You are on page 1of 5

Pag baba sa criminal liability ng menor de

edad, hindi solution

Posisyong papel ng Pangkat Apat


“Ang kabataan ang pag asa ng bayan”, katagang iniwan ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa mga lumipas na henerasyon,
pinaniwalaan natin na ang mga kabataan ang pag asa ng bayan ngunit sa
panahon ngyon paano pa natin masasabing kabataan ang pag asa ng bayan
kung unti unting dumadami ang bilang ng krimen na sangkot ang mga menor
de edad?
Isinusulong sa senado ang isang panukalang batas na layong ibaba ang
edad ng mga pwedeng managot sa nagawang krimen. Naging matunog ang
isyung ito sa buong bansa, may ilang sinasabing nararapat lamang ngunit
mayroon ding hindi sumang ayon. Matutugunan nga ba ng batas na ito ang
problema ng ating bansa sa pagdami ng bilang ng krimen na sangkot ang
mga menor de edad? O magdudulot lamang ito ng karagdagang problema sa
ating bansa?
Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming sindikato ang gumagamit sa
mga menor de edad upang gumawa ng krimen. Hindi natin tiyak ang
kaligtasan ng bawat bata lalo na ang mga batang naninirahan sa kalye.
Madaming dahilan kung bakit nagagawa ng mga menor de edad ang mga di
kaaya ayang krimen at malaking porsyento ditto ang sindekato at dahil nga sa
isyung ito napag pasyahan ng ilang senador ang maghain ng batas ukol sa
pag baba ng edad na maaaring makulong.
Mahigpit naming tinutulan ang batas na ito sapagkat hindi naman natin
alam kung ninais bang gawin ng isang bata ang isang krimen o napag utusan
lamang sya. “Noong ang minimum age ng criminal responsibility ay yung
nine to 12. So isipin mo pag binaba mo yung minimum age of criminal
responsibility , ang maiisip ng mga sindikato , ‘Mas bata yung gagamitin ko”,
pahayag ni Noel Del Prado sa proggramang “usapang De Campanilla” ng
DZMM kung ibababa nga naman ng pamahalaan ang batas na ito, mag
dudulot ito ng negatibong pangyayare tulad ng paggamit ng mas bata upang
gumawa ng krimen, isipin mo ang isang sitwasyon kung saan ang apat na
taong gulang ay marunong ng gumamit ng dahas upang gumawa ng krimen,
isa itong nakakapagpagabag na sitwasyon
Isa rin sa dahilan kung bakit dapat hindi maipatupad ang batas na ito
ay ang kalagayan ng mga kulungan sa ating bansa, hindi lingid sa ating
kaalaman na maraming kakulangan sa mga kulungan at mag dudulot
lamang ito ng mas malalang problema. Oo nga’t mayroong mga maayos
na facilities ngunit bilang na bilang lamang ang dami nito at hindi lahat
ng kalidad ay mayroon nito. Ayon sa Juvenile Justice and Welfare
Council, 33 porsyento lang ng lahat ng local government units ang may
bahay pag asa kung iisiping Mabuti kapag napunta ang mga batang
nakulong sa regular na kulungan malaking panganib ang maidudulot
nito sa kanila. Mas mabuting idaan sila sa mga counselling kasama ang
kanilang mga magulang at bigyan sila ng tamang gabay upang mag
bago . Maaari ngang mabigyan ng hustisya at pagbayaran ng mga
menor de edad ang kanilang mga kasalanan at sa pamamagitan ng
batas na ito ngunit isipin rin natin kung ano ang magiging masamang
epekto neto sa ating mga kabataan.
Nararapat lamang na hindi ipasa sa senado ang batas na nalalayong
ibaba ang edad ng criminal liability. Hindi makakatulong sa mga
kabataan ang pag kakakulong lalo nasa mga kulungang kulang na
kulang sa pasilidad, hindi rin ito makakatulong upang makapag pabago
ng buhay at mabigyan ng rehibilitasyon. Dapat nating isulong ang
malaking gampanin ng mga kabataan sa lipunan na dapat isulong at
protektahan ang kanilang moralidad. “Lowering the age of criminal
responsibility will result to negative consequences for children and the
public. It will increase the number of children detained for long periods
of time, making them more likely to become hardened offenders”,
pahayag ng Philippine Action for youth offenders.

You might also like