You are on page 1of 35

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 7
Aralin 3 – Ang Mga Sinaunang
Kabihasnan Sa Daigdig

20

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Aralin 3 Ang Mga Sinaunang Kabihasnnan Sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Dennis D. Recto, Jocelyn B. Alarde, Flora A. Felicano,

Victoria M. Olinares, Jessa D. Toring, and Edwin Ruiz

Tagasuri: Cirila M. Monleon (QA)

Elma M. Larumbe (Moderator)
Tagaguhit: Joe Lim and John Isaac M. Recto
Tagalapat:
Tagapamahala:
Schools Div. Superintendent: Marilyn S. Andales
ASDS.: Leah B. Apao
Ester Futalan
Cartesa Perico
CID Chief: May Ann Flores
EPS in LRMS: Isaiash T. Wagas
EPS in – Araling Panlipunan: Rosemary Oliverio

Inilimbag sa Pilipinas ng :
Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax.: (032)255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 7
Aralin 3 – Ang Mga Sinaunang
Kabihasnan Sa Daigdig

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

ii

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa

Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito sa lahat ng mga

gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian (Reference) Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Upang mahusay na masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong
pag-unawa, kinakailangan tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:

6. nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa Tsino at Egypt batay sa politika,

ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan
7. natutukoy ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Tsino at
Egyptian, at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan
8. naipapaliwanag ang mga dinastiyang bumuo sa Kabihasnang Tsino.
9. naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga aral mula sa Kabihasnang Tsino.
10. natatalakay ang kronolohiyang kabihasnang Egyptian.
11. nakakagawa ng collage ng mga larawan tungkol sa kabihasnang Egyptian.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Subukin
GAWAIN 1
Panuto: Alamin natin ang iyong nalalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnang
Tsino at Egyptian sa pamamagitan ng pagsagot ng K-W-L Chart sa ibaba. Sagutan
lamang ang una at ikalawang kolum at tsart ng iyong nalalaman sa mga pangyayari
sa sinaunang kabihasnang Tsino at Egyptian.

K-W-L Chart
Ano ang iyong Ano ang gusto mong Ano ang iyong
nalalaman? malaman? natutunan?
  

  

  

  

  

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Gawain 2
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamgitan ng
pagpili ng titik ng pinakawastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong imprastraktura ang ipinatayo sa Dinastiyang Q’in/ Ch’in na nagsilbing-tanggulan
laban sa mga tribong nomadiko?
A. Great Wall of China C. Longshan
B. Grand Canal D. Tortoise Shell
2. Ang mga sumusunod ay ang mga umusbong na mahahalagang kaisipang humubog sa
kamalayang Tsino maliban sa:
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
3. Alin sa mga sumusunod ang naging dominanteng relihiyon sa dinastiyang T’ang at
tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao?
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
4. Alin sa mga sumusunod ang rason kung bakit napalitan ng ibang dinastiya ang
Dinastiyang Ch’in?
A. Dahil humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng
dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
B. Dahil naging mapangabuso ang piuno sa Dinastiyang Ch’in
C. Dahil pinatalsik ang Ch’in noong 1045 B.C.E.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa anong dinastiya naibalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa
pagpili ng opisyal?
A. Ming B. Song C. T’ang D. Yuan
6. Saan namuhay ang mga sinaunang Egyptian?
A. Sa mga pamayanang malapit sa Nile
B. Sa mga pamayanang malapit sa Tigris
C. Sa mga pamayanang malapit sa Ganges
D. Sa mga pamayanang malapit sa Euphrates
7. Ang mag sinaunang kabihasnan ay may iba’t ibang ambag sa lipunan, is ana rito ay ang
Sistema ng pagsusulat. Alin sa mga sumusunod ang Sistema ng pagsusulat ng mga
Egyptian?
A. Cuneiform B. Hieroglyphics C. Sanskrit D. Eskribano
8. Ano ang tawag sa ilang pamayanan na naging sentro nga pamumuhay sa sinaunang
Egypt na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado?
A. Menes B. Nome C. Memphis D. Cheops
9. Alin sa mga sumusunod ang itinayo sa panahon ng Matandang Kaharian na nagsilbing
mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang
pagpanaw?
A. Cheops sa Giza B. Nile Delta C. Piramide D. Eskribano
10. Anong panahon naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na
Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris?
A. Bagong Kaharian C. Ikatlong Intermedyang Panahon
B. Huling Panahon D. Ikalawang Intermedyang Panahon

3
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin
KABIHASNANG TSINO
Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at
dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang
Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang
kasunod na diyagram:
KABIHASNANG TSINO

Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang

XIA
kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
(2000-1570 BCE)
Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang
gumamit ng bronse sa panahong ito.

SHANG Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda

sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle
(1570-1045 BCE)
bones o mga tortoise shell at cattle bone.

Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas

ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng
kabutihan. Kapag siya ay naging masama at
mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng
ZHOU / CHOU
lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
(1045-221 BCE)
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog
sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism – Layuning magkaroon ng isang tahimik at
organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa
sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig
at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at
makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa
pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na
kaparusahan

CONFUCIUS
ORACLE BONE

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang
pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t
ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili
bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang
si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).
Q’IN o CH’IN
(221- 206 Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo
B.C.E.) upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba
2400 kilometro o 1500 milya.

Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih

Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
mag-alsa si Lui Bang.

Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa

Confucianism.
HAN
(202 B.C.E.-
220 C.E.) Ang pagsulat ng kasaysayan ng Tsina ay isang
napakalaking ambag ng Dinastiyang Han

Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang

Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin
SUI ang watak-watak na teritoryo ng China.
(589-618
C.E.) Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na
napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang
Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang
Ho at Yangtze.

GRAND CANAL

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag- alsa laban sa
dinastiya dahil sa mga pang- aabuso. Itinatag niya ang
T’ANG dinastiyang T’ang.
(618-9907 BCE)

Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China

sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at
mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at
teknolohiya.

Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga

panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga
karaniwang tao.

Ibinalik ang civil service examination system na naging

mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang
pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han
subalit pinagbuti pa sa panahong Táng.

Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa

pag- unlad ng teknolohiyang agrikultural.
SONG
(960-1127 BCE)
Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

Itinatag ito na Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang

pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay
pinamumunuan ng mga dayuhang barbaro.
YUAN
(1279-1368 BCE) Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiya sa
tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan,
maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting
kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-
silangang Asya hanggang silangang Europe.

.Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag- aalsa na ang isa

ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang
dinastiyang Ming.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng
MING disnatiyong ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking
(1368-1644 BCE) na naging tahanan ng emperador.

Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng

porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at
silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno
ni Admiral Zheng He.

Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga

pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang
pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.

FORBIDDEN CITY

Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang

Dinastiyang Ming ng mga semi- nomadic mula sa hilagang
Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong
dayuhan.
QING / CH’ING
(1644-1911 BCE)
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban
sa England (1839-1842) at laban sa England at
France(1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo.

Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at

Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga
Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang
labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin.

Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang

hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at
Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).

Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa

China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na
nagbigay- daan sa pagkatatag ng Republika ng China.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
KABIHASNANG EGYPTIAN
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at
hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit
at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt
sa sumusunod na pagpapanahon:

1 Pre- Nauna sa Nauna sa 3100 - Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa

dynastic Panahon ng B.C.E. mga pamayanang malapit sa Nile
Period mga - Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng
Dinastiya kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag
na hieroglyphics o nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.
- Nome ang tawag ilang pamayanan ay naging
sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt.

2 Early Panahon ng Una at - Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan

Dynastic mga Unang Ikalawang ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt.
Period Dinastiya Dinastiya - Si Menes ay isa sa mga pinakaunang
(circa 3100- pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng
2670 B.C.E.) Egypt.
- Ang Memphis ang naging kabisera sa
panahon ng paghahari ni Menes.
3 Old Matandang Ikatlo - Ang mga kahanga-hangang pyramid o
Kingdom Kaharian hanggang piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito
Ikaanim na ay nagsilbing mga monumento ng
Dinastiya kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
(circa 2670- hantungan sa kanilang pagpanaw.
2150 B.C.E.) (Halimbawa: Great Pyramid ni Khufu o
Cheops sa Giza)
- Paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile
River at Red Sea at nang mapabilis ang
kalakalan at transportasyon
- Pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang
maging bagong taniman.
4 First Unang Ikapito - Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng
Intermediate Intermedyang hanggang ika- mga panibagong pharaoh na pagbukluring
Period Panahon 11 Dinastiya muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
(circa 2150- Heracleopolis.
2040 B.C.E.) - Ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay
binuo naman ang Upper Egypt.
5 Middle Gitnang Ika-12 at ika- - Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni
Kingdom Kaharian 13 Dinastiya Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.)
(circa 2040- ang kampanyang militar sa Nubia
1650 B.C.E.) - Maraming ekspedisyon ang nagtungo sa
Nubia, Syria, at Eastern Desert upang
tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring
gamitin.
- Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos
mula sa Asya ang namayani sa panahong ito.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6 Second Ikalawang Ika-14 - Ang Ika13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari
Intermediate Intermedyang hanggang Ika- - Ang naging pangunahing banta sa mga
Period Panahon 17 Dinastiya pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya
(circa 1650- na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos
1550 B.C.E.) na namayani sa Avaris.
7 New Bagong Ika-18 - Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang
Kingdom Kaharian hanggang Ika- mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570
20 Dinastiya B.C.E.
(circa 1550- - Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.),
1070 B.C.E.) asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504
B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na
babaing pinuno sa kasaysayan.
- Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14
na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o
Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka rin
niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao
ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
8 Third Ikatlong Ika-21 - Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang
Intermediate Intermedyang hanggang ika- Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-
Period Panahon 25 Dinastiya 1044 B.C.E.) ng Lower Egypt.
(1070- 664 - Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I
B.C.E.) (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng
nagdaang dinastiya.
9 Late Period Huling Ika-26 - Psammetichus (664-610 B.C.E.) – Nagawa
Panahon hanggang Ika- niyang pagbuklurin ang Middle at Lower
31 Dinastiya Egypt.
(circa 664-330 - Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander
B.C.E.) The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi
ng kanyang Imperyong Hellenistic.
- Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang
kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at
pinasimulan ang Panahong Ptolemaic.
- Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna
ng dinastiya

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot.
1. Ano ang ilog na tinawag na “Pighati ng China”?
A. Yangtze B. Nile C. Indus D. Huang Ho
2. Alin sa mga sumusunod na dinastiya ang sinasabing pinakamaunlad na kabihasnang
gumamit ng bronse sa kabihasnang Tsino?
A. Zhou/ Chou B. Ming C. Xia D. Shang
3. Umusbong noon sa Dinastiyang Zhou/ Chou ang mga mahahalagang kaisipang humubog
sa kamalayang Tsino. Alin sa sumusunod na kaisipan ang may hangad ang balanseng sa
kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan?
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
4. Ano ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism?
A. Han B. Q’in o Ch’in C. Sui D. Ta’ng
5. Sino ang dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso.
Itinatag niya ang dinastiyang T’ang?
A. Shih Huangdi B. Li- Yuan C. Zhenge He D. Kublai Khan
6. Paano bumagsak ang dinastiyang Ming?
A. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan at pakikipaglaban nito
sa Japan na sumalakay sa Korea.
B. Naganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika
ng China kaya bumagsak ang dinastiyang Ming
C. Sinakop ito ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China.
D. Wala sa nabanggit
7. Sino ang nakapaglinang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o
nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek?
A. Nome B. Memphis C. Eskribano D. Menes
8. Alin sa mga sumusunod ang itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng
kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw?
A. Pyramid B. Khufu C. Cheops D. Hyksos
9. Paano napabilis ng kalakalan at transportasyon sa Matandang Kaharian?
A. Sa pamamagitan ng pagtangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli
ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.
B. Sa pamamagitan ng paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea.
C. Sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang sariling Sistema ng pagsusulat.
D. Lahat ng nabanggit.
10. Sino ang kahuli-hulihang reyna ng Huling Panahon?
A. Cleopatra IV C. Ptolemy I
B. Cleopatra VI D. Ptolemy II

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Karagdagang Gawain

Natuklasan mo na ang mga dapat mong malaman sa mga sinaunang kabihasnang

Tsino at Egyptian mula sa simpleng pamumuhay patungo sa kumplikado. Balikan
ngayon ang K-W-L Chart at iyong sagutan ang ikatlong kolum.

K-W-L Chart

Ano ang iyong Ano ang gusto mong Ano ang iyong
nalalaman? malaman? natutunan?
  

  

  

  

  

10

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1. Ano- ano ang iyong mga natutunan sa paksa?

2. Mula sa iyong mga natutunan, ano ang iyong pinakamahalagang kaisipan an

pumukaw sa iyo na maaring magamit mo sa iyong buhay?

3. Bilang isang tao, bakit kailangan nating malaman ang ating pinagmulan?
Ipaliwanag.

4. Bilang isang tao, paano ka makakatulong sa pagpapangalaga at pagpapanatili ng

mga ambag ng sinaunang kabihasnan?

5. Paano mo magagamit ang iyong nalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan

sa kasalukuyang panahon?

11

Sanggunian
https://peac.org.ph/learning-module-repository/?fbclid=IwAR3Zx_PoGop_p3srT-
OzbeKd5XWORrGlcr9U0FlyFZFP82NWbXR7FcBq_K4&fbclid=IwAR33AGcpp9aJpB
NuK_1-KthCKzgPR0jJe2WKmlZELvukhOWHRUYHNXxJATA

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

23

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

You might also like