You are on page 1of 10

EDSILIKSIK

CPP/Bullying Lahat ng sobra ay masama

Walang maling gawain ang kailanman ay naging tama.

Ang edad 18 pababa ay maituturing bata at sakop ng panukalang ‘Child Protection Policy o
DepEd Order No. 40, s. 2012’. Ang panukala ay prinoprotektahan ang mga mag-aaral mula sa pang-
aabuso, karahasan, pangsasamantala, diskriminasyon at pambubully.

Ang panukala ng DepEd ay hindi lamang para maprotektahan ang mga estudyante kundi para
maiwasan o mabawasan ang kaso na nasasakupan nito. Katulad nito ang Republic Act No. 7610 o mas
kilala bilang Child Abuse Law na tumutukoy sa pang-aabuso naman sa may kapansanan, mahina o di
kaya ay mas nakakabata.

Sa panahon ngayon uso ang pananakot sa loob at labas ng paaralan, hindi lang pisikal ang
maaaring maging paraan ng pambubully kundi maging sa pananalita. Ang simpleng pananalita tungkol sa
pisikal na anyo ay matatawag na pambubully.

Base sa pananaliksik tungkol sa ‘Mean of Respondents’ Level of Awareness in Child/Student’s


Responsibilities’ pangatlo sa pananaliksik ang mga gawaing makakapanakit sa kapwa, kung saan maaring
sinadya ang pangyayari. Ito ay may puntos na 4.13 na ang ibig sabihin ay alam nila na nangyayari ito.

Pang-apat naman ang responsibilidad nila sa kanilang pagiging abuso at kakayahan na maaring
makapanakit sa kapwa. Ang pananaliksik na ito ay may 4.07 na alam o very much aware sila ditto.

Panglima naman ang responsibilidad nila sa mga away na nangyayari kung saan desisyon nila
kung makikisali ba sila o hindi. Ito naman ay may 4.04 na puntos.

Sa nasabing pananaliksik tungkol sa responsibilidad ng isang estudyante sa paaralan alam nila na


nangyayari talaga ito sa loob ng paaralan. Ang pananaliksik rin ay nagsasabing walang estudyante ang
bulag tungkol sa paligid nya.

Samantalang sa ‘Mean of Respondents’ Level of Awareness on the Behavior of Students’ una


ang hindi pagrespeto sa mga guro, hindi lang bata ang biktima ng bullying kundi maging ang mga guro
rin. Ang panmbubully na ito ay may puntos na 3.94 na syang totoo talagang nangyayari ngayon.

May parehas na puntos naman ang pambubully sa kaklase at pagnanakaw at pagsira sa gamit
nito. Ang dalwang ito ay ikalawa sa pananaliksik na may puntos na 3.77 at alam nila sa sarili nila ito.

Ikalima naman ang pagiging maharas sa kapwa nila na syang sakit ulo sa mga magulang at guro.
Ito naman ay may puntos na 3.69.

Sa nasabing mga puntos ng responsibilidad ng mga estudyante, alam nila ang mga ito, ngunit sa
panahon ngayon maraming mga estudyante ang lumabag dito at sinasantabi ang mga parusa na maaari
nilang matanggap. Palakasan at patapangan na ang nangyayari ngayon sa loob ng paaralan hanggang sa
labas sa halip na tulungan sa pag-abot ng pangarap.

Ang ikalawang pananaliksik naman ng pag-uugali ay makikitang ginagawang libangan ng mga


kabataan ang pambubully sa loob ng paaralan. Hindi lang pisikal ang anyo ng pambubully kundi maging
simppleng pagsabi ng hindi magandang salita ay pambubully rin.

Sa mga pahayag na nabanggit tungkol sa mga puntos ng responsibilidad at pag-uugali ito ang
resulta ng pagbabago ng mga kabataan ngayon. Maaring dahilan nito ay impluwensya ng mga
ipinagbabawal na mga gawain.

Maaring solusyon dito ang atensyon mula sa magulang nila kung saan madidisiplina sila ng tama.
Sa bahay madalas nagmula kung bakit sila nagkakaganito at maaring may mga karanasan din sila at
gusto lamang na gumanti.
Mundo ng kasinungalingan sa katotohanan

Mas magandang pagsimulan ng pagiging magkaibigan kung sa personal magkikita at


magkakausap kesa sa social media o website tulad ng Omegle. Ang Omegle ay isang website na ngayon
ay nauuuso sa mga kabataan dahil dito nakakausap sila ng hindi nila kilala.

Ngayon kalat ang cybercrime kaya naman ipinatupad ang Republic Act No.10175 o mas kilala
bilang Anti-Cybercrime dahil hindi lang sa totoong mundo may nangyayaring krimen kkundi maging sa
virtual na mundo tulad ng omegle ngunit dito ay totoong tao ang kausap. Ang nasabing website ay
delikado at hndi pwede sa mga bata dahil sa mga personal na impormasyon.

Sa mundo ngayon yung inaakala mong ligtas ay doon ka pala hindi ligtas dahil maaring
kalokohan lang ang lahat. Ang Omegle ay maaaring matulungan ang isang indibidwal na magkaroon ng
kaibigan ngunit maaaring peke lamang ito.

Base sa mga kabataan na nakaranas na sumubok ng nasabing website, sa una lang ito
masayadahil hindi nyo kilala ang isa’t isa pero sa pagtagal ng usapan hanggang magkasabihan ng
pangalan maaring mag-iba ang motibo nila. Ang mga tao dito ay maaring naghahanap ng kaibigan sa
simula ngunit maaring hindi talaga ito ang motibo nila at ang hanap ay ang pagdadausan ng gusto nila.

Ang Omegle ay parang panibagong mundo na pwede mong gawing kasinungalingan ang lahat
upang gumawa ng panibagong katauhan. Sa nasabing website maliit ang chance na totoo ang sinasabi
nila dahil wala namang pruweba na totoo o kasinungalingan ito.

Simpleng pagbibigay ng pangalan sa kausap ay maaari nilang gamitin upang matukoy ang
kinaroroonan nito at magkaroon ng ibang motibo. Ang motibo ay depende sa nalaman nilang
impormasyon mula sa kanilang nakausap.

Dito rin maaring magsimula ang krimen na staking, ang stalking ay krimen rin na maituturi dahil
palihim itong pagsunod at maaring may masamang motibo ang stalker sa biktima. Kung kaya’t hindi
dapat binibigay ang address o pangalan sa hindi naman kakilala.

Maaari ring hindi lang dalawa ang sangkot ditto kundi maaaring tatlo o higit pa na madadamay
dahil ginamit ang ppagkatao at pangalan nila. Walang kasiguraduhan ang katotohanan ditto dahil
parehas lamang na walang impormasyon sa isa’t isa ang magkausap.

Maihahalintulad rin ang website sa RPW o Role Player world kung saan naman ay nag poportray
at binabago nila ang pagkatao nila at gumagawa ng bagong account malayo sa totoo nilang pagkatao.
Ngunit dito ay makikita ang gamit nilang pangalan hindi tulad sa Omegle na walang kahit ano na
impormasyon tungkol sa kausap.

Ilan sa sumubok nito ay may hindi inaasahang karanasan sapagkat sila ay nabastos o di naman
kaya ay nasabihan ng masamang salita. Makakasalamuha ditto ng iba’t ibang uri ng tao na may kanya
kanayang paraan ng pagpapakilala nila na walang kasiguraduhan.

Dagdag pa rito ang pagiging scam nila o paghingi ng kung ano sa kausap kapalit ng walang
kasiguraduhang impormasyon. Sa paghingi nila ng gusto nila maari nilang lokohin ang mabibiktima at i-
disconnect ang usapan upang hindi na ito mabawi pa.
Kung pagsasama-samahin ang impormasyon tungkol sa website, ito ay walang kasiguraduhan at
tiyak na puro kasinungalingan lamang. Kung ang mundo natinn ay may kasinungalingan ang mundong
ito ay maaring mas higit pa.

Dito rin makikita na ang mga pahayag ay maaring magresulta lamang ng hindi inaasahang
karanasan mula sa website. Isang halimbawa na ditto ang ilan sa mga nabanggit na pahayag na syang
totoo namang nangyayari ngayon.

Kung ito naman ay susuriing mabuti walang dulot na maganda ang website dahil ito lamang ay
panandalian saya ngunit may katakot takot na karanasan. Ang website rin ay walang maitutulong sa mga
mag-aaral sapagkat wala namang mag-oopen sa usapan tungkol sa pagsagot sa school.

Nararapat na ituon na lamang sa pag-aaral kesa sa paglilibang ang oras nang sa ganun ay tumaas
ang grado ng mag-aaral.
Pantay na karapatan

Isang malaking dagok sa lipunan ang pagsasabatas ng sexual orientation and gender identity
equality bill ( SOGIE), sapagkat hundi nito masusulusyunan ang diskriminasyon sa bansa, mabibigyan
lang ng batas na ito ang mga kasapi ng ng LGBTQ community ng espesyal na pagtrato. Hindi masasagot
ng isa diskriminasyon ang isa pang diskiminasyon.

Sa pagsusuling ng House Bill No. 4982, ito ang magsisislbing harang upang maiwasan ang
diskriminasyon sa mga taong myembro ng LGBTQ community.kasamaa na ang dito ang pagpapataa ng
parusa sa kung sino man ang magsasagaqa ng diskriminasyong nakabatay sa sexual orientation.

Kung magkaroon ng pang-iinsulto sa mga myembro ng LGBTQ ay papatungan ng penalty na


nagkakahalaga ng 500 000 pesos at pagkakakulong sa ng 6 na taon at anim na buwan. ito ang inaasahan
na poprotekta sa karapatan nila kung ito ay mai-implementa.

Sa panahong ngayon, maraming tao na ang walang respeto sa kapwa , lalo na pagdating sa
kasarian. Sa mga usaping pagdating dito maraming tao pa rin ang hindi sila tanggap at minamaliit ang
kanilang kakayahan.

Kumakailan lang, sumiklab ang balitang pagbabawal ng isang empleyado ng mall ang pag gamit
ng isang transgender na gumamit ng pambabaeng palikuran. Dito mas uminit ang pagpapasa ng SOGIE
Equality Bill sapagkat kahihiyan ang nakuha ng trangender.

Sa pagbubukas ng kasong ito, marami ang umugong na balita patungkol sa pagsang- ayon nila
sa pagsasabatas nito. marami rin ang sumalungat dito sapagkat giit nila dalawa lang ang kasarian at kung
ano ang kanilang biological sex yun ang CR na papasukan nila.

Salungat din ang mga pari sa mga usapaing LGBTQ sapagkat sinasabi nila na dalawa lang ang
nilikhang kasarian ang Diyos. Sumalungat rin ang ilan pang miyembro ng nito sapagakat kahit pa may
batas na ganito hindi maiiwasan ang diskriminasyon kung hindi sila tanggap sa mundong kanilang
ginagalawan.

Mayroon namang batas na para sa diskriminasyon kung kaya't bakit pa magsusulong ng


panibagong batas kung ang batas na ito ang layunin lang ay ang pagiging reyna at hari ng mga kasapi ng
LGBTQ. wala itong hatid na maganda sa lipunan sapag magsisilbi lang itong patrato sa kanila ng espesyal.

Sa makatuwid, hindi masasagot ng panibagong batas ang diskriminasyon sapagkat ang batas na
ito ay maglalabas lang ng panibagong diskriminasyon. Sa pagpapasa ng ng batas ng ito, mga kababaihan
at kalalakihan naman ang makakaranas ng diskriminasyon.

Sa kabilang banda, maganda ang hangarin ng pagsasabatas nito ngunit may mga batas naman na
poprotekta sa mga tao upang makaiwas sa diskriminasyon. Malaki ang magiging epekto nito sa mga tao
sa lipunan sapagkat mawawala ang sinasabing equality.

Pagkakapantay-pantay ang hangarin ng lahat upang walang magmataas at umastang mayabang


dahilan ng batas. Pagtrato lang ng maayos ang kailangan ng mga kasapi ng LGBTQ at hindi pagtrato ng
labis- labis sa isang tao.

Kung hindi matatanggap ng ng lahat ang kasarian ng bawat isa, walang mapapala kung hindi
diskriminasyon kahit na may batas na nagbabasal dito. Walang makakatulong sa pag aalis ng
diskriminasyon kung hindi ang sarili lang ng bawat tao at pagkatanggap nila sa bawat isa.

Pagmasdan natin ang ating lipunang ginagalawan, walang pagkakapantay- pantay at walang
respeto ang bawat isa. Hinidi marunong tumanggap ng kung sino talaga ang kapwa nila dahil
panghuhusga ang bukang bibig nila.

Wala ng lugar ang pagbibigay ng galang sa kapwa, lalo na pagbibigay galang sa kasarian nila.
Pagtapak lang sa dangal ng iba ang ginagawa ng taong mahina ang utak at walang nais gawin kung hindi
ang manlait ng kapwa base sa kanilang kasariang inilabas.

Hindi masasagot ng panibagong batas ang diskriminasyon na nakabatay sa kasarian. ang tanging
makakapagpatigil lang nito at kung magkakaroon ng respeto ang bawat isa at pagtanggap ng buo sa
kasarian ng lahat.
Nakakabahala na ang pagpapalaya ng mga bilanggo sa pamamagitan ng good conduct time
allowance ( gcta) sapagkat hindi patas anag pagpili ng bureau of corrections bucor ng mga taong
bibigyan nito . Nararaoat lang na ang taong pagbibigyan nito ay salain ng mabuti upang ang mga biktiba
ay hindi maagrabyado.

Republic Act 10592 ay inilunsad upang lahat ng bilanggo, kabilang ang nasa preventive
imprisonment ay maaaring ma-qualify para sa reduction ng kanilang sentensiya. Dito sila mabibigyan ng
pangalawang pagkaka sa batas, nakasaad din sa dito na kapag nagpakita nang magandang pag-uugali
ang bilanggo malaki ang mababawas sa kanya sentensya, dagdag na tulong din kung sila ay kakikitaan ng
mga gawain na malaki ang nai-ambag sa pagpapa- unlad ng kanilang sarili at kakitaan ng tunay na
pagbabago.

May mga taong nakatoka sa pagbabantay kung tama ba ang komputasyon ng gcta. Ngunit bakit
nagkakaroon pa rin ng dayaan at maraming tao ang napalaya ng hindi tama? Marahil ay dahil na rin sa
mga taong nagpapabayad upang palayain nila ang isang bilanggo.

Mayroon din namang tinatawag na "time allowance supervisor" na sa bawat piitan ay


babantayan ang paglahok ng mga preso sa mga reformation activity sa pasilidad at magtatala ng
gagawin nilang "good behavior." Ito ang magiging batayan nila sa pagpili ng taong bibigyan ng
pagkakataong makalaya ng mas maaga sa kanilang sentensya.

Susuriin naman ng management, screening, and evaluation committee (MSEC) kung talaga nga
bang dapat palayain ang isang preso. Sila ang magtatalaga na kung karapadapat ba ang isang preso na
mapalaya at kung sapat ang pinapakita nitong kabutihaan.

Malaki ang maiitulong ng gcta sa mga taong nagkasala upang bigyan sila ng pangalawang
pagkakataon kung saan maari nilang ituwid ang kanilang maling ginawa. Dapat ang bigyan lang ng
pangalawang pagkakataon ay ang mga taong karapatdapat at hindi ang mga taong labis-labis ang
ginawang kasalanan.

Maraming tao ang maagrabyado kung sila ay nakakalaya, nararapat lang na dumaan ang mga
taong pasok sa listahan ng gcta sa mahabang proseso na pagpapatunay na sila ay tunay na nagbago. Dito
dapat salain ng mabuti ang mga taong palalayain upang ang mga kaanak ng mga naging biktima ay hindi
mag-alala sa kung ano ang pedeng mangyari sa kanila at mabigyan sila ng tamang hustisya.

Sa kabilang banda, hindi naman masama ang pagpapalaya na mga bilanggo kung mababaw lang
ang kanilang ginawang kasalanan at mapapatunayan na sila ay talagang nagbago na. Ang mali lang sa
pnukalang ito ay ang pagbili ng mga bilanggo sa mga tauhan ng gobyerno upang sila ay mapalaya sa
ilalim ng batas na ito.

Sa makatuwid, dapat mas matibay ang kailalangang patunay ng mga bilanggo upang sila ay
makapasa sa list ng mga palalayain sa ilalim ng batas ng gcta. Sa paraang ito hindi malalagay sa panganib
ang kaligtasan ng mga buktima at kaanak nila.

Maganda ang layunin ng batas na ito ngunit kailangan nito ng masinsinang pag-aaral upang
hindi maling tao ang kanilang mapalaya. Sa pagkakataong makapagpalaya sila ng maling tao, hindi ito
patas sa mga taong naging biktima kung ang krimen na kanilang nagawa ay walang kapatawaran.

Sa madaling salita, dapat ang bigyan lang nila ng pagkakataon ay mga taong mababaw lang
kasalanan ginawa. Dapat hindi ba kasama sa pagpipiliian ang mga taong nakapatay, rapist at drug dealer
or drug lord.

Malaki ang maiitulong nito sa taong minsan ng nagkasala, sapagkat kung kakikitaan sila ng
pagbabago maaari silang maging isang ihemplo upang ang mga kabataan ay hindi tularan ang kaniyang
pagkakamali. Maaari din siyang maging ihemplo ng mga taong bilanggo upang di sila mawalan ng pag-
asa na maaari pang bigyan sila ng pagkakataon na makapagbago ng buhay sa pangalawang pagkakataon.

Walang masama sa pagpapalaya ng maaga ng mga preso kung sila naman ay may pinapakitang
tama. Ang tanging nagpasama lang ay pagpapalaya ng dahil sa pera, sa pagbabauad ng malaki sa batas
uoang amg nagawang mali ay mapagtakpan.

Batas na nagbibigay ng kalayaan at nakakapagbawas ng sentensya ng tao ay dapat sa mga


presong handang magbago at patuloy na nagbabago sa loob ng kulungan ay hindi sa mga kriminal na
pera ang bayayan upang makuha ang maagang kalayaan. Dapat ang Gcta ay hindi nabibili ng mga
mayayamang tao sa mga buwaya ng gobyerno sapagkat maraming biktima ang hindo makakamtan ang
tamang hustisya.

Marapat lang na tamang proseso ang pagdaan ng mga presong nais mapalista sa GCTA at dapat
ang mga tiwaling opisyal ay maghugas kamay na para hindi mawala ang tiwala ng mga taong ang hiling
ay hustisya. Gawin ang tama at nararapat, huwang pera ang sambahin dahil ang tunay na kayaman ay
kabutihan at katotohanan.
Walang hirap kung may tiyaga

“Magtanim ay 'di biro plagiing nakayuko, di man lang makatayo di man lang makaupo"

Narinig mo na ba ang kantang ito na na kung saan bata pa lang ang ating mga magulang ay
kinakanta na sa eskwelahan noon, lalo na pagbuwan ng wika?

Ito ay musika na sumisimbolo sa hirap ng buhay ng isang magsasaka, sapagkat dugo at pawis
ang kanilang inaaalay para lang makapagtanim ng palay, ngunit ano ang sukli sa kanilang paghihirap?
Makikita natin na hindi sapat ang kanilang nakukihang sukli sa kanilang kapaguran sapagkat minsan
napepeste ang kanilang pananim at sa panahon ngayon mababa ba ang bentahan ng palay kung kaya't
lugi sila.

Sa pagsikat pa lang ng araw at pagtilaok ng manok mga magsasaka ay bumabangon narin upang
ihanda ang sarili sa isang buong araw na pagtatrabaho sa sakahan.Dito masinsinang binabantayan ang
mga pananim at pilit pinapaganda ang uhay nito para sa masaganang ani.

Simple lang ang buhay ng isang magsasaka, hindi puro hirap ang kanilang nukukuha dahil ito
lang ang nagsisilbing kanilang puhunan makuha lang kabuuang kita pagkatapos ng kanilang sikap. Tunay
na mahirap ang kanilang ginagawa ngunit kanilang kinakaya, pilit silang magtatrabaho at babangon sa
araw araw para pamilyang kanilang binubuhay. Ito ay trabahong marangal na dapat hindi ikahiya.

Sa pagtitiis nila sa ilalim ng init ng tirik na araw, mapakain lang sa tatlong beses ang kanilang
pamilya ay isang kabayanihang maitituring.Sa bawat patak ng pawis ng magsasaka butil ng bigas ang
ating makukuha.

Hirap at tiyaga ang binubuwis nila dito at diskriminasyon naman ang madalas na natatanggap ng
mga anak nila dahil sa kanilang hanap buhay. Hindi masama ang pagiging magsasaka dahil ito ay isang
marangal na trabaho.

“Pagod nila ang sinasakripisyo dito upang mabigyan lamang ng makakaing kanin ang bawat
mamamayan” ani ng isang anak magsasaka. Walang magsasaka ang hahayaang maghirap ang anak kung
kaya’t sarili nilang kalusugan ay sinasakripisyo nila.

At lumaking anak ng magsasaka ay mas maganda kesa lumaking walang alam kung paano
ginagawa ang kinakain, sapagkat ang anak ng magsasaka ay puno ng kaalaman tungkol sa mundong
ginagalawan niya. Mas nagiging bukas sila sa kalikasan at mas madaming alam sa usaping panahon dahil
sa kinagisnang buhay.

“Mahirap kapag panahon ang kalaban sapagkat tanging panalangin lamang ang nagiging
solusyon” dagdag pa ng anak ng magsasaka, sa pagiging magsasaka ang hirap nila ay maaring mapunta
sa wala dahil lang sa isang kumpas ng panahon. Ang panahon ay talagang hindi mapipigilan at ito ang
kalaban para sa kanila.

Sa panahon ngayon iilang bata lang ang nangangarap na maging magsasaka dahil sa tingin nila
ay pangmahirap lamang ito ngunit hindi nila alam na ito ang pinakamarangal sa lahat ng trabaho.
Samantalang ang mga anak ng mga magsasaka ay gusto mang magsaka rin ngunit kailangan nilang
maghanap ng ibang trabaho upang araw-araw silang makakain.

At isang kataga ang iniwan ng isang anak magsasaka at iyo ay “Marumi man silang tingnan
ngunit ito ang pinaka malinis na hanap buhay para sa akin” ani ni Nivea Loreen.

You might also like