You are on page 1of 2

Reporma ng Lupa

By: John Aeron G. Ybañez

Ang Reporma sa Lupa ay tumutukoy sa legal na pagbili ng pamahalaan


sa malalawak na lupaing sakahan upang ipamahagi sa mga magsasaka.
Isinasagawa ito sa tulong ng mga batas sa repormang agraryo.

Mga Batas na may kinalaman sa Pagpapatupad ng Reporma sa Lupa:

1902 Land Registration Act- sa ilalim ng sistemang Torrens noong


panahong amerikano ay ipinatupad ang pagpapatala ng mga titulo
sa lupa ng mga pilipino.
1902 Public Land Act- ang batas na nagbibigay-daan sa pamimigay
ng mga lupang publiko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa.
Agrikultural Land Reform Code- ang mga lupang binili ng
pamahalaan ay ipinagbili sa mga magsaska nang hulugan at sa
parehong presyon na ibinabayad ng pmahalaan sa may-ari ng lupa.
Batas Republika Blg. 1190- nagbibigay ng prokteksyon at seguridad sa
mga magsasaka.
Batas Republika Blg. 1160- itinatag ang National Resettlement and
Rehabilitation Administration na nangasiwa sa pamamahagi ng lupa
ng pamahalaan sa mga pamilyang walang lupa.

Kasaysayan ng Repormang Agraryo


Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na inumpisahan ni
Pangulong Corazon Aquino noong 1988, at ipinagpatuloy ni Pangulong
Gloria Arroyo sa Comprehensive Agrarian Reform Program Extension
with Reforms (CARPER). Ngunit matapos ang dalawampu't anim na
taon, hindi pa rin natatapos ang pagtupad ng mga layunin nito.
Upang papayapain ang noong lumalala nang pag-alma ng mga
naaabusong mambubukid, isinabatas ni Pangulong Manuel Roxas na
30% na lamang ng ani ng mga magsasaka ang kailangan nilang
ibigay sa kanilang mga amo.
Sa ilalim ng Agricultural Land Reform Code ni Macapagal,
kinakailangan na lamang bayaran ng magsasaka ang amo ng isang
napag-usapang halaga upang makapagtanim siya sa lupain nito.

Sa Ilalim ng CARP
Inilunsad ni C. Aquino ang CARP na naglalayong bigyan ng sariling
lupain ang mga magsasakang nangungupahan lamang at turuan sila
ng mas produktibo at episyenteng pagtatanim at pangangalakal.
ang lahat ng sakahang higit sa limang ektarya ang lawak – maging
pampubliko o pribado man ito – ay dapat buwagin at ipamahagi sa
mga mamamayang walang lupain na nais magsaka
Matapos ang isang proseso, maiiwan sa may-ari ang limang ektarya
ng lupa at makatatanggap siya ng just compensation mula sa
gobyerno para sa mga lupaing nawala sa kanya.

CARP sa panahon nina C. Aquino at Ramos


natapos ng administrasyong C. Aquino na nahirapan sa pagtupad ng
programa dahil sa pagpalit-palit ng kalihim ng DAR at sa kawalan ng
kooperasyon ng mga kilusang magsasaka.
Ang pagtutol ng mga kilusang ito ay nagmula sa paglagay ni Aquino
ng Stock Distribution Option sa CARP na binibigyan ang mga kasero
ng pagkakataong panatilihing kanila ang lupa kung ibebenta nila ang
ilang stocks ng korporasyon sa mga magsasaka.

Panahon ng commonwealth
Commonwealth Act No. 178- Ito ay may kinalaman sa pagkontrol sa
reaksiyon ng may-ari ng lupa at nagbubungkal nito.
Commonwealth Act No. 44- Itinatag ang National Settlement
Administration
Rural Program Administration -Ang bumili at nagpaupa ng mga hacienda
sa mga magsasaka

Salamat sa pakikinig

You might also like