You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region XIII
Division of Agusan del Norte
Carmen District 1
Carmen National High School
Carmen, Agusan del Norte

Araling Panlipunan 9- EKONOMIKS


PRELIM EXAM- Second Quarter

Name: ____________________________________________ Year & Section: _________________

TEST I.
A. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1.Dami o bilang ng kalakal na handang bilhin ng mga tao.
a.Presyo c.Suplay b.Demand d.Kita
2. Halaga ng produkto at serbisyo.
a. Kita c. Panlasa b. Suplay d.Presyo
3. Dami ng produktong handing ipagbili
a.Okasyon c.Suplay b.Espekulasyon d.Panlasa
4. Nagsasaad na kapag mataas ang presyo, maraming produkto ang gustong iprodyus at ipagbili ng mganegosyante.
a.Kurba ng Demand b.Batas ng Demand
c.Kurba ng Suplay d.Batas ng Suplay
5.Kapag mataas ang presyo mababa ang demand, kapag mababa ang presyo mataas ang demand
a.Kurba ng Demand b.Batas ng Demand
c.Kurba ng Suplay d.Batas ng Suplay
B. Piliin ang pinakatamang epekto sa demand ng mga sumusunod na pangyayari.
6. Tumaas ang presyo ng isda
a. tataas ang demand para sa isda b. tataas ang demand para sa karne
c. bababa ang demand para sa karne d. bababa ang dami ng demand para sa isda
7.Nauso ang laptop
a. tataas and demand para sa laptop b. bababa ang demand para sa laptop
c. tataas ang demand para sa desktop d. tataas ang dami ng demand para sa laptop
8. Inaasahang tataas ang presyo ng asukal sa susunod na linggo
a. tataas ang demand para sa asukal sa susunod na lingo
b. bababa ang demand para sa asukal sa kasalukuyan
c. tataas ang demand para sa kape sa kasulukuyan
d. tataas ang demand para sa asukal sa kasalukuyan
9. Kapag lumaki ang kita ng konsyumer, malamang na
a.tataas ang demand niya para sa karne b. bababa ang demand niya sa karne
c. tataas ang demand niya para sa mga sardinas d. bababa ang dami ng demand niya para sa sardinas
10. Tumaas ang presyo ng “cellphone”
a.tataas ang demand para sa cellphone b. bababa ang demand para sa “load”
c. tataas ang demand para sa “load” d. bababa ang demand para sa “cellphone”

II. TAMA O MALI


Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at kung mali ang isinasaad ng pangungusap isulat ang MALI.
_______1.Kapag mataas ang presyo,lumilipat ang konsyumer sa mga alternatibong produkto na mas mababa ang presyo.
_______2.Kapag mababa ang presyo,mas marami ang mabibili ng konsyumer kahit di tumataas ang kanyang kita.
_______3.Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na nais bilhin ng konsyumer.
_______4.Isinasaad ng Batas ng Demand na kapag malaki ang demand, bababa ang presyo ng produkto.
_______5.Nagiging mabili ang imitasyon na gamit kaysa sa branded items sa mayayamang bansa.
_______6.Posible lamang ang palitan ng produkto kung may nakatayong gusali o palengke.
_______7.Kahit sa loob ng paaralan ay posibleng magkaroon ng pamilihan.
_______8.Hindi isinasaalang-alang ng suplayer kahit kalian ang konsyumer.
_______9. May ekwilibriyo sa pamilihan kapag nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng konsyumer at suplayer.
_______10.Ang pagdami ng mga tao ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng demand.
III. A. Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang Makita ang demand schedule.I-plot ang nabuong
demand schedule.
Demand Function: Qd = 300-20P
Presyo Qd
1
200
6
100
15

III. B. Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo, kaya inaasahan ang pagtaas ng presyo ng school supplies
partikular na ang kuwaderno. Gamit ang supply function na Qs = 0+50P at itinakdang presyo sa ibaba, bumuo ng
hypothetical na iskedyul na magpapakita ng iyong desisyon kung ilang kuwaderno ang handa mong ipagbili. Matapos ito ay
i-plot ang iskedyul upang mabuo ang supply curve.

Iskedyul ng supply para sa notebook bawat piraso.

Presyo (Php) ng Dami ng


Notebook Ibebenta
21
18
15
12
9

IV. Price Elasticity


Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga tanong.

Ang demand schedule sa ibaba ay nagpapakita ng demand ng mga negosyante na naka base sa Maynila at Cebu at ang mga
bakasyonista para sa tiket sa eroplano.

Presyo Quantity Demanded ng mga Negosyante Quantity Demanded ng mga bakasyonista


Php 2,000 3000 750
Php 2,500 2900 550

1. Sa pagtaas ng halaga ng tiket sa eroplano mula Php 2,000 sa Php 2, 500, ano ang price elasticity of demand para sa mga:
a. negosyante?
b. bakasyonista?

Prepared by:
QUEENIE GRACE T. ARBIS
SST-I

You might also like