You are on page 1of 4

Edad ng Pananagutan: Tugon nga ba sa kriminalidad?

Maureen F. Chavez

Pabata nang pabata ang mga kabataang


nasasangkot sa krimen tulad ng pagtutulak ng ilegal na
droga, panggagahasa at maging ang pagpatay. Base sa
datos ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD), noong 2016, nasa 10,000 bata na ang nasangkot.
Matutugunan ba ng pagbaba ng Minimum Age of Criminal
Responsibility ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang
nalilihis ang landas?

Matatandaang isinusulong sa senado ang panukalang


batas na layong ibaba sa 9 anyos ang edad ng
pananagutan mula sa 15 anyos pababa na nakapaload sa
umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o
Republic Act 9344. Katuwiran ni Senate President Vicente
"Tito" Sotto III, na naghain sa Senate Bill 2026, maraming
mga sindikato ang umaabuso sa R.A. 9344 dahil sa
paggamit nila sa mga bata para magsagawa ng mga
krimen.Kaya nararapat lamang na ito ay baguhin.

Inihayag naman ng ilang grupo ang kanilang pagtutol


sa mga panawagang ito,subalit ang 12 anyos na Age of
Social Responsibility ay pasado na sa kamara. Ang mga
batang nakagawa ng krimen ay hindi tatawaging mga
kriminal kundi ay "Children in conflict with the law," ani
Mindoro Rep. Doy Leachon. Sa halip na ikulong sa mga
ordinaryong piitan, bibigyan sila ng pagkakataong
magbagong buhay sa loob ng "Bahay Pag-asa",na
pangangasiwaan ng DSWD.
Hindi likas sa mga bata ang paggawa ng krimen at
hindi edad kundi kahirapan sa buhay ang dapat pagtuunan
ng pansin ng gobyerno dahil ito ang nagtutulak sa ilang
bata na gumawa ng mali. Kung ayaw nating manakaw ang
kinabukasan ng mga kabataan, kailangang sa loob pa
lamang ng tahanan at gabay ng magulang mahubog ang
kanilang pagkatao.
Promissory note: Kailangang malaman ng mga bata?

Maureen F. Chavez

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang


ginawang pamamahiya ng Principal sa isang anim na
taong bata na pinagsulat ng promissory note. Umani ito
ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens. Hindi rin ito
ikinatuwa ng mga magulang nito na halos napaiyak na nga
sa galit. Tama nga ba na ito ay maranasan ng isang paslit
pa lamang?

Ang promissory note ay liham na katibayan sa


pagkakautang at pangako sa pagbabayad ng obligasyon,
gaya ng matrikula sa loob ng nakatakdang panahon. Ayon
sa Federation of Associations of Private Schools and
Administrators (FAPSA), isang grupo ng mga private
school administrators, hindi na dapat ipinapaalam sa mga
bata ang tungkol sa pagbabayad ng matrikula dahil pag-
aaral lang dapat ang obligasyon nila. Na kahit saang
pribadong paaralan hindi dapat sila obligahin na magsulat
nito, dahil napakalaking kahihiyan lamang ang
mararanasan nila.

Sa mga magulang, alam niyo naman ang mga


patakaran sa paaralan kung saan ipinasok niyo ang inyong
mga anak nararapat lamang na magbayad kayo sa
itinakdang panahon upang hindi na umabot sa ganito.
Kung hindi rin lang naman kakayanin magpampublikong
paaralan na lamang huwag nang magpasosyal kung wala
namang pangbayad.

Kung tutuusin ay hindi na dapat pang malaman ito


ng mga estudyante lalong-lalo na ng mga bata dahil wala
pa silang nalalaman tungkol dito. Hayaang ang mga
nakatatanda ang maging abala sa mga bagay tulad nito
dahil ang kontrata ay namamagitan lang dapat sa mga
magulang at paaralan.

You might also like