You are on page 1of 2

Batas Republika Blg.

6657 ng 1988

Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) – sa ilalim ng programang ito, lahat ng


publiko at pribadong lupaing agrikultural, anuman ang tanim ay ipapamahagi sa mga
magsasaka na walang sariling lupa.

-May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa.


-Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa.
Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang
magsasaka nito

-Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:


•Liwasan at parke
•Mga gubat at reforestration area
•Mga palaisdaan
•Tanggulang Pambansa
•Paaralan, simbahan, sementeryo, templo, watershed, at iba pa

-Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari ay isinasagawa sa iba’t ibang


paraan:
-
-Maaaring magbayad ng salapi ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o bonds
ng pamahalaan.

a.Ang lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay bonds ng


pamahalaan.
b. Ang 24-50 ektarya ng lupa ay 30% salapi, at ang natitira ay bonds.

PART 1
Panuto: Ang GNI, GDP at Human Development Index (HDI) ay ginagamit na panukat sa antas
ng kaunlaran ng isang bansa. Ipaliwanag sa loob ng kahon sa kanang bahagi ang kahalagahan
ng mga ito sa pagsukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.

Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang agrikultura.
Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya.
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura

GAWAING AGRIKULTURA:
Pagsasaka - - ay isang gawain na nakatuon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at
pananim. Ang pangunahing pagkain sa ating bansa tulad ng bigas ay nagmumula sa gawaing
ito
Paghahayupan - - ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at
iba pa. Ito ay nakatutulong sa pag -supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang
pagkain.

Pangingisda - - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa
buong mundo.

You might also like