You are on page 1of 5

Sektor ng Agrikultura

-pinagmumulan ng pagkain ng mamamayan.

Kahalagahan ng Agrikultura

1. Nagtutustos ng Pagkain

-mga produkto tulad ng :palay,mais,tubo,patatas at iba pa. (mangga, pinya, kopra, saging).

2. Pinagkukunan ng hilaw na materyales

-pagmamanupaktura at kalakalan.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas/nagpapasok ng dolyar sa bansa

-inilulunas sa iba’t-ibang panig ng mundo.

4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho

-hal: magsasaka, mangagawang-bukid ,katiwala at minero.

5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor ng Agrikultura patungo sa sektor ng


Industriya at paglilingkod.

SUBSEKTOR NG SEKTOR NG AGRIKULTURA

 Paghahalaman (Farming)
 Paghahayupan (livestock)
 Pangingisda (fishery)
 Paggugubat (forestry)
 Pagmamanukan (Poultry)
 Pagsasaka (farming)
 Pagmimina (mining)

SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1. Kakulangan sa sapat na imprastraktura at puhunan


2. Masamang panahon
3. Mataas na gastusin sa pagsasaka
4. Pag ng dayuhang produkto
5. Kakulangan sa makabagong kagamitan/teknolohiya
6. Problema sa capital
7. Malawakang pagpapalit gamit ng lupa
8. Monopolyo sa pagmamay-ari sa lupa
9. Erosion sa lupa
10. Global Warming/Climate Change
PANGINGISDA

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda.


2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
3. Lumalaking populasyon sa bansa.
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.

MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1. Land Registration Act ng 1902


- ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung
saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
2. Public Land Act ng 1902
- Napakaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na
nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit
sa 16 na ektarya ng lupain.
3. Batas Republika blg. 1160
- Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation
Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga
lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga
binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
4. Batas Republika blg. 1190 ng 1954
- Ito ay batas na nagbibigay-proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
5. Agricultural Land Reform Code
- Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating
Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito,
ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang
din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaasn sa mga
lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling
ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng
pamahalaan sa may-ari ng lupa.
6. Atas ng Pangulo blg. 2 ng 1972
- itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.
7. Atas ng Pangulo blg. 27
- kaalinsabay ng Atas ng Panulo blg. 2 ay ipinatupad ang batas na ito na sinasabing
magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sakanila ng
pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng
palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog,
tubo, pinya, at iba pang pananim. Ang magsasaka ay binibigyan ng pagkakataong
magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang
lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.
8. Batas Republika blg. 6657 ng 1988
- Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni
dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng
batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob
sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).

Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga
walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa.
Sila ay makapagtitira ng di higit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay
bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito. Ang
pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.

Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang :

 Liwasan at parke
 Mga gubat at reforestration area
 Mga palaisdaan
 Tanggulang pambansa
 Paaralan
 Simbahan
 Sementeryo
 Templo
 Watershed, at iba pa

Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari ay isinasagawa sa ibat’t-ibang


paraan. Maaaring magbayad ng salapi ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o
bonds ng pamahalaan. Ang lupang higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay
panagot o bonds ng pamahalaan. Ang 24-50 na ektarya ng lupa ay 30% ng salapi. Ang natitirang
bahagi ay bonds ng pamahalaan. Isa pang paraan ay pagbibigay ng kredito sa buwis na
binabayaran ng may-ari ng lupa.

SANGAY NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1. Department of Agriculture (DA)


2. Department of Agrarian Reform (DAR)
3. Department of Environment and National Resources (DENR)
4. National Irrigation Administration (NIA)
5. National Food Administration (NFA)
6. Bureau of Animal Industry (BAI)

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP)

- Isa sa mga pinagtitibay ng patakarang panlupa ay ang Republic Act 3884 or


Agricultural Land Reform Code sa ilalim ng pamumuno ni Diosdado Macapagal. Ito
ay naisabatas noong Agosto 8, 1963. Ito ay naglalayong mailipat ng pagmamay-ari
ng lupain sa mga nangungupahan ditto.
- Ang CARP ay sinimulang isakatuparan noong Hulyo 10,1988 sa panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino.
- Ang COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW (CARL) 1988 o R.A. no. 6657 sec.
63(b) nagpanukala na “lahat ng nalikom na halaga mula sa pagbebenta ng mga ari-
ariang nabawi at kinita mula sa pagbebenta ng ill-gotten wealth ay pwedeng
gamiting pondo 0 laang pondo ng ahensiya.
o Kasama dito ang lahat ng pampubliko at pribadong lupang agrikultural ayon
sa proklamasyon blg. 131 at Executive Order no. 229

(KAM) KASAMA ANG MGA SUMUSUNOD SA CARP :

 Lahat ng pampublikong lupa na nakatengga na maaring gamitin pang-agrikultura.


 Lahat ng pampublikong lupa na lampas sa limitasyon na itinakda ng kongreso.
 Lahat ng lupain ng gobyerno na maaring gamitin pang-agrikultura.
 Lahat ng pribadong lupaing pang pang-agrikultura, ano man ang tanim.

MGA SULIRANIN NG CARP

 Pondo
 Hindi pagkakasundo sa paggamit ng lupa
 Paglabag sa R.A. 6657
 Tulong paglilingkod

BATAS REPUBLIKA BLG 6657 (1988)

- Hindi sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang ginagamit bilang:

 liwa Liwasan at parke


 Mga gubat at reforestration area
 Mga palaisdaan
 Tanggulang pambansa
 Paaralan
 Simbahan
 Sementeryo
 Templo
 Watershed

PROGRAMA NG CARP

1. Mapaunlad/mapaayos ang pagmamay-ari ng lupa


2. Maghatid ng katarungang pang-agraryo
3. Magtaguyod ng programa ng pagpapaunlad sa mga nakinabang o benepisyaryo.

You might also like