You are on page 1of 3

Paaralang Nasyonal ng Moscoso-Rios

Villavert-Jimenez, Hamtic, Antique

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 9

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa bawat aytem at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Ang Ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na Oikonomia na nangangahulugang?


A. pamamahala ng bahay C. sistemang pang-ekonomiya
B. kita sa negosyo D. pamamahala sa palengke
2. Ito ay isa sa mga salik ng produkyon na tumutukoy sa kalakal na nakakalikha ng iba pang produkto. Ito ay maaari ding iugnay sa salapi
at imprastruktura tulad ng gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
A.Kapital C.Lupa
B.Entrepreneurship D.Paggawa
3. Sa ilalim ng COMMAND ECONOMY, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa
kamay ng?
A. konsyumer C. pamilihan
B. prodyuser D. pamahalaan
4. Ito ay proseso sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.
A. pagkonsumo C. alokasyon
B. produksiyon D. paggawa
5. Ipananukala niya ang teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan’.
A. Herbert Spencer C. Charles Darwin
B. Abraham Harold Maslow D. Abraham Conniel
6. Ito ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
A. incentives C. trade-off
B. opportunity cost D. choices
7. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital.
Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
D. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang- yaman ng bansa
8. Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon,
kultura at paniniwala.
A. Command Economy C. Traditional Economy
B. Mixed Economy D. Market Economy
9. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
A. Sistemang Pang-ekonomiya C. Produksiyon
B. Alokasyon D. Market Economy
10. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D. isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
11. Ito ay isa sa mga salik ng produkyon na tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kasama narin ang
lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral at yamang-gubat.
A.Kapital C.Lupa
B.Entrepreneurship D.Paggawa
12. May limang antas ang Herarkiya ng Pangangailangan. Sa antas na ito, nakapaloob ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubug,
hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.
A. Pangangailangang Panlipunan C. Pangangailangang Pisyolohikal
B. Kaganapan sa Pagkatao D. Pangangailangan sa seguridad at kaligtasan
13. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
A. negosyo C. demand
B. pagkonsumo D. kakapusan
14. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo, at pangangasiwa ng gawain.
A. Command Economy C. Traditional Economy
B. Mixed Economy D. Market Economy
15. Ito ay binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo. Pangunahing layunin
nito ang makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
A.Partnership C. Cooperative
B. Corporation D. Sole Proprietorship
16. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa?
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo. C. paglinang ng likas na yaman.
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo. D. pamamahagi ng pinagkukunang-yaman.
17. Ito ay mga bagay na hinahangad ng tao para mas maging masaya at komportable sa buhay.
A. kagustuhan C. demand
B. presyo D. pangangailangan
18. Ito ay tumutukoy sa pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo.
A. Pagkonsumo C. Produksiyon
B. Alokasyon D. Market Economy
19. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng
kakapusan.
20. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational People think at the margin”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang tao ay laging nag-iisip.
B. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga mula sa gagawing desisyon.
C. Nag-iisip ang tao ayon sa kanyang paniniwala.
D. Laging nasa linya kung mag-isip ang tao.
21. Ito ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto.
A. Input C. Materyal
B. Produkto D. Output
22. Ito isang organisayonng binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at
pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo.
A.Partnership C. Cooperative
B. Corporation D. Sole Proprietorship
23. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban sa _______.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
C. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
D. magiging maayos ang pagbabadyet
24. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.
A. ekonomiks C. produksiyon
B. alokasyon D. kita
25. Ito ay isa sa mga organisayon ng negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
A. Partnership C. Sole Proprietorship
B.Cooperative D. Corporation
26. Ito ay proseso ng paglikha ng isang produkto.
A. ekonomiks C. produksiyon
B. alokasyon D. kita
27. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay rito, isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa
hanggang pinakamataas ayon sa antas nito.
1.Pangangailangang Panlipunan
2. Pangangailangan sa seguridad at kaligtasan
3.Pangangailangang Pisyolohikal
4. Kaganapan sa Pagkatao
5. Respeto sa Sarili at ibang tao
A. 2, 3, 4, 5, 1 C. 3, 2, 1, 5, 4
B. 1, 2, 3, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3
28. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang produkto.
A. kakulangan C. demand
B. supply D. kakapusan
29. Ito ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
A.Partnership C. Cooperative
B. Corporation D. Sole Proprietorship
30. Ito ay uri ng lakas-paggawa kung saan ang mga manggagawa ay may kakayahang pisikal at ang mga halimbawa nito ay karpintero,
magsasaka, drayber at iba pa.
A. Blue Collar Job C. White Collar Job
B. Pink Collar Job D. Black Collar Job
31. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
A. kakulangan C. negosyo
B. supply D. kakapusan
32. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng
sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.
33. Ito ay uri ng lakas-paggawa kung saan ang mga manggagawa ay may kakayahang mental at ang mga halimbawa nito ay doctor,
abogado at iba pa.
A. Blue Collar Job C. White Collar Job
B. Pink Collar Job D. Black Collar Job
34. Ito ay isa sa mga salik ng produkyon na tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
A.Kapital C.Lupa
B.Entrepreneurship D.Paggawa
35. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
36. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa kaniyang pang-araw-araw na Gawain.
A. kagustuhan C. pangangailangan
B. supply D. demand
37. Ito ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.
A.Kapital C.Lupa
B. Profit o Tubo D.Paggawa
38. Ito ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Ito ang may pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari.
A.Partnership C. Cooperative
B. Corporation D. Sole Proprietorship
39. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
A. Kapital C. Lupa
B. Entrepreneurship D. Lakas- Paggawa
40. Ang sumusunod ay mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang indibidwal maliban sa:
A. Demonstration Effect C. Edad
B. Pagkakautang D. Pagbabago ng Presyo
II. Pagtatapat-tapat
Panuto: Tukuyin sa hanay B kung anong Consumer Protection Agencies ang tinutukoy ng hanay A. Titik lamang ang isulat.

A B
41. Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng a. Professional Regulatory Commission
gamot, pagkain, pabango, at make-up. (PRC)
42. Responsibilidad nito ang reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o b. Securities & Exchange Commission
timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” (SEC)
43. Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula c. Philippine Overseas Employment
sa hangin at tubig). Administration (POEA)
44. Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya- d. Department of Trade and Industry
maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga (DTI)
mangangalakal. e. Insurance Commission
45.Ang ahensiyang ito ang namamahala hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling f. Energy Regulatory Commission (ERC
etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.
g. Housing & Land Use Regulatory
46. Ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati Board (HLURB)
na rin ang mga subdibisyon.
h. City/Provincial/Municipal Treasurer
47. Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)
timbangan at mapanlinlang na pagsukat. i. Fertilizer and Pesticide Authority
(FPA)
48. Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng
propesyon kabilang na ang mga accountant, teacher, doctor, engineer at iba pa. j. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
49. Pinamamahalaan nito ang reklamo laban sa illegal recruitment activities. k. Environmental Management Bureau
(DENR-EMB)
50. Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng
pyramiding na gawain.

III. Enumerasyon
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod:

51-54. Mga Salik ng Produksiyon


55-57. Tatlong Karapatan ng Mamili
58-60. Magbigay ng tatlong pangangailangan ng tao.

Kasiyahan nawa kayo ng Diyos sa pagsagot ng inyong Pagsusulit  

Inihanda ni:

SHALEIMAR S. MABAQUIAO
Guro sa Filipino
Pinansin ni:

MARY ANNE C. PAVA


Master Teacher I

You might also like