You are on page 1of 2

 Reporma sa Lupa

Ang reporma sa lupa (repormang agraryo din, bagaman ito ay may mas malawak na kahulugan) ay
kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas, alituntunin, o kalakaran hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.
Maaring binubuo ang reporma sa lupa ng muling pamamahagi ng mga ari-arian na sinisimulan o
sinusuportahan ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, ang ari-arian na binabahagi muli ay mga lupaing
pansaka. Samakatuwid, ang reporma sa lupa ay maaring tumukoy sa paglipat ng pagmamay-ari mula sa
mas may makapangyarihan sa di-gaanong makapangyarihan o walang kapangyarihan, katulad ng mula sa
maliit na mga mayayaman (o marangal) na may-ari na may malawak na lupain (halimbawa, mga asyenda,
mga malaking rantso, o mga lupang gamit sa negosyong sakahan) patungo sa kanya-kanyang pagmamay-
ari ng mga manggagawa ng mga lupaing iyon. Ang mga ganoong paglipat ng mga pagmamay-ari ay
maaring mayroon o walang kabayaran; maaring iba-iba ang kabayaran katulad ng katibayan ng halaga ng
kabayaran o kabayaran mismo ng buong halaga ng lupa.
 Pagsisimula ng Problema sa Lupa
Nagsimula ang problema sa lupa noon pang panahon ng pananakop ng Español nang ipatupad ang
sistemang engkomiyénda (encomienda) noong 1570.
Ang encomienda ay isa sa mga makasaysayang sistema na ipinatupad ng mga mananakop na Espanyol sa
mga kolonya nito. Sinimulan nila itong ipatupad noong 1503 sa mga nasasakupan sa Amerika. Ang
salitang “encomienda” ay nagmula sa salitang encomendar, nangangahulugang “ipagkatiwala.” Ito ay
gantimpala ng Hari ng Espanya sa isang conquistador, sinomang pinunong Espanyol o sundalo, para sa
kanilang mahaba at matapat na serbisyo. Ipinagkatiwala sa conquistador ang pamamahala sa isang
malaking lupain at ang mga mamamayang naninirahan dito.
Inangkin ng iilang pamilya, at maging ng mga fraile, ang malalawak na lupaing sakahan. Ang
problemang ito ay hindi nalutas hanggang sa panahon ng Republikang Malolos. Sa panahong ito mahigit
sa 400,000 magsasaka ang walang titulo dahil sa ginawa ng mga Español at dahil sa kanilang ignoransiya
sa batas. Nagresulta ito ng mas malaking gulo sa lupa.
 Mga Batas Ukol Sa Reporma Sa Lupa
1902 LAND REGISTRATION ACT

 Sa panahong ito ipinanukala ng sistemang TORRENS noong panahon ng amerikano. Ito ay


pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga Pilipino. Ang TORRENS TITLE ang nagbigay-daan
upang agawin ang lupang walang titulo na binubungkal ng mga magsasaka.
 Grants of public land were brought under the operation of a Torrens system.
 Placed all public and private land under the Torrens system.
1903 PUBLIC LAND ACT

 Ito ay batas na nagbigay daan sa pamimigay ng mga lupang pampubliko sa mga pamilyang
bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.
TENANCY ACT NG 1933 (Batas Blg. 4054 at 4113)

 Ito ay batas na nagsasaayos ng ugnayan sa pagitan ng may-ari ng lupa at ang nagbubungkal ng


lupa na tinatamnan ng palay (50-50 ang hatian) at lupain para sa tubo.
 In 1946 Manuel Roxas proclaimed the Rice Share Tenancy Act of 1933 effective throughout the
country.
COMMONWEALTH ACT BLG. 178 (pag-ameyenda ng RICE TENANCY ACT. BLG. 4045)

 Ito ay may kinalaman sa pagkontrol sa relasyon ng may-ari ng lupa at nagbubungkal nito.


REPUBLIC ACT NO. 178

 AN ACT TO AMEND CERTAIN SECTION OF COMMONWEALTH ACT NUMBERED ONE


HUNDRED FORTY-SIX, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE PUBLIC
SERVICE ACT, SO AS TO INCREASE THE NUMBER OF COMMISSIONERS IN THE
PUBLIC SERVICE COMMISSION AND TO CREATE AN OFFICE TO BE KNOWN AS THE
OFFICE OF THE PEOPLE'S COUNSEL IN THE PUBLIC SERVICE COMMISSION.
BATAS REPUBLIKA BLG. 34

 Pagsasaayos ng hatian ng lupa sa pagitan ng may-ari ng lupa at magsasaka.


BATAS REPUBLIKA BLG. 55

 Pagbibigay-proteksyon sa di-makatarungang pagpapaalis sa mga magsasaka.


BATAS REPUBLIKA BLG. 3844 (Agricultural Land Reform Code)

 Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal sa lupas ay itinuturing na tunay na may-ari ng lupa.
Inalis din ng batas na ito ang sistemang nagpasimula ng isang malawakang reporma sa lupa.

 Mga Programa Ukol Sa Reporma Sa Lupa


DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

 Ito ay isang programang nakatuon sa progresibong pamamalakad sa lupa sa pamamagitan ng


pamamahagi ng lupa at pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga benepisyaryo upang mapabilis
ang antas ng kaunlarang sa mga pook rural.
LAND BANK OF THE PHILIPPINES

 Ang bangkong tumutugon sa pinansyal na pangangailangan ng programang reforma sa lupa.


GULAYAN NG BAYAN

 Layuning magkaroon ng pagkain ang bawat Pilipino at maiahon sila sa kahirapan.


K-AGRINET

 Nagbibigay pagkakataon sa mga magsask, mangingisda, at agri-entrepreneur s mga pook rural na


matuto at makagamit ng kagmitan ng ICT para sa pagkuha ng impormasyon.
 Bigasan ng Bayan- Para matulungan ang mga magsasaka na maipagbili ang kanilang ani at upang
matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na makabili ng abot-kayang presyo ng bigas.

You might also like