINILI ANG MGA BAGAY NA ITO?
• ANU-ANO ANG IYONG ISINAALANG-ALANG SA
PAGPILI NG MGA BAGAY NA ITO?
• KUNG MAGTATAAS NG PRESYO NG MGA BAGAY NA
NAKALARAWAN SA ITAAS, ANO ANG PAGBABAGO
NA MANGYAYARI SA IYONG MGA BIBILHIN?
DEMAND CURVE SERBISYO
SCHEDULE
PRODUKTO PAMAHALAAN
Mga Gabay na Tanong
1.Ano ang epekto ng mataas na demand sa
ekonomiya ng isang bansa?
2. Bakit mahalaga ang papel o gampanin ng
pamahalaan sa pagtugon sa demand?
3. Ano maaaring mangyari kapag hindi
natugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamimili?
Kahulugan ng Demand
Ang demand ay tumutukoy sa
dami ng produkto o serbisyo
na gusto at kayang bilhin ng
isang mamimili sa isang
takdang presyo.
Sa madaling salita, ito ang
iyong kagustuhan na bumili
ng isang produkto, batay sa
kung ano ang presyo nito, at
kung magkano ang iyong
kayang bilhin.
Ang kagustuhan ng isang tao na
bumili ng isang produkto ay
naapektuhan ng iba’t ibang salik.
Ngunit alam natin na ang presyo
ng bilihin ang isa sa
pinakamahalagang konsiderasyon
sa pagbili ng produkto.
Halimbawa:
kung ang iyong badyet sa isang buwan para sa bigas ay
PhP 1,500, maaari kang bumili ng isang kaban (50 kilos)
kung ang presyo ng bigas ay PhP 30 lamang bawat kilo.
Kung tumaas ang presyo nito sa PHP 60 bawat kilo sa
susunod na buwan, at ang iyong badyet ay parehas pa
rin, malamang ay bibili ka na lamang ng kalakahating
kaban (25 kilos). Kung nais mong bumili ng isang kaban,
kailangang magdagdag ka ng PhP 1,500. Ngunit kung
hindi pa naman tumataas ang iyong suweldo,
kakailanganin mong bawasan ang iyong badyet para sa
ibang bagay upang pandagdag sa pambili ng bigas.
Ang demand para sa isang
produkto at ang presyo
nito ay inversely
proportional o mayroong
magkasalungat na
ugnayan sa isa’t isa.
Batas ng Demand
Tuwing tumataas ang
presyo ng bilihin, bababa
ang demand. Kung bababa
naman ang presyo, tataas
ang demand.
Demand Function
Ito ang mathematical equation na
ginagamit upang mailarawan ang
relasyon ng demand at presyo.
Ipinapakita nito ang ugnayan dalawang
variables: Qd na dependent variable at
P na independent variable.
Halimbawa:
Alamin ang Quantity Demanded (Qd) ng
mangga kung ang presyo nito ay ay
Php50.00 bawat kilo. Gamitin ang demand
function na
Qd=600-10P
Qd=600-10P
=600-10(50)
=600-500
Qd= 100
Demand Schedule at Demand Curve
Ang demand schedule ay talaan na
nagpapakita ng dami ng produktong
mabibili sa isang partikular na presyo.
Ipinapakita nito kung paano nagbabago
ang demand habang nagbabago ang
presyo nito batay sa Batas ng Demand.
e
Demand Curve
Ang demand curve ay isang graphic
representation ng ugnayan ng presyo ng
demand sa produkto. Inilalarawan ito bilang
isang downward slope. Ito ay batay sa
demand schedule. Makikita natin sa tsart sa
ibaba na ang presyo ng produkto ay nasa y-
axis at ang laki ng demand naman ay
palagiang nasa x-axis.
Gawin!
A. Kompletuhin ang demand schedule gamit ang
demand function na Qd=250-5P
Punto Presyo Quantity Demand
A 10
B 15
C 150
D 25
E 100
B. Gumawa ng Demand Curve
Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakakaapekto sa
Demand
1. Presyo ng produkto
2. Presyo ng mga produktong kapareha o
pamalit
3. Kita ng mamimili
4. Kagustuhan at panlasa ng mga
mamimili
5. Ekspektasyon ng mamimili
Presyo ng Produkto
Ang pokus ng ekonomiks ay ang epekto
ng presyo sa demand para sa isang
produkto. Ito rin ang dahilan kung bakit
nabuo ang Batas ng Demand.
Bagamat ang presyo ang
pinakamahalagang salik na nakaaapekto
sa demand, totoo lamang ang Batas ng
Demand kung walang magbabago sa iba
pang salik. (ceteres paribus)
Presyo ng mga Produktong
Kapareha o Pamalit
Sa ekonomiks,mayroong mga
produktong tinatawag na
complementary goods dahil sila ay
kinukunsumo ng magkasama.
Halimbawa: kape at
creamer;
kape at asukal
Kita ng Mamimili
Mayroong direktang
ugnayan ang kita ng isang
mamimili at demand para sa
isang produkto: kapag
tumaas ang kita, tataas ang
demand; kapag bumaba ang
kita, bababa rin ang
demand.
Ngunit kung nadoble ang kita
ng isang mamimili, hindi ibig
sabihin nito na dodoble rin
ang kaniyang demand para sa
isang produkto o serbisyo.
Normal goods
Ang demand at kita ng tao ay may
direktang ugnayan. (luho ng tao)
Inferior goods
- Nagpapakita ng negatibong relasyon sa
pagitan ng demand nito at kita ng mamimili.
-bumaba o tumaas ang demand pero hindi
nagbago ang kita
Hal.bigas
Kagustuhan at Panlasa ng mga
Mamimili
Ang demand para sa isang
produkto ay maaaring
mabago depende sa
kagustuhan, emosyon, at
kasalukuyang estado ng
mga mamimili.
Ang epekto ng
kagustuhan at
panlasa ng mamimili
sa demand ay
mahirap tukuyin,
ngunit mahalaga ito
sapagkat ito ay
nababago.
Mga Bagay na maaaring
makaapekto sa demand:
pag-aanunsyo
makabagong tuklas na kaalaman
klima o panahon sa isang lugar
Ekspektasyon ng mga Mamimili
• Hindi lamang ang kasalukuyang
mga pangyayari ang maaaring
makaapekto sa demand—ang
mga inaasahan sa hinaharap ay
maaari ring makaapekto rito
Halimbawa:
Ang ekspektasyon ang
dahilan kung bakit
humahaba ang pila sa
mga gasolinahan bago
ang araw ng pagtaas sa
presyo nito.