You are on page 1of 1

Ang Komprehensibong Programa sa Repormang

Pansakahan[1] (Comprehensive Agrarian Reform Program na mas kilala


bilang CARP) ang batas ng repormang panglupainng Pilipinas na ipinasa
ng Kongreso ng Pilipinas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong
1988. Ito ay Republic Act No. 6657. Noong 10 Hunyo 1988, nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program
na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping
mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain. Ang batas ay
nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa
mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin
sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng
kanilang lupain. Ang mga may aring nagbenta ng lupain ay babayaran ng
installment sa 15 taon. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga
may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag
sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at
sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa. Ito ay
nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at
kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang halimbawa
nito ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilyang Cojuangco na
kinabibilangan ni Corazon Aquino na namahagi lamang ng stock sa mga
manggagawa ng Hacienda Luisita sa halip na ipamahagi ang lupain ng
Hacienda Luisita sa mga manggagawa.

You might also like