You are on page 1of 29

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5
Aralin 3 - Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Aralin 3 – Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Dennis D. Recto, Jocelyn B. Alarde, Flora A. Felicano,

Victoria M. Olinares, Jessa D. Toring, and Edwin Ruiz

Tagasuri: Cirila M. Monleon (QA)

Elma M. Larumbe (Moderator)
Tagaguhit: Joe Lim and John Isaac M. Recto
Tagalapat:
Tagapamahala:
Schools Div. Superintendent: Marilyn S. Andales
ASDS.: Leah B. Apao
Ester Futalan
Cartesa Perico
CID Chief: May Ann Flores
EPS in LRMS: Isaiash T. Wagas
EPS in – Araling Panlipunan: Rosemary Oliverio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax.: (032)255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5
Aralin 3 - Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin

ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

ii
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito sa lahat ng mga

gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian (Reference) Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Sa araling ito, naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at

pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Sa araling ito, inaaasahang:

1. nasusuri ang limang sinaunang kabihasnan sa daigdig;

2. natutukoy ang iba't ibang heograpiya sa pagbuo at pag-

unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;

3. naipapaliwanag ang pagbuo at pag-unlad ng mga

kabihasnan;

4. nakapagbibigay ng dahilan sa pagbuo at pag-unlad ng

kabihasnan;

5. nakapagbibigay halaga sa epekto ng kabihasnan; at

6 naisusulat ang mga plano upang maiwasan ang

pagkawasak ng kabihasnan.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Aralin Mga
3 Sinaunang
Kabihasnan
sa Daigdig

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Greek na meso o "pagitan" at potamos o "ilog."

- Kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
- Pangkat ng mga taong Sumerian, Akkadian, Babylonian,
Assyrian, Chaldean, at Elamite.
- Malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at
Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig.
- Fertile Crescent ang tawag sa paarkong matabang
lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea.
- Ang pag-apaw ng tubig baha ng Tigris at Euphrates ay
siyang dahilan sa pagiging mataba ng lupain ng rehiyon.
- Daan-daang maliliit na pamayanan sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na
pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang
pangkalakalan.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

- Binubuo ng India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan,

Bhutan, Sri Lanka, Nepal, Maldives
- Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus
River.
- Ang tuktok ng kabundunkang Himalaya ay nababalot ng
makapal ng yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang
tubig ng dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
kilometro (1800 milya) at bumabagsak sa Kashmir patungong
kapatagan ng Pakistan.
- Matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng
mga lipunan at estado sa sinunang India.
- Maliliit na pamayanang mga tanggulan at maayos na mga
kalsada.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

- Pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong

daigdig hanggang sa kasalukuyan.
- Nagkaroon ng mahusay na pamamahala at may
ideolohiyang suportado ng Confucianism at Taoism.
- Umusbong sa tabing ilog malapit sa Yellow River o Huang
Ho.
- Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3000 milya.
- Dumadaloy ang ilog patungo sa Yellow Sea.
- Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa
lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain.
- Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinatawag nilang
barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang
Tsino.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang Sinaunang Kabihasnang sa Africa

- Nagsimula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa

hilagang-silangang bahagi ng Africa.
- Naging matatag ang ang kabihasnang yumabong sa
Egypt.
- Lower Egypt at nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan
ang ilog Nile ay dumadaloy patungong Mdediterranean Sea.
- Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert hanggang sa Abu Simbel.
- Nile River ay may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba
- Ang Egypt ay tinatawag na bilang The Gift of the Nile dahil
kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging
isang disyerto.
- Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ang
nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga
panahon iyon.

5
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

- Hunters o mangangaso ang nandayuhan mula sa Asya

patungong North America.
- Umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America
noong ika-13 siglo BCE - ang mga Olmec sa kasalukuyang
Mexico.
- Meso ay nangangahulugang "gitna."
- Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitna ng Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador.
- Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog
ng Panuco at Santiago.
- Ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng
Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng
Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.

6
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isaisip

1. Nabubuo ang kultura ng tao ng dahil sa isang lugar.

2. Sa pagtitipon tipon ng mga tao sa isang lugar, unti-unting

nagkakaroon ng pagbabagi ng kanilang mga karanasan.

3. Sa pagbabahagi ng karanasan, nabubuo ang mga

paniniwala at mga nakaugaliang pamamaraan sa buhay.

5. Ang lugar ay may malaking ambag sa pamumuhay ng

mga tao at ang mga koneksyon ng tao tulad ng pagkain,
bahay, damit, hayop, at iba pa.

6. Ang tubig na siyang nagsilbing regalo ng sangkatauhan

upang mabuhay. Dito rin makukuha ang mga nimeral na
kailangan ng ating katawan, mga hayop, at mga halaman.

7. Malaki rin ang naiambag ng mga bulubundukin lalo na sa

mga lugar na walang tubig o ilog. Sa pagtunaw ng mga yelo
sa mga bulubunduking Himalayas, nagbibigay ito ng
kaginhawaan sa mga tao, hayop, at halaman dahil dala
nitong tubig.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tayahin
Basahing mabuti ang tanong at sagutin ito sa
pamamagitan ng pagpili ng titik lamang.
1. Ang Nile River ay matatagpuan sa anong rehiyon ng Asya?
a. Hilaga b. Timog c. Kanluran d. Silangan

2. Ilang ilog ang nagbibigay ng biyaya sa Tsina noong

sinaunang kabihasnan?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

3. Paano nagsimula ang kabihasnan ng Mesoamerica?

a. Dahil sa mga Asyano na sumalakay sa America.
b. Mga pangkat ng mga mangangaso ang nandayuhan mula
Asya patungong North America.
c. Dahil sa magagaling ang mga Asyano at natalo nila ang
mga Amerikano sa pamamagitan ng mga barko at armas nito.
d. Naglakbay ang mga Asyano sa pamamagitan ng mga
barko galing Silangan patungong Timog Amerika.

4. Ano ang ibig sabihin ng "meso"?

a. gitna b. gilid c. galing d. ganda

5. Anong karagatan ang nasa kanlurang bahagi ng

Amerika?
a. Indian Ocean
b. Pacific Ocean
c. Atlantic Ocean
d. Celebes Sea

6. Ang ilog Nile ay may habang ?

a. 6694 kilometro c. 6692 kilometro
b. 6693 kilometro d. 6691 kilometro

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7. Tinatawag din siyang Yellow River.
a. Indus
b. Huang Ho
c. Tigris
d. Euphrates

8. Dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa

daigdig?
a. Himalayas
b. Kilimanjaro
c. Fuji
d. Doi Inthanon

9. Binubuo ito ng bansang India, Pakistan, Bangladesh,

Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, Maldives.
a. Timog Asya
b. Silangang Asya
c. Hilagang Asya
d. Kanlurang Asya

10. Bakit tinawag siyang Fertile Crescent?

a. Dahil sa paarkong matabang lupaing nagsimula sa Pesian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
b. Dahil sa paarkong matabang lupaing nagsimula sa
Mediterranean Sea hanggang sa silangang baybayin ng Pesian
Gulf.
c. Dahil sa matabang lupaing nagsimula sa Mediterranean Sea
hanggang sa silangang baybayin ng Pesian Gulf.
d. Dahil sa matabang lupaing nagsimula sa Pesian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sanggunian
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/92/China_blank_map.svg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/4d/Qing_Dynasty_Mongolia_map_1911.svg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/f2/Indian_states_according_to_the_party_of_t
heir_chief_minister.svg
https://i.pinimg.com/originals/3e/35/23/3e3523ab904806ce99382998e5066199.png
https://tnt.abante.com.ph/wp-content/uploads/2018/01/isda.jpg
https://asianparent-assets-ph.dexecure.net/wp-content/uploads/sites/11/2019/03/walang-tubig-
lead-feat.jpg
https://www.bisleri.com/sites/default/files/styles/blog_inner/public/2019-10/910-x-474-bisleri-
glass.jpg?itok=r0u90DcR
https://i.ytimg.com/vi/N_y8ITF2EpY/maxresdefault.jpg
https://lh3.googleusercontent.com/proxy/TW1YpeWCZJxiE5yLFcT9bIEWMnn2Gc4vdQSGaRJgPPWG
6_bgO6g3N8GQxjqXGNuMmq0VsjsQ55LwFSZ-WLMvkx7m46JBnX2SyIcDJrjoLXiTXdicUgcu
https://3w8dlo2orf8y3crtc22sslbh-wpengine.netdna-ssl.com/wp-
content/uploads/2020/04/himalayas.jpg
https://cdn.britannica.com/23/163423-050-12601682/Ataturk-Dam-Euphrates-River-Turkey.jpg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/fc/Tigris_River_At_Diyarbakir.JPG
https://www.shorthistory.org/images/mesopotamia-map.jpg
https://110101-313254-raikfcquaxqncofqfm.stackpathdns.com/wp-
content/uploads/2016/10/newsouthasia_2500bc.jpg
https://dinromerohistory.files.wordpress.com/2018/05/historylesson14ancientchinaancientchinawa
sbuiltalong_e8e92e_6151839.jpg?w=656
https://media.nationalgeographic.org/assets/photos/170/742/8073e634-9972-4d80-8675-
ebd483b7e238.jpg
https://cdn.britannica.com/58/99158-050-C0E8D68F/state-Sinaloa-Mexico.jpg
https://cdn3.vectorstock.com/i/1000x1000/18/47/smiling-boy-makes-a-jump-pretty-cartoon-
character-vector-15771847.jpg

10

Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11

You might also like