You are on page 1of 3

Unang Buwanang Pagsusulit

Sa
Ekonomiks
I. Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1.Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay dito, isaayos ang
sumusunod mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas ayon sa antas nito.
1. Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailangan sa seguridad
3. Pisyolohikal at biyolohikal
4. Pangangailangan sa sariling kaganapan
5. Pangangailangan sa karangalan
A. 2, 3, 4, 5, 1 B. 1, 2, 3, 4, 5 C. 3, 2, 1, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3

2. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain
ay nakasalalay sa kamay ng;
A. konsyumer B. prodyuser C. pamahalaan D.pamilihan

3. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang
tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa.

4. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na
bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La
Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

5. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan

II. Panuto: Isulat sa sagutang Papel ang tinutukoy ng mga pangungusap.


6.Sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunan ng yaman.(ekonomiks)

7. Ito ay nangangahulugan na management of household ( oikonomia)

8.Kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong
pagkunsumo.(kakapusan

9.Ito ay ang hindi napapalitan na pinagkukunan yaman(non-renewable resources)

10.Isang teorya na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangangailangan ng tao mula sa mga pangunahin
at payak na pangangailangan hanggang sa mga maselan at pinakamahirap na pangangailan na makakamtan ng
tao ( hirarkiya ng pangagailangan)

11. Isang sistema ng distribusyon o paglalaan at pagbabahagdan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan


ang mga pangangailangan at kagustuhan.

12.Paggamit ng produkto at serbisyo bilang pagtugon ng isang tao sa kanyang mga pangangailangan at
kagustuhan para sa kanyang pang araw araw na pamumuhay

13.Proseso ng paggawa ng mga produkto o serbisyo gamit ang mga likas na yaman at kakayahan,katalinuhan ,
kasanayan at pagkamalikhain ng tao.
14.Ang pondong ibinabahagi ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas mula sa pambansang badyet papunta sa
mga local na pamahalaan( internal revenue allotment o IRA)

15. Isang pamamaraan ng pag-aanunsiyo na naghihikayat sa mga taong bumili ng isang produkto kung
patotohanan ng isang sikat o pinagkakatiwalaang personalidad ang bias at husay ng produkto o serbisyong
kanyang ineendorso o kinakatawan .(Testimonial)

III.TAMA O MALI: Isulat ang T kung Tama ang sagot sa sagutang Papel at M kung mali ang tinutukoy ng
Pangungusap ,kasunod ang tamang salita.

16-17.Ang Mortality rate ay tumutukoy sa bahagdan ng bilang ng tao(T)

18-19.Ang kagustuhan ay mga bagay na lubhang kailangan ng tao upang mabuhay sa araw-araw.(M-
Pangangailangan)

20-21.Ang Pangangalanagan Pisikal ay pangalawang antas sa hirarkiya ng pangangailangan (M-


Pangangailangang pangkaligtasan o panseguridad or unang antas)

22-23.Ang sistemang tradisyunal ay nakabatay sa paggawa ng mga produkto o serbisyo mula sa mga polisiya
ng estado ( M sistemang pinag-uutos)

24-25.Sa Ilalim ng sistemang laissez faire o malayong daloy ng ekonomiya sila ay may karapatan na magtayo
ng kanilang negosyo at kumita mula ditto (T)

26-27.Ang Bandwagon ay isang brand oo tatak na pangalan ng produktong kumakatawan sa isang negosyo ( M
Brand Recall)

28-29.Ang testimonial ay ang labis na pagbili ng produkto o serbisyo bunga ng pananakot sa sitwasyon na
mauubusan ito sa mga pamilihan(M- panic buying)

30-31.Ang kooperatiba ay isang kinathang institusyon na kinikilala ng batas at binuo upang maging isang
pangunahing tauhan sa pagpapatakbo ng negosyo (M Korporasyon)

32-33.May tatlong tauhang kabilang sa proseso ng produksyon na gumagawa ng mga produkto o serbisyo: ang
supplier , producer at pamahalaan. (M customer)

34-35.Ang stockholder ay bumibili ng isang korporasyon upang mapalago ang produksyon nito. (T)

IV.
A B

36.Ekonomistang naniniwala na likas ang kakapusan. A. Abraham Maslow


37.Sikolohistang Amerikano na gumawa ng konsepto ng Hirarkiya ng mga mga B. Adam Smith
Pangangailangan.
C. Francois Quesnay
38.Tinaguriang Ama ng makabagong ekonomiks
D. John Stuart Mill
39.Naniniwala na umiiral ang kakapusan dahil sa pagtaas ng populasyon.
E. Thomas Malthus
40.Isang ekonomistang Pranses na nagsulong sa teoryang Physiocracy.
F.
G.

Inihanda ni:

Bb. Gina S. Soliman


TAMANG SAGOT:
1. C
2. C
3. A
4. D
5. D
6. EKONOMIKS
7. OIKONOMIA
8. KAKAPUSAN
9. NON-RENEWABLE RESOURCES
10. HIRARKIYA NG PANGANGAILANGAN
11. ALOKASYON
12. PAGKONSUMO
13. PRODUKSYON
14. INTERNAL REVENUE ALLOTMENT (IRA)
15. TESTIMONIAL
16-17. T
18-19.M-PANGANGAILANGAN
20-21.M-PANGANGAILANGAN PANGKALIGTASAN O PANSEGURALIDAD /UNANG ANTAS
22-23. M-SISTEMANG PINAG-UUTOS
24-25.T
26-27. M-BRAND RECALL
28-29.M-PANIC BUYING
30-31.M-KORPORASYON
32-33.M-CUSTOMER
34-35. T
36.D

You might also like