You are on page 1of 2

HB 505: DEFORMATIVE JUSTICE

Sinaksak ni‘Bryan,’17 taong gulang, ang mga lasing na nang-trip sa kanyang mga
kaibigan, bilang pagtatanggol sa sarili at sa grupo noong nakaraang Hunyo 23.

Ayon sa panayam ng ‘Ang Manggagawa’ kay SJO2 Arnel Cabrillas ng Calapan City
District Jail, ipinagtanggol lamang ng bata ang kanyang sarili.

Nang makita niyang sobrang nasasaktan na ng mga lasing ang mga kaibigang kasama
ito na nagtulak upang makahagip ng kutsilyo sa pinakamalapit na burgeran.

Ayon sa Revised Rule of Children in Conflict with the Law, ang mga batang edad
mababa sa labing walong taong gulang pero hindi bababa sa 15 taong gulang na
nakagawa ng criminal na pananagutan ay tinatawag na Children in Conflict with the
Law.

Samantala, ipinapanukala naman ng HB 505 bilang amyenda sa RA 9344 o mas kilala


sa Juvenile Justice and Welfare Act 0f 2006 na pababain ang criminal liability mula 15
taon sa 9 na taon/

Matatandaang pinanukala ang naturang amyenda ni Congressman Paulino Salvador C.


Leachon ang pagpapababa ng edad nang pagkakaroon ng criminal liability ngunit hindi
naman sila sa kulungan kundi sa bahay pag-asa sa pangangalaga ng Department of
Social Welfare Development.

Ang pagdadala sa kanila sa bahay pag-asa ayon kay Leachon ay isang paraan ng
reformative justice kasabay ng iba’t ibang interbensyon sa loob.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Oriental Mindoro,


pumalo na sa 20 ang bilang ng mga kabataang nasa pangangalaga ng Bahay Pag-asa.
Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay drug-related, murder at
attempted homicide.

Sa talang ito dapat nga bang ibaba pa ang criminal liability age sa siyam na taon kung
saan ang mga batang ito ay hindi pa sapat ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Sa
panahong ito sila ay mga inventive pa, ibig sabihin wala pa silang sapat na kakayahan
upang timbangin kung tama o mali ang kanilang ginagawa.

Pero dapat nating isipin, sino ba ang mga may pananagutan sa mga menor de edad. Di
ba ang mga magulang ang dapat managot sa mga ganitong nagiging aksyon ng mga
bata sapagkat una sa lahat ay disiplina sa bahay ang una nilang matutunan bago
lumabas sa lipunan.
Nakakaalarma man ang mga balitang ginagamit ng mga sindikato ang mga bata para
gumawa ng krimen, mas nakatatakot isiping dumarami ang mga matatandang
nagsasamantala sa kahinaan ng kabataan.

Mga matatanda ang may mataas na legal na pananagutan. Sila ang singilin sa
kahinaan ng mga bata, at hindi ang siyam na taon kung saan kulang pa ang pag-
unawa.

Pagmamahal, panahon at kalinga ang kailangan maranasan ng bawat bata sa bansa.


Hindi ang malamig na rehas na bakal na yayakap sa tuwing sasapit ang dilim.

You might also like