You are on page 1of 14

MGA BATAS/PATAKARAN

TUNGKOL SA SEKTOR NG
AGRIKULTURA

Inihanda ni: Brayne Kean M. Cardenas


Layunin:
• Natatalakay ang mga patakaran at
programa upang mapaunland ang sektor ng
Agrikultura
• Naisa-isa ang mga patakaran upang
mapaunlad ang sektor ng agrikultura
• Napapahalagahan ang paksang aralin
MGA BATAS SA LUPA

1. LAND REGISTRATION ACT 1902


Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay
ipinatalang lahat.
2. Public Land Act ng 1902
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga
pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring
magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.

3. Batas Republika Bilang 1160


Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation
Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng
mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin
sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
Ito ay batas na nagbibigay proteksyon laban sa pang aabuso,
pagsasamantala, at pandaraya ng mga may ari ng lupa sa mga
manggagawa.
5. Agricultural Land Reform Code
• Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng
dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
• Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na
tunay na may- ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang
kasama.
• Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga
magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa
mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng
pamahalaan sa may-ari ng lupa.
6. Atas ng Pangulo Blg.2 ng 1972
Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong
Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.

7. Atas ng Pangulo Blg.2 ng 1972


• Kaalinsabay Pangulo ng Blg. ay ipinatutupad ang batas na ito na
sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan
at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.
• Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi
kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo,
pinya, at iba pang pananim.
• Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng
limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa
kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.

8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988


• Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian. Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng
Hunyo, 1988.
• Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang
agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP).
• Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim
nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa
mga may-ari ng lupa.
• Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak
ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang
magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
• Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang: liwasan at parke, mga gubat at
reforestration area, mga palaisdaan , tanggulang pambansa, paaralan,
simbahan, sementeryo, templo, watershed, at iba pa,
PATAKARAN AT PROGRMA
SA PANGINGISDA
1. Pagtatayo ng mga daungan.
Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan,
nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan.

2. Batas Republika Blg. 8435


(Agriculture and Fisheries Modernization Act) AFMA paunlarin ang subsectors na pangingisda at pagmomodernisa ng
mga kagamitan, paglinang ng paggamit ng teknolohiya sa mga gawain, paghikayat sa pakikilahok ng maraming
mangingisda at magsasaka, gayundin ang pribadong sector upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng ating bansa
3. Philippine Fisheries Code of
1998
Ito ang itinadhana ng pamahalaan na
naglilimita at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas.
MGA PATAKARAN AT
PROGRAMA SA
PAGTOTROSO
1. Community Livelihood Assistance
Program (CLASP)
Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng
bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon
ng mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.
2. National Integrated Protected Areas System
I
(NIPAS)
Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang
kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.

3. Sustainable Forest Management Strategy


Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya
ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na
pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
Kamsahamnida!!!!

You might also like