You are on page 1of 1

Kislap ng Kaunlaran

(tula para sa pagbabago sa isang bansa)


Sa panulat ni Elmer C. Murillo

Kaunlarat pagbabago, siyang sigaw ng karamihan


Palayasit paalisin, mga tiwaling lider na nasa kinauukulan
Patayit sugpuin pangungurakot sa kaban ng bayan
Bunutit puksain mga salut sa lipunan
Upang kislap ng pagbabago ating masisilayan

Magsipag, magbanat ng buto


Para tayong mga Pilipinoy umasenso
Tangkilikin mga produktong sariling atin
Para ekonomiya ng bayay tumaas-taas man din
Upang kislap ng pag-unlad ating mababanaag

Huwag magpaapi, matutung lumaban


Ipagtanggol ang sarili hanggang kamatayan
Huwag mong hahayaang malupig ka nila Juan
Ipaglaban pantay-pantay na karapatan
Upang kislap ng katarungan, ating makakamtan

Edukasyon sa bansa nating pagyamanin


Lahat ng mga kabataan ay pag-aralin
Kinabukasan ng mga batay karapat-dapat unahin
Kaligtasan nilat dapat pagtuunan ng pansin
Upang kislap ng karunungan, kanilang masisilayan

Halinat tayong lahat ay magtulungan


Kapit-bisig sa pagharap sa laban
Pagbabago ang siyang kaylangan
Sa ekonomiya, pulitika, lipunan at ng taong bayan
Upang ating mahahawakan, kislap ng kaunlaran

You might also like