You are on page 1of 3

Reporma ng Lupa sa Pilipinas

Bago talakayin kung ano ba ang mga batas ukol sa reporma ng lupa, narito ang
kahalagahan ng lupa sa mga magsasaka:

Ayon sa isang source na aking pinagkuhanan, maraming magsasakang Pilipino ang


patuloy na nangangarap na magmay-ari ng sariling lupa at napakahalaga ng lupa para sa mga
magsasaka. Ito ay katumbas daw ng kanilang buhay sapagkat sa lupa rin rila kumukuha ng
kanilang kabuhayan. Ang mga magsasaka ang tinagurian na gulugod o backbone ng ekonomiya,
dahil ang mga magsasaka ang pangunahing nagbibigay o nagpoprovide ng bigas, mais at mga
pagkaing naaani? Ang mga magsasaka ang sumusuporta sa ekonomiya ng bansa.

Reporma sa Lupa

Ang reporma sa lupa ay isang programa na may layuning mabigyan ng kani-kanilang


sariling lupa ang mga maliliit na magsasaka o mga magsasakang nakikisaka lang at walang
sariling lupa. Nililipat ang pagmamay-ari ng lupa mula sa mas may makapangyarihan sa di-
gaanong makapangyarihan o walang kapangyarihan, katulad ng mula sa mga may-ari ng
malawak na lupain (halimbawa mga plantasyon, mga hasyenda, mga malaking rantso) patungo
sa kanya-kanyang pagmamay-ari ng mga manggagawa ng mga lupaing iyon. Ang mga ganoong
paglipat ng mga pagmamay-ari ay maaring mayroon o walang kabayaran. Samakatuwid, ang
reporma ng lupa ay ang pagbabahagi ng lupaing sinasaka sa mga manggagawa nito.

Nagsimula ang problema sa lupa noon pang panahon ng pananakop ng Español nang
ipatupad ang sistemang engkomiyénda (encomienda) noong 1570. Inangkin ng iilang pamilya, at
maging ng mga prayle ang malalawak na lupaing sakahan. Ang problemang ito ay hindi nalutas
hanggang sa panahon ng Republikang Malolos. Hindi natapos ang problema sa pagkakaroon ng
batas. Sa panahong ito mahigit sa 400,000 magsasaka ang walang titulo dahil sa ginawa ng mga
Español at dahil sa kanilang pabalewala sa batas, nagresulta ito ng mas malaking gulo sa lupa.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang unang reporma ay ginawa


ng gabinete (noong 1945). Ito ay binigyang kahulugan noon bilang isang patakaran sa pag-iwas
sa sarili batay sa pagkakasunud-sunod ng pagpapalaya ng Trabaho Army ng mga magsasaka.
Ngunit hindi nasisiyahan ang Occupation Forces sa nilalaman ng naturang patakaran. Bilang
resulta nito, itinatag ang batas sa mga espesyal na panukala para sa paglikha ng mga magsasaka
sa sarili at ang batas sa pagsasaayos ng lupang pang-agrikultura at ang pangalawang reporma ay
naisagawa noong taon mula 1947 hanggang taong 1950. Ang mga pangunahing paksa ay
kinabibilangan ng: pagtanggi sa sistema ng may-ari , pagbawas ng pagmamay-ari, limitasyon sa
may-ari ng lupa, pagkontrol sa taniman ng lupa, pagsasapribado ng
mga karapatan, pagbabawal ng pagkuha ng lupa ng mga may-ari, at pagbabayad sa
nangungupahan. Noong panahong iyon, ang mga maliliit na gawaing nakatira sa 46% ng
kabuuang lupang maaararong lupa ay pinilit na mapilit at maipagbili sa mga magsasaka, ngunit
tinanggihan hanggang 10%, ang sistema ng may-ari ng lupain ay binuwag. Bagama't may mga
kakulangan tulad ng mga gubat na hindi pa naitala, gayundin ang pagkakaroon ng pamamahala
ng micro-agrikultura, ang mga reporma sa agrikultura sa lupa ay nagtulak sa pagpapaunlad ng
produktibong agrikultura. Noong 1952, pinagtibay ang Agrikultura Land Act upang mapanatili
ang tagumpay ng reporma sa lupa at sinundan na ng iba pang mga batas na may kinalaman sa
repormang panlupa. Sinikap harapin ng mga naging pangulo ng Pilipinas ang problema sa mga
lupaing sakahin.

Mga batas na may kinalaman sa pagpapatupad ng repora sa lupa

Batas Republika Blg. 3844 – (Agrikultural Land Reform Code) ang mga lupang binili ng
pamahalaan ay ipinagbili sa mga magsaska nang hulugan at sa parehong presyon na ibinabayad
ng pmahalaan sa may-ari ng lupa. Ito ay binubuo ng 173 na sektor na nahati-hati pa sa ibang
ibang kabanata at naaprubahan at naging epektibo noong ika-8 ng Agosto taong 1963 (panahon
ni Pangulong Diosdado Macapagal).
1902 Land Registration Act – (Act No. 496) nagsasaad ng tamang pagrerehistro o rehistrasyon
ng mga titulo sa ilalim ng sistemang Torrens noong panahong amerikano ay ipinatupad. Ang
Torrens Title ang nagbibigay daan para agawin ang mga lupang matagal nang binubungkal ng
mga magsasaka nang walang titulo (pagpapaupa). Dito umusbong ang Pilipinong may-lupa na
nagmamay-ari ng hasyenda.

1902 Public Land Act - ang batas na nagbibigay-daan sa pamimigay ng mga lupang publiko sa
mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.

Batas Republika Blg. 1160 - itinatag ang National Resettlement and Rehabilitation
Administration na nangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga pamilyang walang
lupa.

Batas Republika Blg. 1190 – batas na nagbibigay ng prokteksyon at seguridad sa mga


magsasaka.

Atas ng Pangulo Blg. 2 at 27 – (Tenant’s Emanicipation Act) noong ika-21 ng Oktubre 1972, ang
Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinasailalim ang buong bansa sa reporma sa lupa. Ang Atas ng
Pangulo Blg. 27 ang batas na magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at
naglipta sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka (panahon ni Pagulong Ferdinand Marcos
sa ilalim ng batas military).

Batas Republika Blg. 6657 – (Comprehensive Agrarian Reform Law) ang nagpapatupad ng
Comprehensive Agrarian Reform Program (may layunin ang CARP na maipamahagi ang higit sa
apat na milyong ektarya ng lupa sa loob ng sampung taon). Sa ilalim ng programang ito, ang
lahat ng publiko at pribadong lupaing agrikultural, anuman ang tanim ay ipamamahagi sa mga
magsasaka na walang sarling lupa. Ang anak ng may-ari ay bibigyan ng tig-limang ektarya ng
lupa Pero hindi pa rin ito naipatupad ng Department of Agrarian Reform noong 1989 (panahon
ni Pangulong Corazon Aquino).

Rice Share Tenancy Act 1993 - (Act no. 4054) na nagsasaayos sa relasyon ng mayari ng lupa at
mga kasamá sa taniman ng tubo.
Sa mga sumunod na pangulo, sina Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, at Gloria Macapagal-Arroyo,
walang malinaw na batas o utos tungkol sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

You might also like